Isang napakagandang dilag ang humarap sa amin that day. Poist na poist si Xia at bumubukadkad na talaga ang kanyang ganda sa ngayon palang.
Pero ang ikinagulat lalo ng press sa kanya ay ang pagiging smart nito at paka-talino sa pagsagot sa mga ibinabatong tanong sa kanya.
Hindi mawari ng press na sa edad niyang 17 ay kamado at naka-punto ang bawat sagot niya. Sabi nga ng isang press, tinanong ko ng isa, sa sagot niya sa unang tanong ko, nasagot na niya ang dapat ikalawang tanong ko! Kakaloka ang pagiging beauty and brain ni Xia.
Kinukumbinsi pa nga siya ng ilang kasamahan sa press na pang-Miss Universe na ang kanyang ganda at talino sa ngayon palang. Kahit ako, naku, push ko yan sabi ko!
Pakiramdam ko, kapag lalo pang niyakap ni Xia ang mundong ginagalawan niya ngayon, future beauty queen ito at talk show host dahil napaka-articulate niya talaga! Punto sa punto! Wala kang sasayangin sa bawat litanya niya!
She will be Viva's next Big Gem! Aalagaan lang! Pero right now ay magagandang proyekto naman ang binibigay sa kanya ng kanyang mother studio at sa pagkakaalam ko ay love na love siya ni Boss Vic at ng buong Viva family niya.
Kasama si Xia sa pelikulang Love Lots kung saan niya makaka-partner on-screen si Vito Quizon. Higit sa lahat ay makakasama niyang muli si Aga Muhlach sa Miracle Cell 7 na official entry ng Viva for this years' Metro Manila Film Festival!
More projects Anak! Dami mong fans and followers simulang bata ka palang na magpahanggang ngayon ay susuporta parin sayo!
More beautiful films Xia!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento