Naniniwala naman akong hindi mawawalan ng proyekto si Seth Fedelin sa pagtatapos ng afternoon series nitong Kadenang Ginto bilang love interest ni Andrea Brillantes. Nakitaan naman kasi ng magandang working attitude ang bagets na nasa pangangalaga ng Primetime Artist Management ni Mario Colmenares. Higit sa lahat ay ang magandang pananaw din ni Seth sa buhay simulang maging busy na ito sa kanyang showbiz career. Ayon kay Seth, naging malaking bagay para sa kanya ang pagkakapasok niya sa naturang serye ng Dreamscape dahil dito diumano nahasa ng husto ang kanyang pag-arte. In all fairness, lahat ng nakausap ko about Seth, positive comment naman ang ibinigay nila. Kailangan pa raw mahasa lalo ang kanyang acting dahil may mahuhugot pa sa bagets. Kunsabagay baguhan palang si Seth sa mundong ginagalawan niya kaya naman may malaking room for improvements pa para sa kanya at willing naman daw ang binata.
When asked about The Gold Squad kung saan niya kasama sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Kyle Echarri, sinabi nitong tuloy-tuloy parin ang trabaho ng TGS.
Positive naman si Seth sa pagsasabing mas maraming blessings pa ang darating sa kanya dahil mahal na mahal niya naman talaga ang trabaho niyang ito!
SETH FEDELIN TULOY ANG PAG-USBONG NG SHOWBIZ CAREER
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento