Mga nagwaging paglabas ng bahay ni Kuya ay mga nag-feelingerang superstar at ayon pa sa tsika ay sobra ang mga attitude!
Kaya naman daw ay agad-agad nawawala na ngayon sa sirkulasyon ang dalawang gelay! Tama ba naman kasi mga pinaggagawa nila?
At nito lang ay mukhang kanegahan naman ang ipinamalas ng mga kasalukuyang housemates sa bahay ni kuya dahil kaburaraan at kadugyotan naman ang ipinamalas ng mga ito sa loob ng kanilang kuwarto na tila may mga katulong doong susunod sa mga basura at kalat nila!
Kakaloka! Ano bang nangyayari sa bahay mo Big Brother?
May nakapasok kaya o may ipinasok kang may balat sa puwet sa iyong bahay simulang magbukas ang bahay mo?
Sunod-sunod kasi ang kanegahan eh!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento