Nagkatuluyan sa totoong buhay ang parehong Vivamax stars na sina Sean De Guzman at Hershie De Leon. Nagkaroon ng first baby at kasalukuyang parehong walang proyekto sa bakuran ng Viva. Maybe dahil pareho nilang ginustong manahimik at tutukan ang kanilang anak.
Nakita ko ang larawan ng anak nila ni Hershie na aba-aba ng isang baklita, beautiful huh! Kunsabagay, guwapo at maganda naman sina Sean at Hershie!
But many of us particularly ako ay nanghinayang lalo na kay Sean De Guzman dahil sa totoo lang, Sa dami ng kanyang ginawang pelikula sa Vivamax kung saan binansagan pa nga siyang Vivamax King at ginawang pelikula sa mainstream ay ipinakita naman nito ang kanyang husay sa bawat pagganap na kanyang ginagawa.
Nasabi pa nga namin noon na kayang-kaya niya ng tawirin sana ang mainstream sa pelikula at telebisyon. Pero bigo ang lahat nang sa isang pitik at maling desisyon para sa amin na hindi namin alam sa kanya na nawala ang lahat ng magaganda sanang oportunidad para sa kanya.
Naglaho ang lahat at nabalitaan nalang naming nga nga na si bagets!
Nabalitaan nalang din naming wala na siya sa poder ng kanyang dating manager na sa latest tsika ay mukhang magbabalik daw ulit si Sean sa poder ng kanyang dating manager na si Len Carrillo.
Saganang akin lang, ano na nangyari sa usapan mo pala sa ipinalit mong manager kay Len? Hindi mo ba naisip na may kontrata kapa sa dati mong manager bago ka lumangoy sa pangako siguro ng bago mong manager?
Pinaasa ka ba ng bagong manager? Alam.mo ba na sa maling desisyon mo at diskarte ay bigla kang naglaho at biglang nailibing ang career mo?
O baka naman okey lang dahil sinusuportahan ka ng iyong bagong manager?
Sa bawat pangyayari kasi ay may kuwento at dahilan kung bakit! Ang nangyari din kasi simulang umalis ka sa poder ng iyong dating manager na balita namin ngayon ay iyong babalikan ay never kang nagbahagi ng iyong kuwento sa isyu!
Dahil ano? Sinabihan ka ba? Pinagbawalan ka ba?
Sayang ka Sean! Kung babalik ka man, huli ka na siguro sa biyahe! Dami mo ng sinayang! Sayang!
Lahat ng naging hakbang mo ay desisyon mo! Kaya deserve mo kung ano ang kinahinatnan mo!
Ang tanong ay kung may babalikan kapa ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento