MR. M FROM ABS TO GMA TO TV5! MAPAPATUNAYAN NIYA KAYA MULI ANG PAGIGING STARMAKER NIYA? TV5 UMAASA?

Simple lang paniniwala ko! Sa palagay niyo, sa pagpirma ni Mr. Johnny Manahan sa bakuran ng TV5 ay makakabuo sila ng bundle of stars na magiging superstars? 

Sa palagay niyo ba TV5 na sa pagpasok ni Mr. M sa inyong bakuran ay aariba na ang ratings niyo at gugulong na ang hustisya sa talent center ninyo?

Sa pagkakaroon ninyo ngayon ng Mr. M ay lalago ang negosyo niyo at bubulaga ang mga shows ninyo?

Saganang akin lang po! 

Nakilala si Mr. M bilang starmaker sa bakuran ng ABS-CBN na Talent Center noon hanggang sa naging Star Magic na ito.

Sinasabing may mata siya pagdating sa mga naga-artistang maging Superstars that time.

Yes! Totoo yan! Alam niya kung may future ang isang naga-artista o wala at kapag alam niya bilang pinaka-mataas na tao sa Star Magic o Talent Center ay siya mismo ang nagpu-pushed at marami siyang napatunayan pagdating sa ganoong aspeto!

Nung magsara ang ABS-CBN na ngayon ay sinasabing content creator nalang, what Mr. M did was, iniwan ang kanyang naging tahanan for decades and transferred sa GMA 7 kung saan nagkaroon daw ng magandang offer sa kanya.

After ilang taon, simulang nasa GMA siya, may nabago ba? May nasilayan ba siyang naga-artista sa Sparkle na baguhang naging superstar sa termino niya?

Eh mga galing din sa Kapamilya ang dinatnan niya doon na making names narin sa bakuran ng Kapuso, hindi ba?

Until nanahimik ang kampo niya. At heto na nga at pumirma naman siya sa bakuran ng TV5!

He jumped from ABS to GMA and now sa TV5!

What's happening ba? He nailed it sa ABS-CBN! But he didn't make it sa GMA! Now! Umaasa ang TV5?

Sa totoo lang, hindi po si Mr. M ang starmaker! Instrumento lang po siya! It is the ABS-CBN who created Superstars and Box Office Stars and not Mr. M! 

Kaya TV5, palagay niyo? Hopia ba kayo? Iba pa rin ang power ni Mr. M nung buhay pa ang ABS-CBN! 

Photo Credit To The Rightful Owner

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento