INNERVOICES WILL GO PLACES

Bago mag-pasko ay nakasalamuha ko ang bandang InnerVoices sa Noctos Bar, Quezon City. First time ko rin silang napanood at napakinggan. Mahusay ang grupo. Bubusugin nila ang iyong tenga sa husay ng bandang 80's at 90's ang banat sa mga kinakanta nila na kung feel mo at panahon mo, naku, tiyak magi-enjoy ka!

Hindi lang yan, guwapo rin ang bokalista nila at hindi isnabero at feelingero noh!

Take note ha! Sa nakaraang Aliw Awards lang ay kinilala na rin ang husay nila bilang ' Best Group Performer In Hotels, Bars and Music Lounges ' ! Meaning, certified performer na sila at may K na!

Malayo pa ang mararating ng banda dahil they're not pocho-pocho band kundi mamahalin ang dating nila at pakahusay naman talaga sa kantahan.

Naku, abangan sila this 2026 sa pamumuno ni Atty. Rey Bergado na siya ring nasa keyboard ng InnerVoices dahil naglalakihang proyekto sa music scene ang susuungin nila! 

Goodluck InnerVoices!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento