‘CIA with BA’: Sinong makakapag-’Boy Abunda’ kay Boy Abunda?
Bilang pagdiriwang sa nalalapit na kaarawan ni Boy Abunda ngayong linggo, naghandog ang “CIA with BA” ng espesyal na “Ask Boy Abunda” segment kasama ang kanyang malapit na kaibigan na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Isa si Mariel sa mga matagal nang kaibigan ni Tito Boy at isa rin sa mga talent na kanyang mina-manage. Sa segment, hindi nagpahuli si Mariel sa pagtatanong ng isa sa mga pinaka-kaabang-abang na tanong ng gabi: kung may isang tao na gustong ma-interview ni Boy Abunda mismo, sino kaya ito?
“You have interviewed everyone—presidents, politicians, biggest stars, international stars,” sabi ni Mariel. “[Sino] ‘yung makakapag-‘Boy Abunda’ kay Boy Abunda?”
“That’s a tough question,” sagot ni Boy na may ngiti. “Ang sagot ay wala, not because I cannot be interviewed but because I love being interviewed by all.”
Ipinaliwanag pa niya ang kanyang pagmamahal sa bawat uri ng panayam: “I enjoy being interviewed by students who grapple with words.”
“I like being interviewed by seasoned interviewers because I like looking back,” dagdag pa niya. “I like being interviewed by people who are not familiar with my career because I’m able to tell my story.”
“Hindi ako namimili kung sino ang mag-iinterview sa akin because I am so connected to my beginning as an interviewed, that when I was starting as an interviewer, the biggest stars and the biggest personalities in this country allowed me to do interviews with them even if I was no one,” pagtatapos ni Boy.
Ang makabagbag-damdaming palitan nila ay nagsilbing paalala kung bakit si Boy Abunda ang tinaguriang King of Talk—isang taong may pusong bukas sa bawat kwento at pag-uusap, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mundo ng media at komunikasyon.
Ang CIA with BA, na pinangungunahan nina Sen. Alan at Pia Cayetano kasama si Tito Boy, ay napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento