KARLA AT DANIEL PAREHONG LUMIPAD PATUNGONG KOREA PARA DUMALO SA ISANG INTERNATIONAL AWARDS NIGHT


 Lumipad na rin today papauntang bansang Korea si Karla Estrada upang samahan ang kanyang anak na si Daniel Padilla para tanggapin ang isang award doon. Ayon kay Karla, araw ng huwebes pa sila magkikita ni Daniel sa Korea dahil ngayong araw naman ang dating ni Daniel mula sa magkakasunod na concert show abroad kasama si Ian Veneracion. 

Kasalukuyang nag-iimpake si Karla kagabi nung makausap ko siya at bilang ina ay excited rin daw siyang masaksihan ang pagtanggap ni Daniel ng naturang parangal sa isang international scene.

Hindi ko narin kinulit si Karla kung ano naman ang kanyang reaksiyon sa lumabas na tsika kamakailan patungkol sa diumano'y confirmed relationship between Daniel Padilla at Kaila Estrada.

Tugon pa ni Karla, masaya siya sa patuloy na pagbuhos ng biyaya kay Daniel lalo na diumano ang patuloy na pagdami pa ng mga fans and followers nito na hindi bumitaw sa sikat na anak.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento