Kamakailan lang ay ipinakilala na ng BenTria Productions ni Sir Benjie Austria sa entertainment media ang apat na lalakeng aktor na bibida at mapapanood natin sa entablado ng teatro na sina John Mark Marcia, Paolo Gumabao, Juan Paolo Calma at Drei Arias.
" Walong Libong Piso " ang titulo ng nasabing stage play na sinulat at idederehe ng dating sikat na sexy actor na si Dante Balboa.
Maganda ang istorya nitong tatakbuhin kung saan inaasahan diumano ang mga gagawing mapangahas na eksena ng apat sa play kasabay ng nga litanyang uukit daw za ating kaisipan.
Silang apat na aktor ay iisa ang gaganapang papel sa iisang script ng play. Ayon kay Direk Dante Balboa, ilalagak nila ang palabas sa iba't ibang venue sa Metro Manila at pangarap nilang maibiyahe ito sa iba't ibang lugar ng bansa.
Ayon kay Direk, hindi lang basta teatro ito kundi sa ngayon palang ay sinabi na nitong after watching the said play ay marami tayong mapupulot na aral dito.
Ngayong buwan ng Agosto ang puntiryang buwan ng pag-uumpisa nito na unang gaganapin sa CCP Complex at sa naging subestiyon ko na rin ay itatanghal din nila ito sa iba't ibang venue sa Metro Manila like sa Quezon City at Makati City.
Ang nakakatuwa pa ay ang producer nitong si Sir Benjie Austria na kilala sa walang humpay na pagpo-produce ng movies na excited na ring panoorin ang kanyang kauna-unahang produced na theatrical play!
During the question and answer portion ng media launch ay palaban naman ang apat na lalake sa kanilang mga sagot mula sa mga seksing tanong ng press!
Ahem...mukhang masarap panoorin itong play huh! Well, kitakits sa VIP seats!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento