MARGARET DIAZ KABOGERANG NEWCOMER ACTRESS NG VIVAMAX!

‼️ MARGARET DIAZ KABOGERANG NEWCOMER ACTRESS NG VIVAMAX ‼️


Baguhan man pero palaban at walang inaatrasan! 

Ganyan kung i-describe ng kanyang mga tagahanga si Margaret.

Isant palavan, walang aatrasang eksena at totoong kabogera ng kanyang henerasyon sa bakuran ng Vivamax.

Simulang bumulagta ng kanyang alindog sa remake ng erotic film na ' Balahibong Pusa ' with Itan Rosales, bubukaka naman ngayong taon ang kanyang husay sa pag-arte sa another remake film na ' Warat ' kung saan si Itan Rosales parin ang kanyang leading man huh!

Mapapa-wow ka nalang sa naga-gandahang projects ni Margaret sa Vivamax na sigurado akong kinaiinggitan na siya ngayon ayon na rin sa pag-usbong ng balitang pavoritong-paborito siya ngayon ng mga big bosses ng naturang movie comoany!

Well, ganoon talaga! Kanya-kanyang flavors yan at flavor of the month or year! Ganyan naman talaga ang showbuz. Maaring panahon mo today and tomorrow na kapag hindi mo niyakap, naku, that will not lasts!

Basta ang alam ko, alam ko ha. Super fresh ni Margaret. Super ganda. Seksi at mahusay umarte!

Nasa pangangalaga siya ngayon ni Len Carrillo ng 316 Media Network!

KURT VENERACION ADONIS NG VMX

Kurt Veneracion  Adonis ng VMX

Pang-wholesome ang hitsura ng baguhang aktor na si  Kurt Veneracion. Maituturing siya guwapings o Adonis sa VMX. 

Marami kasi ang nagsasabi sa kanya na puwede siyang mag-artista at ‘wag sayangin ang kabataan at kaguwapuhan.

Mina-manage siya ngayon ni Ma’am Len Carrillo , producer at talent  manager ng 3:16 Media Network. Bida siya sa pelikulang ‘Sagaran’ kasama sina Ashley Lopez,Marco Gomez, Mon Mendoza at Yda Manzano.

Bakit  niya pinasok ang  VMX  kaysa  maging wholesome ang image?

“Mabilis po kasi ang oportunidad dito lalo na bilang first film at lead role po. Stepping stone po para  mapansin sa industriya. Challenge  ito sa sarili ko para  maipakita ang acting range ko. 

“Bukod pa rito, mas malaya ang platform sa mature at daring roles, kaya mas marami akong natutunan at mas na-explore ko ang craft ko kumpara sa mas safe o conservative na wholesome projects,” deklara ni Kurt.

Naniniwala siya na matindi at maraming kakumpitensya sa pagiging wholesome.Gusto niya na  mabilis na ma-penetrate ang showbiz. 

Kumusta ang experience  niya sa paggawa ng ‘Sagaran’?

“Na-overwhelming ako sa simula kasi lead agad ang role ko at  first film ko ito. Sabay-sabay na  dumating ang pressure at expectation. Mabigat pero sobrang fulfilling ang experience dahil kinailangan kong mag-adjust sa workload at sa overall na takbo ng trabaho sa set. 

“Maraming moments na challenging at nakakapagod, pero doon ko rin mas natutunan kung paano maging mas disiplinado, patient, at open sa learning process.

“Sa buong experience, mas naintindihan ko kung gaano kahalaga ang teamwork at respeto sa bawat tao sa production. Hindi lang ito tungkol sa performance, kundi sa commitment at consistency hanggang matapos ang proyekto, kaya thankful ako sa mga natutunan at sa pagkakataong maging bahagi ng pelikulang ito,” lahad niya.

Anong unang reaksyon niya  nang sahihing maghubad siya?

“Medyo nakakahiya nga nu’ng una, pero habang tumatagal, naging comfy na kasi ginagawa naman natin ito sa personal na buhay. Natutunan kong i-focus ang isip sa role at sa eksena kaysa sa sarili ko, kaya unti-unti na rin nawala ‘yung awkwardness at na-deliver ko nang maayos ang performance,” tugon niya.

Hirit pa niya, malaki rin kasi ang tiwala niya kay Direk Sid Pascua. Palabas na ngayon sa VMX ang naturang pelikula.

Sino ang showbiz crush niya at  gustong  makasama sa  Viva?

“ Crush ko si Ashtine Olviga. Bukod kasi sa talented siya , pangarap ko na makasama ang AshDres sa project nila. Kahit pampagulo sa kanila o third wheel. He!he!he,” bulalas pa ni Kurt na tumatawa.

Anong reaksyon niya ‘pag  sinabing guwapings sa VMX?

“’Pag sinabing gwapo ako sa VMX, natural lang na maramdaman mo ‘yung compliment, pero sa totoo lang, wala akong gaanong iniisip. Hindi sa pagmamayabang, sanay naman akong sabihan ng ganun. Sinasabi ko lang madalas, “Wala pa ‘yan,” kasi alam kong marami pa akong pwedeng i-improve  sa mukha  o sa katawan. Gusto ko mas ma-develop pa ang sarili ko  at ang  pag-arte kaysa  tumutok sa  nakikita  nilang hitsura ko sa labas,” sey pa niya.

Sa ngayon , gustong mahasa sa pag-arte ni Kurt. Balak niyang pumasok sa summer acting workshop  para mas ma-improve ang akting niya. Gusto rin  kasi niyang makatawid sa pagpapaseksi  na maging wholesome ang proyekto sa tamang panahon.

KING OF THE WORLD SCREENING DATE NGAYONG FEBRUARY 8 NA!

DREAMERS THIS IS YOUR CHANCE ! 

MARK THE DATE | FEBRUARY 8,2026


King of the World Philippines 2026

SCREENING 

VENUE : CORTE  IBIZA SUPER CLUB

Tomas Morato , Quezon City

Screening Time : 2 pm 


Come in Black Shirt , Denim Jeans , White Snickers  ( Rubber Shoes ) bring white trunks  or White Briefs and personal hygiene Kit.


See YOU ,  Good luck and  be part of the KING OF THE WORLD PHILIPPINES 2026 ! 


APPLICANTS must at least 17 years old and must not exceed  35 years of age , with at least 5'7"in height , single or married , and should possess the qualities of a true Filipino King; Arrestingly GOOD LOOKING , Good Physique , has a commanding presence , with KINGLY personality and  possesses ROYAL WISDOM and a sense of LEADERSHIP ; 


MEG PEREZ

CEO | President

KING OF THE WORLD & 

KING OF THE WORLD PHILIPPINES


Credits | 

Over All In Charge  | Head | Meg Perez

Photographer | Ahleks Fusilero

Designer | Albert Andrada

Creatives | Raymund Ramirez Seranillo


Grooming | 

 Richard Villafuerte Lupanggo

 Nickzen Abrigo Habig

Marian Diaz Fernandez

Supervision | C-Jay Aquino & Shaq Onnel

Layout | Meeko Villa, SCIPH 


#Kingoftheworldphilippines2026

#WeareKingoftheWorld

#Screening

#Kingwithamission

#KingOfAllKings

#KOTWPH3rdEdition

#RegallyRavishing

#KingwithIntegrity

#CorteIbizaSuperClub

#MarkthedateFEB8