‼️ " KUKUBRA NA LANG " --VICE GANDA ‼️
Dinaan man sa medyo joke pero alam naming sapul sa mukha ang bakuran ng Viva Films-ang talent management agency ni Vice Ganda nang magpasaring ito kamakailan sa It's Showtime pagkatapos niyang manalo bilang Best Actor sa MMFF 2025 awards night para sa pelikulang #CallMeMother
Well, tama lang namang supalpalin o paringgan minsan ang mga taong hindi man lang nagparamdam ng pagpapahalaga at suporta lalo na at talento pa nila si Vice. Wala naman kaming narinig na may hindi pagkakaunawaan si Vice at ang kanyang management kaya nabigla rin kami sa kanyang sinabi that day.
Sa success kahit papano ng nasabing movie ay milyon din ang kukubrahin ng Viva huh! Percentage tawag dun, diba?
Tsika pa ng isang tsismosang palaka na bumubula na ang bibig sa katsitsismis ay kung hindi naraw masaya si Vice sa kanyang management ay puwede naman daw siyang magpa-release at i-manage na ang kanyang sarili.
Ang tanong, ilang taong kontrata ba meron siya sa Viva? O may mga sosyo rin sila ng Viva kaya palagay ko ay mahihirapan siyang kumawala sa bakuran nito kung ganoon, hindi ba?
Ganyan talaga sa showbizlandia! There's no business like SHOWBUSINESS ika nga nila kaya kanya-kanyang laban yan! Jusmio!
Basta kami, ako peraonally ay HAPPY sa success ni Vice Ganda sa mundo ng showbizlabdia! Yun na!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento