ROBIN PADILLA.....BINASHED!

Sa presscon ng kanyang latest seryeng Sana Dalawa Ang Puso ng Star Creatives that will start airing this coming January 29 sa Kapamilya Network ay hindi nakaligtas si Robin Padilla sa ilang entertainment bloggers and media friends patungkol sa isyung kinasangkutan nito about this young Korean na nag-audition sa bagong season ng Pilipinas Got Talent. Napanood ko ang naturang episode sa isang facebook share. Actually, cute nung Korean at alam kong talented naman siya talaga bilang nagma-magic trick! Sa totoo lang, wala namang masamang intensiyon si Robin Padilla sa kanyang ginawang paulit-ulit na pagsasabing magsalita sa tagalog ang naturang Korean o sumagot sa wikang filipino kapag kinakausap nila ito. Mukhang naintindihan din naman ng Korean ang ibig sabihin ni Robin. Tama naman si Robin sa kanyang pinupuntong nasa Pilipinas Got Talent nga naman itong Korean. Siguro, ang mali lang na nakita ko doon ay ang gesture ni Robin habang  binibitiwan ang kanyang mga salita sa Korean na parang binabara niya pa ito at yung tuno ng boses ni Robin. Siguro kung nabitiwan ni Robin sa mas magandang antas ng pakikipag-usap ang mga sinabi niya na hindi mag-mukhang napahiya ang Korean ay maaring tanggap pa ito ng mga nakapanood. Pero sa totoo lang, maliit na bagay lang naman yun at wala naman talaga sigurong intensiyon si Robin. Medyo foul lang daw talaga ang kanyang ginawa na hindi nakayanang tanggapin ng mga nakapanood kaya naman after that episode ay binaha ng bashing si Robin Padilla. Hay, yan ang nagagawa ng social media sa ating lahat na feeling natin napaka-powerful nating lahat na sa isang pindot lang ay atin na ang mundo! Basta ang alam ko ay mapapanood na simula ngayong January 29 ang teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla sa Kapamilya Network!

ASINTADO...SIMULA NA NGAYONG ARAW AFTER SHOWTIME SA KAPAMILYA GOLD!

Today after Showtime ay simula ng mapapanood sa Kapamilya Gold ang teleseryeng Asintado na pinagbibidahan nina Julia Montes, Paulo Avelino, Shaina Magdayao at Aljur Abrenica kasama ang naglalakihang beteranong aktor tulad nina Cherry Pie Picache, Agot Isidro at Nonie Buencamino. Nung unang araw na malaman kong ipapalabas na ang serye, sabi ko, i posted it sa aking facebook wall na magpa-flop ang ratings nito. Sad because napakaganda ng istorya ng serye. Sabihin na nating saklaw ni Julia Montes ang naturang afternoon slot na kanya naman talagang pinatunayan sa kanyang nakaraang seryeng Doble Kara pero sana man lang nailagay sa magandang slot ang teleserye knowing that the story itself, wow, ibang klase at yung mga artistang bida, magagaling naman talaga! Tulog po at super busy ang mga tao sa mga oras na yan, sigurado po ako diyan. I have nothing against anybody when i posted it. Nanghihinayang lang ako sa istorya nito at pang-primetime talaga ito! Sayang ang 90% na komentong nakuha ko sa mga nakausap ko. Sana, mali ako sa hula ko at sa sinabi ko dahil mahal ko naman ang mga bidang aktor sa seryeng ito. May mga pagkakataong nalalagay talaga sa alanganing sitwasyon ang isang serye that causes flag down sa mga artistang umaasang babango ulit ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng isang seryeng kinabibilangan. Okey lang sa mga artistang may napatunayan na. What about the feelings nung ibang magsasabing " wow, akala ko makakabawi na ako sa seryeng ito " na magaling din namang artista? Yung iba naman, as long as hindi sila ang apektado ng flop title ay wala naman silang pakialam! Well, hoping that this serye will make it to the top 5! Maganda talaga ang story nito. Kaya since nandiyan na, sige, support it nalang para sa mga iniidolo nating mga celebrities! Goodluck Asintado. Sana ma-asinta ninyo ang magandang ratings! Mwuah!

JODI, RICHARD AT ROBIN, BALIK-TELEBISYON SA SERYENG SANA DALAWA ANG PUSO!

Nagbabalik telebisyon ang tatlong naglalakihang artistang sina Robin Padilla, Richard Yap at Jodi Sta. Maria bilang team up sa teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso Ko ng Star Creatives simula ngayong January 29 sa Kapamilya Daytime. From their hit morning series noon na Be Careful With My Heart aired 2012, muling magtatambal ang binansagang Daytime King & Queen na sina Papa Chen at Maya sa naturang serye that will again endear televiewers. Maganda ang istorya ng Sana Dalawa Ang Puso at papatok ito sa lahat ng level of viewers dahil may dalawang karakter dito si Jodi na first time niyang gawin. Lalong magniningning ang serye dahil fresh from his blockbuster movie with Sharon Cuneta na Unexpectedly Yours ay kakaibang makulit na role naman ang ginagampanan dito ni Robin Padilla na first time rin makatrabaho sina Jodi at Chard. This serye follows the story of Lisa and Mona. Two different people with identical faces but are both facing big ordeals in their lives. Ang kaabang-abang dito ay kung anong mangyayari kapag nag-krus ang landas nina Mona at Lisa sa serye ganoon din ang magiging papel nina Martin at Leo sa buhay ng dalawang karakter ni Jodi. Abangan!

MACOY DE LEON...HUMUHUSAY NA BILANG AKTOR!

Napakasuwerte nitong si Macoy De Leon. Hindi kasi lahat ng nangangarap maging sikat sa industriyang ito ay nabibigyan ng break. Kumbaga, sa showbiz, kanya-kanyang suwerte yan at kanya-kayang panahon lang yan. Marami na ang sumubok pero karamihan sa kanila ay bigo. But Macoy did it! Kasalukuyang rumaratsada ang binata sa kanyang karera bilang isa sa pinakasikat na aktor ngayon sa kanyang henerasyon. Nabigyan ng magandang break sa telebisyon tulad nalang ng kanyang current teleseryeng The Good Son na napapanood natin sa Kapamilya Network. Macoy is doing great sa naturang serye ng Dreamscape at hindi na rin siya nagpapahuli sa kanyang mga ka-trabahong aktor sa serye kasama ang loveteam niyang si Elisse Joson. Lately lang ay napanood namin ang ilang matitinding eksenang ginawa niya sa TGS at nakakatuwang tingnan na palaban na rin ang young actor. Hindi lang pala ka-guwapuhan meron ang binatang ito kundi unti-unti na rin siyang umaayos sa kanyang karera at bilang baguhan. So happy sa bagets dahil wala naman daw talaga siyang ibang pangarap kundi ang makilala sa industriyang ito at mapagbuksan ng magandang oportunidad sa showbizlandia. Well, kapag may tiyaga ka naman talaga sa lahat ng bagay lalo na kapag gustong-gusto mo ito, difinitely ay makukuha mo ito. Mahalaga lang na kapag napasaiyo na ay yakapin mo ng buo at mahalin ang iyong trabaho at huwag magbabago sa ugali at pakikitungo sa lahat ng taong nakakasalamuha mo! More blessings para sa iyo Macoy! Stay humble Nak!

CONGRATULATIONS DANIEL PADILLA AND KATHRYN BERNARDO!


Add caption
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko lang naisama sa pinost ko sa aking instagram account ang picture ni Kathryn Bernardo with Daniel Padilla ayon na rin sa pagkakapanalo nila bilang Favorite Foreign Actors sa katatapos lang na 2017 Blue Star Awards ay kung anu-anong pamba-bashed na ang aking natanggap mula sa ilang bogos na fans na walang magawa sa kanilang buhay. Nagkaroon man po ng mga deperensiya 2 years ago but you know guys, matagal na po kaming okey at napakalaki ng respeto at pagmamahal ko sa dalawang ito simula palang noong mga panahong nag-uumpisa sila. Unang-una ay anak-anakan ko po si Daniel at pamilya ko na rin po sila. Napakarami niyo na pong mga masasakit na sinabi sa akin mula ulo hanggang paa. Pangalawa po ay kay Daniel Padilla lang po ako connected at hindi po sa pamilya ni Kathryn but we have high respect to each other sa tuwing nagkikita kami everywhere. Hindi niyo lang po talaga alam kung gaano ko sinuportahan at minahal ang dalawang ito at sana huwag niyo na akong pagsalitaan ng hindi malunok-lunok dahil wala naman po akong intensiyong masama at ginagawa ko lang din naman po ang aking trabaho. Ilang taon na pong pumapaimbulog ang loveteam nina Daniel at Kathryn at napakarami nating sumusuporta sa kanila kaya tama na ang mga patutsada dahil hindi na healthy at minsan ay nakakapikon na rin po! Spread love para sa ating iniidolo at gawing masaya lang ang KathNiel! Hindi po natin puwedeng hawakan sa leeg ang isa't isa kundi pairalin nalang po natin ang respeto at para mas maraming rekognasyon pa ang matanggap nina Kath at Daniel para sa ating lahat na sumusuporta sa kanilang dalawa. Peace guys at wala po tayong karapatang diktahan ang ating kapwa kung ano ang kanyang dapat gawin. Maging happy nalang po tayo! Happy!

ELISSE JOSON....PRETTY BLESSED!

After many years of waiting, ayan na, making waves na ngayon si Elisse Joson. Una palang kasi naming makita si Elisse, sabi namin, konting glow lang at magandang proyekto lang ay makikilala din siya bilang isa na ngayon sa pinaka-sikat na female celebrity sa local showbizlandia. Nagustuhan kaagad namin ang pag-uugali ni Elisse bukod pa sa napakaganda niyang mukha at sabihin na nating gumagaling na rin bilang isang aktres sa kanyang henerasyon. Super blessed si Elisse dahil naging malaking bagay din sa totoo lang ang pagkaka-loveteam niya kay Macoy De Leon kung saan milyon naman talaga ang kanilang supporters around the globe like McLisseWorldwidePH at marami pang iba. Nung napanood ko ang isang TVC ni Elisse para sa McDonalds ay kaagad kong nasabi na sisikat siya. Hindi man ganoon ka-tangkaran ang sikat na celebrity ay saksakan naman ito sa karisma at napakabuting anak at yun ang mahalaga sa ating mga iniidolo, ang pagiging mabuting anak sa pamilya. Masaya lang kami sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Elisse kaya ko ginawa ang blog na ito. Napakabuti rin ng kanyang Inang si Mommy Barbie at si Elisse mismo na kapag may nakita siyang write-ups sa kanya ay marunong siyang magpasalamat and that's a big deal for me dahil bihira nalang sa mga artista ang marunong magpasalamat ngayon. Currently ay umaariba naman ang tambalan nila ni Macoy sa teleseryeng The Good Son ng Kapamilya Network. Hoping for more good opportunities para kay Elisse ganoon din sa tambalan nila ni Macoy De Leon. Dapat lang sinasaluduhan ang mga artistang tulad ni Elisse. We love you our real goddess of beauty Elise Joson!

JUDAY AT ANGELICA....BIGONG-BIGO SA ANG DALAWANG MRS. REYES!

I told you! Nakakatawa talaga ang pelikukang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Sa katatapos lang na presscon kanina na ginanap sa Dolphy Theatre ng Kapamilya Network ay puro talaga tawanan ang nangyari. Kahit sa mga tanong ng kasamahang entertainment media, pati ang mga sagot ng artistang bida, kakaloka! Tawanan lang at very light lang ang presscon hosted by Eric John Salut. Mukhang kabiguan sa lalake ang tatalakayin ng pelikula. Mahuhusay na aktres pareho sina Juday at Angelica. Kaya naman sigurado kaming nabigyang hustisya ng dalawa ang kani-kanilang role sa movie ni dinerehe ni Jun Lana. Ang pelikula ay patungkol sa paglalakbay ng dalawang babae na hahabulin ang kanilang mga mister na nagkasala sa kanila sa katauhan nina JC De Vera at Joross Gamboa. Dadaan sa pagsubok ang kanilang masayang buhay kasama ang kanilang mga asawa nang malaman nilang may relasyon ang kanilang mga mister na magka-apelyido pa! Naku! Hanggang diyan lang muna ang aking kuwento. Panoorin niyo ang pelikulang ito ni Jun Lana at sinulat ni Elmer Gatchalian. Grand comeback itong maituturing ni Judy Ann Santos sa mainstream cinema. Nagbabalik pelikula naman si Angelica Panganiban dito after doing The Unmarried Wife kung saan naman siya nanalong Best Actress sa FAMAS 2017! Showing na ang movie ngayong January 17 in cinemas nationwide!

ALL ABOUT LOVE CONCERT NI JED MADELA NGAYONG FEBRUARY 14 NA SA KIA!

Almost every year tuwing sumasapit ang araw ng mga puso ay lumilipad sa ibang bansa si Jed Madela para sa natanguang Valentine Concert. But this year, Jed decided na dito naman sa bansa gagawa ng isang Valentine Show. Yes! Confirmed napo ang kanyang gagawing concert this coming February 14, 2018 at exactly 8pm sa Kia Theatre titled Jed Madela--All About Love Valentine Concert.
" Almost every year talaga ay nasa ibang bansa ako tuwing valentines day. This year, we decided ng management ko na dito naman sa Pinas gagawa ng isang concert and that will be this coming valentines day mismo na gaganapin natin sa Kia Theatre. Actually medyo biglaan ito and okey naman. Kaya natin yan! " bulalas pa sa akin ni Jed nang huli ko itong makausap. Tulad nung lagi kong sinasabi, kahit magkano ang ticket ng concert ni Jed, hindi ka manghihinayang sa presyo dahil sulit na sulit naman talaga ang ibabayad mo. Ilang beses ko ng napanood si Jed performs, wala kang masabi dahil bawat kantang kinakanta niya ay pinapalakpakan siya dito at abroad. Iba ang isang Jed Madela kapag nagko-concert. Bubusugin ka sa mga kantang maririnig mo at kikilabutan ka sa galing niya! 
" I promise to everyone na makaka-date ko ngayong february 14 sa Kia Theatre na gagawin kong memorable sa kanilang lahat na sasama sa akin ang kanilang Fberuary 14! I prepared beautiful songs for them na magugustuhan nila. Valentines day ito kaya masaya ito. " aniyang tsika pa sa akin.
Save the date na at kitakits po tayo sa February 14 sa Kia Theatre guys! Abang-abang na kung saan makakabili ng tickets. Kitakits!

Juday at Angelica...Bongga sa kalokahan!

Mukhang hahagalpak ka sa kakatawa sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban handog sa atin ng Star Cinema na opening salvo naman nila ngayong taon. Hindi ko alam kung tama ako o hindi dahil first time yatang magkasama ang dalawa bida sa naturang pelikula na showing na ngayong January 17 in cinemas nationwide. Excited akong mapanood ang movie dahil sa trailer palang ay kalokahan kaagad nina Juday at Angelica ang bumibida. Ganitong pelikula for me ang pasok na pasok sa panlasa. Sa dinami-rami ng ating kinakaharap na problema at isyu sa buhay-buhay araw-araw, ako personally, gusto ko kapag nanonood akong pelikula at nagbabayad akong 270 pesos, gusto ko masaya lang ako paglabas ko ng sinehan. Yung happy ka lang. Kumbaga, kaya ka nanood ng movie dahil pang-tanggal mo ito ng stress just like this film nina Juday at Angelica na riot naman sa kalokahan for sure! Sureness din ang saya ng kabadingan dahil kasama sa movie sina Joross Gamboa at JC De Vera na saksakan naman sa kaguwapuhan noh! Saya ang movie for sure dahil malawak ang tatakbuhin story plot nito dahil may matututunan ka! Kaya sugod na sa mga sinehan simula ngayong January 17 at bukingan na!

CLIQUE 5...RARATSADA NA NGAYONG 2018!

Sa ngayon palang ay marami na ang nakaabang sa naga-gandahang original compositions ni Joven Tan sa ilalabas na album ng newest boy group na Clique 5 ng 316 Events & Talent Management. Last December of 2017 lang ay naunang inilumsad ng Clique 5 ang kanilang christmas single na " Tuwing Pasko " via digital world at napakarami ang nagdownload nito. Ngayong January naman ay ilulunsad na ng 316 Events & Talent Management ang isang album kung saan kasama ang mga kantang " Ako Na Lang Sana " at " Puwede Ba, Teka Muna " na parehong OPM. Beautiful ang parehong kanta. Actually, lahat ng kantang napapaloob sa naturang album ay kagigiliwan mo talaga. Ang naging guestings ng Clique 5 sa Wish 107.5, Pinas FM at Unang Hirit ay buena mano naman sa kanilang umaangat na career ngayon bilang sing and dance boy group. In-fairness sa Clique 5, proud akong sabihing kahit abala sila sa kanilang mga commitments ay hindi parin nila pinababayaan ang kanilang pag-aaral at suportado sila ng kanilang management. Bilib din ako sa 316 dahil kitang-kita ko talaga ang suporta nila sa mga bata at tinututukan nila ang mga ito at nakita ko rin ang pagiging disiplinado ng mga bagets. Marami pang kakaining bigas ang mga bata pero sa ipinapakita nilang pagpupursige sa ngayon palang ay may mararating ang mga ito. Proud ako sa mga bagets dahil hindi lang mukha meron sila kundi ipagmamalaki mo naman talaga ang boses nila. Sina Tim at Rocky nga pala ang bagong miyembro ng Clique. Nangako ang magkapatid na Tim at Rocky na gagawin nila ang lahat para hindi diumano sila mapapahiya sa tiwalang ibinigay ng 316 sa kanilang kakayanan. Nagpapasalamat din ang dalawa dahil isang karangalan diumano ang mapabilang sila sa Clique 5! Baguhan man ang dalawa pero personal kong nakita ang kanilang pagyakap sa mundong pinasok nila tulad nina Karl, Sean, Marco, Clay at Josh! Keep your feet on the ground guys and embrace the opportunity and love the people around you! Gow gow gow Clique 5!