DANIEL PADILLA AKTOR NA AKTOR NA!

Ibang-iba na ang datingan ni Daniel Padilla. Ibang klase na rin ang lebel ng kanyang pag-arte huh! Kumbaga, abanteng-abante na si Daniel bilang isang pakahusay na aktor sa kanyang henerasyon. 

Kamakailan kasi ay kinagiliwan ng fans and followers ni Daniel ang nakakaantig na eksena nila ni Loise Abuel sa pinag-uusapang serye na Incognito. 

Eksenang nagkaalamang magkapatid na naghanapan ng ilang taon na sa huli ay nagtagpo ang kanilang landas.

Mata sa mata lang ay umapaw ang emosyon ni Daniel at kitang-kita mong may pinaghuhugutan si Daniel sa lalim ng kanyang ipinakitang emosyon.

Ayon pa sa aming nakatsikahan, aktor na aktor na si Daniel. 

Yes! Patunay lang na hindi nagkamali si DJ sa naging deaisyon niyang no to loveteam na at gusto niyang makilala naman sa ibang level ng kanyang pagiging isang aktor!

Baha ang magagandang komento kay Daniel sa social media at mukhang hindi naging talunan si Daniel sa mga naging bashera nito noon noh! Hindi siya looser kundi winner na winner! 

Goodluck Nak!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento