BEAUTY GONZALES...MASUWERTE SA SHOWBIZ CAREER!
Hindi ko maiwasang purihin ang teleseryeng Kadenang Ginto na pinagbibidahan ng magagaling na aktor na sina Beauty Gonzales, Albert Martines, Dimpes Romana at Luis Allandy under Dreamscape mula sa direksiyon ni Jerry Sineneng. Given na ang pagiging magaling nina Luis, Dimples at Albert. Pero ang bibigyang puri ko ay si Beauty Gonzales na kahit sabihin mong hindi na niya yata kayang tanggalin ang kanyang bisaya'ng accent ay talaga nga namang hindi mo puwedeng hindi purihin dahil sa kanyang galing bilang isang aktres na produkto ng PBB. She's so unique na kapag pinapanood mo siya ay iba ang dating niya! Yung karisma niya ay mapapansin mo talaga. Sa seryeng ito, ibang klaseng Beauty Gonzales na ang mapapanood mo. Matured na siya unlike sa mga naging teleserye niya before, this time, she's an actress na talaga! Kayang-kaya na niyang sumabay at palaban din siya huh! Siguro dahil napaka-charming niyang tao at alam naming mahal niya ang pag-arte kaya naman blesssed siya to have beautiful projects! May nakapagsabi pa nga sa aming, when it comes to professionalism, naku, wala daw ka-ere-ere ang BEAUTY! Yun na!
CLIQUE 5 AT BELLADONNAS...NAGHAHANDA NA PARA SA KANILANG SKYDOME CONCERT!
BILIB lang ako sa napakaagang paghahanda ng Clique 5 at Belladonnas para sa nalalapit nilang Big Concert ngayong February, 2019 na gaganapin sa SM North-Skydome. Nobyembre palang ay puspusan na ang rehearsals ng mga bagets. Ayon pa sa manager nilang si Ma'am Len Carillo ng 316 Events & Talent Management, mas mabuti na raw ang ginagawa nilang early rehearsals dahil gusto niya diumanong maging perfect ang bawat performances ng Clique 5 at Belladonnas sa nalalapit nilang big concert sa Skydome. Kailangan diumano itong gawin dahil unang-una ay hindi lang diumano Clique 5 ang magpapakitang gilas kundi kasama pa ang Belladonnas. Nakita rin namin sina coach Mia and Aira ng Sexbomb sa isang rehearsal ng grupo. Ayon pa kay Sean De Guzman, mas matindi diumano ang pinagdadaanan nilang rehearsals ngayon kumpara nung gawin nila ang kanilang kauna-unahang concert last February 2018 sa Music Museum. Ratsada naman ang Clique 5 at Belladonnas sa kani-kanilang out of town shows. Nasa final editing na rin ang pelikulang KODEP na isang advocacy movie. Produced ito ng 316 Events. Within the month of November naman ay uumpisahan naman ng Clique 5 at Belladonnas ang 2nd film nila under the direction of Carlo Obispo! Bongga!
DONNY AT KISSES...PATOK NA PATOK ANG TANDEM SA PLAYHOUSE!
Nauna na naming sinabing may chemistry talaga itong sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin nang tuluyan silang pagtambalin sa teleseryeng PlayHouse ng GMO Unit. Parehong guwapo at maganda ang dalawa at higit sa lahat ay ang sandamakmak nilang fans and followers. Sa totoo lang ay napakasarap nilang panoorin sa mukha ng telebisyon habang ginagawa nila ang kanilang mga nakakakilig na eksena sa seryeng PlayHouse. Napansin din namin ang napaka-natural na pag-arte ng dalawa sa serye. Ayon pa sa kanilang anging kuwento sa aming huling panayam, masaya sila sa oportunidad na makatranaho nila ang isa't isa kaya naman pareho daw nilang ine-enjoy ang pagkakataong ito kung saan mas lalo pa diumano nilang nakikilala ang bawat isa. But when asked about love, abangan nalang daw natin kung anong mangyayari sa kanila sa PlayHouse! Yun na!
CARLO AQUINO, CUTENESS ANG KARAKTER SA TELESERYENG PLAYHOUSE!
Sigurado akong lalong magbibigay ningning sa teleseryeng PlayHouse na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban ang tuluyang pagpasok ng karakter ni Carlo Aquino. Sa huling interview namin kena Zanjoe at Angelica ay naging maboka ang dalawang bida sa pagsasabing isang matinding pampalasa si Carlo sa karakter niyang gagampanan sa PlayHouse na napapanood natin sa Kapamilya Network tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes. Masaya pareho sina Zanjoe at Angelica dahil simulang pumasok ang karakter ni Carlo ay lalo diumanong naging mas masaya ang set ng teleseryeng kinagigiliwan nating mga Pinoy tuwing umaga! Napag-alaman naming kaya pala happy set lang ang PlayHouse dahil kahit mga bida nito ay masaya lang kapag nasa set sila! Good vibes lang ang teleseryeng ito ng GMO Unit kaya naman kapag ratings ang tatanungin, umaariba rin ang PlayHouse! Sabi nga nila sa PlayHouse, happy set with happy stars! Bonggaceous!
REGINE VELASQUEZ..." MALANDI MAG-PERFORM SI DJ. "
Isang bonggang welcome back salubong Ang naganap yesterday sa ABS-CBN Compound ng 2pm para sa nag-iisang Asia's Songbird Regine Velasquez. Kinagabihan naman ay isang bonggang welcome Presscon ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN Corporate Communication. Meaning, certified Kapamilya na nga si Regine at winakasan na nito ang tanong Kung gaano ka-totoong lilipat na siya sa Channel 2! Halos mapaiyak si Regine sa nasaksihan nitong grand welcome sa kanya. Pero ang higit kong ikinatuwa ay nang walang kiyeme nitong sinabing eager siyang makatrabaho si Daniel Padilla during the interview!
" Mapa-pelikula man yan, tv or album, gusto ko talagang makatrabaho so DJ. I wanna work with him. Natulala ako sa kanya nung ABS-CBN Ball when I saw him perform. Malandi siyang mag-perform!" Sez Regine.
Kaya Naman sa binitiwang salita ng Asia's Songbird malamang at kinakasa na ngayon ng Kapamilya Network ang mga proyektong maaring gawin ng dalawa! Pero for me, dapat pelikula muna with Daniel and then isang bonggang concert next year with Daniel! Hindi ba Ate Reg????
Basta! Anumang proyekto Yan, masaya kami at nabanggit mong gustong-gusto mo si Daniel Padilla! Yehey!

JED MADELA XV...NGAYONG NOVEMBER 16 NA SA ARANETA!
Naglalakihang bituin sa Mundo ng musika ang natatanging bisita ni Jed Madela para sa nalalapit nitong Jed Madela XV Concert Ngayong November 16 sa Araneta Coliseum. Nandiyan Ang TNT Boys, BoybandPH, Vice Ganda, Darren Espanto at Regine Velasquez produced ng CCC Productions and Star Events! Sa katatapos lang na concert media day ni Jed ay naging maboka ang world-class performer/ singer sa pagsasabing kakaibang concert ang mapapanood ng kanyang tagahanga this time!
" We have prepared beautiful songs and beautiful arrangements for them na tatak Jed Madela. Ibang klaseng concert Ito. Ako kasi I always make it sure na in every concert ay iba-ibang production number ang napapanood nila sa akin. Hindi ako nag-uulit. Basta. Excited na rin ako na may konting niyerbiyos because this time, it's Araneta! Thank you sa CCC Productions and Star Events for trusting me. Sila Yung sumugal for me to have it sa Araneta. Am inviting everyone to please come and join me sa aking 15th year anniversary sa music industry! " Sez Jed Madela.

JOSHUA GARCIA...DIAMANTE SI JULIA DAHIL PINAKAMAMAHAL KO SIYA!
Happiest birthday ang nakaraang October 6 para kay Joshua Garcia! Hindi niya lang nakasama sa isang out of town celebration ang kanyang pamilya kundi kasama niya rin ang babaeng nagsisilbing inspirasyon niya ngayon at mahal na mahal na si Julia Baretto. Ayon sa naging kuwento sa amin ng sikat na aktor nang sadyain namin ito sa set ng inaabangang primetime series na Ngayon At kailanman ng Star Creatives, ito na ang pinaka-masayang birthday sa kanyang buhay. Halatang masaya nga ang aktor dahil kamakailan lang ay nagsalita na rin si Julia patungkol sa kanyang totoong pagmamahal sa aktor. May isang kasamahan nga sa panulat ang nagtanong sa kanya kung anong klaseng stone si Julia, naging deretsahan ito sa kanyang sagot na isa diumanong Diyamante si Julia dahil pinakamamahal niya ito! Samantala, naging maboka naman si Jishua sa pagsasabing napakarami pang dapat abangan sa teleseryeng Ngayon At Kailanman dahil nagsisimula palang daw umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa ni Julia sa serye. Masayang ibinalita rin ni Joshua na kahit papano, sa pagi-ingles niya sa serye ay magaling na rin daw siyang mag-ingles at hindi na pilipit ang kanyang dila huh! Bilang anak-anakan namin si Joshua ay masaya na kami sa kanyang tinatamasang kasikatan ngayon. Wala namang ibang wish si Joshua kundi ang magtuloy-tuloy ang biyayang dumarating sa kanyang buhay at yung maging healthy siya sa mahabang panahon dahil napakarami pa raw niyang gustong gawin sa kanyang buhay. Isa na diumano rito ay ang gusto niyang mabilhan ng sariling bahay ang kanyang Ama!
DIREK JOVEN TAN....HAPPY FOR OTLUM!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak sa isang paligsahan o piyesta ng Pelikulang Pilipino ang mahal naming movie Director na si Joven Tan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sasabak ang kanyang pelikulang OTLUM na pinagbibidahan ng sikat na basketball player na si Ricci Rivero ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival. Napili ang pelikula ni Direk Joven na ayon sa kanya ay tapos na ang pelikula at alam niyang ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mai-presentang maganda ang pelikula ng sikat na basketbolista!
" Tapos napo ang pelikula. Tinutukan naming mabuti and we did our best. Sana suportahan nating lahat ng pelikulang kalahok this year sa MMFF. Yun lang naman ang request ko! " paglalahad pa sa akin ni Direk Joven Tan via text message.
Mukhang maganda nga ang isasalang niyang pelikula. Ang OTLUM na kapag binaliktad mo ng basa ay MULTO! Meaning, it's a horror movie na ayon na rin sa naging kuwento ni Direk at ng ilang nasa production ay nakakatakot ang movie. Basta. Happy kami para kay Direk Joven Tan at sa buong production staff, cast and crew ng movie dahil nagbunga ang kanilang paghihirap sa pelikulang ito! Goodluck Direk Joven!

Aga Muhlach....Natulala Kay Bea Alonzo!
Natulala raw minsan Ang beteranong Aktor na si Aga Muhlach sa ilang eksena nila ni Bea Alonzo habang ginagawa nila ang pelikulang First Love ng Star Cinema showing Octiber 17 in cinemas nationwide! Personal choice pala nina Direk Paul Soriano at Aga Muhlach si Bea. Naging maboka rin ang sikat na aktor sa pagsasabing atat talaga siyang makatrabaho ang isang Bea Alonzo dahil sinubaybayan niya diumano kung paano umarte si Bea. Kaya nung tumango raw ura-urada si Bea ay ikinatuwa niya ito. Dream come true para kay Aga Muhlach ang pelikulang ito na kinunan sa Canada ng almost 1 month with actors Edward Barber and Albie Casino! Beautiful ang film sa totoo lang dahil mismong si Aga Muhlach while dubbing ay napaluha nang makita ang kanilang finished product! Bongga! Kunsabagay, Aga Muhlach is Aga Muhlach at Bea Alonzo is Bea Alonzo! Yun na!
JED MADELA...6 BESES PINALAKPAKAN SA SEATTLE CONCERT!
ANIM na beses tumayo at pinalakpakan ng concert goers si Jed Madela sa katatapos lang nitong one night Jed Madela Live Concert In Seattle last September 28, 2018! Ginanap sa Highline Performing Arts Center ang full-packed concert ni Jed kung saan nagmula pa sa iba't ibang estado ng Amerika ang kanyang manonood. Proven na yan na everytime nagkakaroon ng solo concert si Jed abroad ay dinudumog ito at walang palyang sold-out at jampacked ito! Sa social media, nakita ko ang suporta ng fans and followers ni Jed na nakapanood sa kanya that night. Most of Jed's fans abroad ay panay ang pasalamat at nakapagpa-picture-taking sila sa kanilang iniidolong world-class performer at artist.
" taffy_kaxel where do i start? Thank you VXVII events for bringing Jed Madela in Seattle. It was indeed an awesome concert. All my friends and clients had a blast. Until now they still have a hangover from the concert. They call me today and they said the best daw talaga. Salamat gid! They request for a repeat pleaseeee! " bulalas pa ng isang avid fan ni Jed.
Sa facebook post naman ni Jed Madela ay walang humpay naman ang pasasalamat nito sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanyang kakayahan bilang isang sikat at world-class performer.
" Thank you very much Seattle!!! You made my first time here very memorable! And Thank you for the 6 standing ovations!!! I'am difinitely coming back soon!! " Jed's post.
Sa anim na standing ovations ay isa sa pinalakpakan ay ang kanyang latest single under Star Music titled " Di Matitinag " na currently making waves sa local music chart! Ngayong October 2 naman ang balik ng Pilipinas ni Jed. Sa kanyang pagbabalik ay deretso naman si Jed sa kanyang local commitments kasama na ang kanyang puspusang paghahanda para sa kanyang nalalapit na Jed Madela XV Concert ngayong November 16 na gaganapin naman sa Smart Aranera Coliseum with guests Darren Espanto, Boy Band PH and TNT Boys!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
OKEY! Wala naman talagang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada na mag-jowa na sila o kung anuman! Ang nangyari kasi, s...
-
MARCOS MAMAY CLOSES THE YEAR WITH MAJOR MILESTONES IN PUBLIC SERVICE AND SHOWBIZ Vice Mayor Marcos Mamay ends 2025 with a series of major ac...