DONITA NOSE AT TEKLA PARIN ANG NUMBER ONE TANDEM SA PAGPAPATAWA HINDI LANG SA PINAS GANOON DIN ABROAD

Sa kasalukuyan ay humahataw parin ang tambalang DonEkla! Mula sa mga Pinas out of town shows ay umaariba ang dalawang bida na sina Donita Nose at Tekla abroad! Hindi lamg kasi natin kinagiliwan ang pagpapatawa ng dalawa dito kundi maging ang mga followers ng dalawa abroad ay aliw na aliw sa linyahan at batuhan nilang dalawa! 

Paano raw kasi, mukha palang daw ni Tekla na aanga-anga ay nakakatawa na! Isama mo pa ang kanyang mga jokes na sinasabayan naman ni Donita Nose kaya naman riot ang ending.

Sabi pa ng nakausap ko, mabuti nalang daw at nakabangon si Tekla mula sa pagkakadapa at aminado naman dito si Tekla. 

Donita Nose is beautiful naman talaga! Kabaliktaran naman siya ni Tekla kaya nagso-swak ang kanilang tandem na everytime sumasampa na sila sa stage, ayon na, riot na at alam mong hagalpakan sa tawa ang manonood at pak na pak bawat eksena nila sa pagpapatawa.

Beautiful tandem na ayon pa sa dalawa nung makatrabaho ko sa isang out of town show, mahal nila pareho ang kanilang trabaho at masaya sila sa kanilang ginagawa.

Hangga't marami diumano pa ang nagmamahal sa kanilang dalawa ay hinding-hindi raw iiwan ng DonEkla ang isa't isa kahit sabihin nating 2 years ago ay nagkalabuan sila! Ang mahalaga diumano ay okey na silang dalawa at magkaibigan parin sa kabila ng lahat! 

Gabyan lang trabaho nila huh! Nungka dahil parehong matatalino sina Donita at Tekla huh! Sa totoo lang!

Wala talagang makakapantay sa kasikatan nila! Sa lebel nila today, sila lang yun at walang iba!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento