GIGI DE LANA NAWAWALA SA EKSENA?

Ang tanong kasi ng marami, nawawala yata si Gigi De Lana? Kasi nitong nakalipas na kampanyahan all over the country, tila hindi raw visible ang sikat na singer na dati raw ay in-demand siya? 

Last year ay kitang-kita natin kung paano umariba si Gigi sa mga concert shows dito sa bansa and abroad. Pero pagdating yata ng January of this year ay tila nanahimik siya?

Ayon pa sa bakira huh! After lumabas ang isyung scam daw last year, mga October or November of 2024 ay humina raw ang bookings niya.

Tapos nitong January lang yata ay may nabalitaan naman kaming iniwan na rin siya o pinaalis niya daw ang kanyang tumatayong manager who manages her bookings simulang nagkaroon din daw siya ng isyu noon sa unang management niya sa ABS yata?

Hay! May nakapagsabi pa na mukhang in-love ang singer sa kanyang lover na siya na rin daw ang nagma-manage sa kanya?

Ito ay mga kuwento lang na dapat lumantad lang si Gigi De Lana at magkakaroon ito ng kasagutan! Kung totoo ba ang tsismis o hindi! 

Ano ba ang totoo?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento