Until now ay hindi parin nagsasalita si Gigi at mukhang tahimik naman siya sa isyung ito.
Sana hindi ito totoo huh dahil wala naman sa image ni Gigi ang mang-scam dahil alam naman nating lahat na super raket siya ng kabi-kabilang concerts dito sa Pinas at abroad noh!
May narinig na kami before kung bakit siya umalis sa poder ng kanyang unang management. Hanggang sa nagkaroon siya ng isang taong humawak sa kanyang karera na nagsilbing parang manager niya na rin.
May isyu na naman sa pangalawang humawak sa kanya at lately ay naglabas na nga siya ng kanyang official statement.
So sino na ngayon ang booking manager niya at ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?
Nakakawindang lang ha! Mahusay naman talaga siya kasama na ang buong banda niya. Pero parang may mali! Parang sayang naman ang ilang taong pinaghirapan niyang karera kung mapupunta sa mga nega!
Admired her a lot pa naman dahil alam naman natin ang history din ng kanyang buhay at pakikipagsapalaran sa music scene! Sana hindi totoo ang mga naririnig ko Gigi De Lana dahil sayang!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento