DONITA NOSE AT TEKLA PARIN ANG NUMBER ONE TANDEM SA PAGPAPATAWA HINDI LANG SA PINAS GANOON DIN ABROAD

Sa kasalukuyan ay humahataw parin ang tambalang DonEkla! Mula sa mga Pinas out of town shows ay umaariba ang dalawang bida na sina Donita Nose at Tekla abroad! Hindi lamg kasi natin kinagiliwan ang pagpapatawa ng dalawa dito kundi maging ang mga followers ng dalawa abroad ay aliw na aliw sa linyahan at batuhan nilang dalawa! 

Paano raw kasi, mukha palang daw ni Tekla na aanga-anga ay nakakatawa na! Isama mo pa ang kanyang mga jokes na sinasabayan naman ni Donita Nose kaya naman riot ang ending.

Sabi pa ng nakausap ko, mabuti nalang daw at nakabangon si Tekla mula sa pagkakadapa at aminado naman dito si Tekla. 

Donita Nose is beautiful naman talaga! Kabaliktaran naman siya ni Tekla kaya nagso-swak ang kanilang tandem na everytime sumasampa na sila sa stage, ayon na, riot na at alam mong hagalpakan sa tawa ang manonood at pak na pak bawat eksena nila sa pagpapatawa.

Beautiful tandem na ayon pa sa dalawa nung makatrabaho ko sa isang out of town show, mahal nila pareho ang kanilang trabaho at masaya sila sa kanilang ginagawa.

Hangga't marami diumano pa ang nagmamahal sa kanilang dalawa ay hinding-hindi raw iiwan ng DonEkla ang isa't isa kahit sabihin nating 2 years ago ay nagkalabuan sila! Ang mahalaga diumano ay okey na silang dalawa at magkaibigan parin sa kabila ng lahat! 

Gabyan lang trabaho nila huh! Nungka dahil parehong matatalino sina Donita at Tekla huh! Sa totoo lang!

Wala talagang makakapantay sa kasikatan nila! Sa lebel nila today, sila lang yun at walang iba!

MUKHANG HAPPY NA SI DANIEL PADILLA SA PAGIGING SINGLE FOR ALMOST A YEAR

Mukhang nothing to worry about na para kay Daniel Padilla. Mukhang he is currently happy na sa pagiging single and maybe not yet ready to mingle! What's the reason kaya kung bakit not yet ready to mingle si DJ? May kinalaman kaya itong latest tsikang after mapabalitang paikot-ikot daw si Daniel sa subdivision nina Kathryn Bernardo? 

Eh ang siste ay nagkakausap o nag-uusap na raw ang dalawa at mukhang umobra si Daniel sa panunuyo huh!

Well, 11 years is 11 years! Ang hirap iwakli yon lalo na't napakaraming nangyari sa loob ng 11 years na yun noh!

Another well, kung puso na talaga ang nagdikta, kahit isip mo ay hindi pa handa, itutulak ka talaga ng iyong puso sa kung saan ka masaya! Yan ang pag-ibig! Hindi vaaaa!

Naku! Basta ang alam ko ay out of the country yata si DJ at malamang ay hindi niya naman kasama si Kathryn! 

So ibig sabihin ay hindi totoo o trulagen ang tsikang may batangueƱang  nalilink sa kanya noon? Or puwedeng nalink pero hindi umobra?

Ewan! Malamang sa alamang! Abangers nalang tayo!

FIESTA ANG ISYU NINA MOIRA AT CATRIONA! TOTOO BA ANG TSIKA O EME LANG?


Hooooooy! Super usap-usapan ngayon ang deadmahan/pande-deadma diumano ni Catriona Gray kay Moira Dela Torre sa isang event! Ganoon din sa isang interview ni Catriona na mukhang pinatatamaan daw ito huh!

Kalurks ang mga tsika! 

At saka, hindi ko alam huh kung totoong binitiwan na ng Cornerstone o wala na sa pamamahala ng naturang management company si Moira? Kaya pala wala na akong naririnig kay Moira at nanahimik na siya! Hindi ba't umaariba na rin siya noon?

Kakalokaaaaa! 

Well, let's see what will gonna happen pa sa mga parating na araw! Basta sa ngayon, masid-masid nalang muna tayo! 

 

SA MGA ISYUNG NAGU-USBUNGAN, SAYANG NAMAN GIGI DE LANA ANG PINAGHIRAPAN MONG KARERA!

Bago magtapos ang taong 2024 ay umusbong ang balitang scammer daw si Gigi De Lana! Ito ay dahil yata sa mga pumasok na investor sa kanyang negosyong beauty products yata!

Until now ay hindi parin nagsasalita si Gigi at mukhang tahimik naman siya sa isyung ito.

Sana hindi ito totoo huh dahil wala naman sa image ni Gigi ang mang-scam dahil alam naman nating lahat na super raket siya ng kabi-kabilang concerts dito sa Pinas at abroad noh!

May narinig na kami before kung bakit siya umalis sa poder ng kanyang unang management. Hanggang sa nagkaroon siya ng isang taong humawak sa kanyang karera na nagsilbing parang manager niya na rin.

May isyu na naman sa pangalawang humawak sa kanya at lately ay naglabas na nga siya ng kanyang official statement.

So sino na ngayon ang booking manager niya at ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?

Nakakawindang lang ha! Mahusay naman talaga siya kasama na ang buong banda niya. Pero parang may mali! Parang sayang naman ang ilang taong pinaghirapan niyang karera kung mapupunta sa mga nega! 

Admired her a lot pa naman dahil alam naman natin ang history din ng kanyang buhay at pakikipagsapalaran sa music scene! Sana hindi totoo ang mga naririnig ko Gigi De Lana dahil sayang!

JAM IGNACIO HINAHANAP NA RAW NG NBI?


Hindi biro ang isyung pambubugbog ni Jam Ignacio sa current jowa nitong ayaw ko nalang banggitin ang pangalan! Sa kasalukuyan ay hinahanap na raw ng NBI si Jam na hanggang sa ngayon ay wala pang latest development kung nasaan siya nagtatago. Si Jam Ignacio po ay naging partner din ni Karla Estrada for how many years at last year lang din naghiwalay ang dalawa. 

Nagsimula diumano sa diskusyon o pagtatalo ang lahat na di-kalaunay heto na nga, nangyari na nga ang bugbogan daw sa loob mismo ng car ni Jam. Ayon sa kuwento ay sa NLEX pa nangyari ang pag-eskapo nitong girl mula sa loob ng sasakyan ni Jam dahil noong papasok na silang toll gate ay hindi raw gumana ang easytrip card ng sasakyan kaya nakaganap ng pagkakataong umaripas palabas ng sasakyan si girl at humingi ng saklolo sa mga nandoon. 

Umaripas din ng alis si Jam at nagtago na after what he did!

Sariking opinyon ko lang, sa ilang taong nakilala at nakakasama ko si Jam noong sila pa ni Karla, hindi ko nakitaan ng ganyang ugali si Jam. Nakasama ko pa siya sa mga out of town namin ni Karla at okey naman si Jam kaya nabigla ako nung umusbong ang bugbugan isyu!

Well, hindi natin alam ang totoong kuwento how it started at kung ano ang nag-trigger kay Jam na gawin yun sa girl! Dahil sa ngayon, after lumabas sa social media ang nabugbog na pics at post ni girl, istorya palang ni girl ang ating nabasa at larawang ebidensiya nga ng dinanas niyang pait sa mga kamay ni Jam. 

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natin naririnig ang other side of story sa parte naman ni Jam na feeling ko, magtatago muna yan para fair tayo. Pero kahit ano pa man ang dahilan para sa akin, hindi dapat humantong sa pambubugbog ang lahat! Ano ba naman ang kalaban-laban ni girl sa puwersa ni boy! 

Hay! Kakaloka! 





 

CIA WITH BA NOMINADO SA 38TH PMPC STAR AWARDS FOR TV

CIA with BA,’ nominado sa 38th PMPC Star Awards for TV

Patunay ng epekto at kahusayan nito, nakatanggap ng dalawang nominasyon ang ‘Cayetano in Action with Boy Abunda’ (CIA with BA) sa 38th PMPC Star Awards for TV.

Batay sa opisyal na listahan ng mga nominado na inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ngayong buwan, kabilang ang CIA with BA sa mga posibleng manalo ng Best Public Affairs Program.

Samantala, ang mga host nitong sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, kasama si Boy Abunda, ay nominado rin bilang Best Public Affairs Program Hosts.

Matapos ang anunsyo, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang programa sa natanggap na pagkilala.

“Malaki po ang aming pasasalamat sa PMPC Star Awards for TV sa pagbibigay ng nominasyon sa amin,” pahayag ng ‘CIA with BA.’

“Ang parangal na ito ay hindi lang isang pagkilala, kundi isang motibasyon para sa amin upang lalo pang pagbutihin ang aming serbisyo at tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng legal na tulong at gabay sa kanilang mga problema.”

Idaraos ang awarding ceremony sa darating na Marso 23, 2025, kung saan iaanunsyo ang mga mananalo sa 38th PMPC Star Awards for TV.

Samantala, sa pagpapatuloy ng ‘Hong Kong special’ episode nito noong Linggo, Pebrero 9, itinampok ng ‘CIA with BA’ ang mga pagsubok at tagumpay ng mga kababaihang nagsakripisyo para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng taos-pusong usapan, ipinakita ng episode ang mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipinang nagtatrabaho sa ibang bansa at kung paano sila patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

IT'S A MOTIVATION : CIA WITH BA EARNS TWO NOMINATIONS AT 38TH PMPC STAR AWARDS FOR TV

It’s a motivation!’: ‘CIA with BA’ earns two nominations at 38th PMPC Star Awards for TV

A testament to its impact and excellence, ‘Cayetano in Action with Boy Abunda’ (CIA with BA) has been recognized with two nominations at the 38th PMPC Star Awards for TV.

According to the official list of nominees released by the Philippine Movie Press Club (PMPC) earlier this month, CIA with BA is in the running for Best Public Affairs Program.

Meanwhile, its hosts — sibling senators Alan Peter and Pia Cayetano, along with Boy Abunda — are nominated for Best Public Affairs Program Hosts.

Following the announcement, the public service and talk program expressed its deep gratitude for the recognition.

“Malaki po ang aming pasasalamat sa PMPC Star Awards for TV sa pagbibigay ng nominasyon sa amin,” ‘CIA with BA’ said in a statement.

“Ang parangal na ito ay hindi lang isang pagkilala, kundi isang motibasyon para sa amin upang lalo pang pagbutihin ang aming serbisyo at tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng legal na tulong at gabay sa kanilang mga problema.”

The winners will be announced at the 38th PMPC Star Awards for TV awarding ceremony which will take place on March 23, 2025.

Meanwhile, in the continuation of its 'Hong Kong special' episode on Sunday, February 9, ‘CIA with BA’ featured the struggles and triumphs of women who sacrificed to give their families a better life.

Through heartfelt conversations, the episode highlighted the challenges faced by Filipinas working abroad and how they continue to persevere for their loved ones back home.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA HONGKONG SPECIAL : MGA KUWENTO NG SAKRIPISYO, TATAG AT SERBISYO

CIA with BA’ Hong Kong special: mga kwento ng sakripisyo, tatag, at serbisyo

Lumipad patungong Hong Kong ang public service at talk program na CIA with BA upang tuparin ang kahilingan ng ating mga kababayang OFW (Overseas Filipino Workers) na mabisita sila nina Senador Alan at Pia Cayetano, at Boy Abunda.

Sa unang bahagi ng special Hong Kong episode, na ipinalabas nitong Linggo, Pebrero 2, ibinahagi ng mga Pilipino na lumipat sa tinaguriang Asia’s World City ang kanilang mga kwento sa hangaring magkaroon ng mas magandang buhay.

Isa sa mga tampok na kwento ay mula sa mga babaeng propesyonal sa Pilipinas na kasalukuyang nagtatrabaho bilang domestic helpers sa Hong Kong. Sa kabila ng kanilang trabaho, hindi nila tinalikuran ang kanilang mga propesyon. Tuwing day off nila, nagbibigay sila ng libreng serbisyo bilang mga nurse, guro, at cancer support volunteers.

Nagbigay ng papuri si Sen. Pia Cayetano sa kanilang dedikasyon at sinabing sana’y patuloy silang magsilbing inspirasyon sa iba, habang itinuturing ang Hong Kong bilang isang home away from home.

“I’m so proud of you. I hope your families recognize the sacrifices and success you made,” ani Ate Pia.

Isa pang kwento ang ibinahagi ni Noelyn, isang OFW sa Hong Kong sa loob ng 11 taon na na-diagnose ng breast cancer. Binigyan siya ng legal advice ni Kuya Alan tungkol sa kanyang mga karapatan, partikular na sa health benefits. Nangako rin ang senador at host na aalamin pa ang ibang paraan upang matulungan siya.

“’Pag nasa Senado ka at ikaw ay national official, you try to solve the problems in a macro way. But when you’re here, listening to the individual problems, hindi mo pwedeng sabihin, ‘O, sino-solve namin ‘to lahat.’ It’s just so much a blessing to be here—to listen to the heartaches but also to the heartwarming stories ng ating mga kababayang Pilipino dito,” pahayag ni Kuya Alan.

Samantala, ibinahagi naman ni Tito Boy kung gaano ka-espesyal para sa kanya ang Hong Kong at ang Filipino community rito.

“Sa akin po, ang Hong Kong ay napaka-espesyal dahil nung buhay pa po ang aking ina, at tuwing kami’y dumadalaw dito, ang nanay ko sobrang tuwang-tuwa dahil nakikita niya at nakakasalamuha ang kanyang mga pamangkin—ang aking mga pinsan—na hanggang ngayon po ay domestic helpers dito. Kaya hindi po iba sa akin ang mga OFW dito sa Hong Kong,” aniya.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.


NAGLALAKIHANG MOVIE PROJECTS ANG AABANGAN MULA SA BG PRODUCTIONS NI BABY GO NGAYONG TAON

Isang imbitasyon mula kay Dennis Evangelista ang aking natanggap to attend Madame Baby Go's 60th birthday celebration na ginanap sa Valle Verde Country Club sa Pasig City. Well attended ito ng mga kaibigang entertainment media ganoon din ang malalapit na kaibigan, kamag-anak, politician friends at direktor ni Madame.

Simpleng dumating si Madame Baby Go sa kanyang makulay na kasuotan. Halatang masaya si Madame that night na nagkaroon ng kanya-kanyanf pagbati sa kanya ang ilan nitong bisita.

Isa lamang si Baby Go sa mga independent producer natin sa movie industry na patuloy sa pagpo-produce. Nasa puso niya raw kasi ang paggawa ng pelikula at masaya raw siyang nakakatulong din at nakapagbibigay ng trabaho sa mga movie workers. Ayon pa sa kanya, naglalakihang pelikula ang nakatakdang gawin ng BG Productions this year na ipapalabas dito sa ating bansa at sa labas. Nagpasalamat din siya sa mga taong nakasuporta sa kanya mula noon upang magtuloy-tuloy ang kanyang paggawa ng pelikula. Kaabang-abang din ang kanyang ginawang short film na intended yata for International release na sa ipinasilip na trailer ay mukhang maganda ito na may titulong ' Madam ' huh! Abangan natin ang patuloy na pagkinang ng BG Productions! 

CIA WITH BA' HONGKONG SPECIAL : STORIES OF SACRIFICE, STRENGTG AND SERVICE

‘CIA with BA’ Hong Kong special: stories of sacrifice, strength, and service

Public service and talk program CIA with BA flew to Hong Kong to fulfill the request of our fellow OFWs (Overseas Filipino Workers) to be visited by Senators Alan and Pia Cayetano, and Boy Abunda.

In the first part of the special Hong Kong episode, which aired on Sunday, February 2, Filipinos who moved to the so-called Asia's World City in pursuit of a better life shared their stories.

One of the featured stories came from female professionals in the Philippines who are now working as domestic helpers in Hong Kong. Despite their jobs, they have not abandoned their professions. On their days off, they provide free services as nurses, teachers, and cancer support volunteers.

Reflecting on their dedication, Sen. Pia Cayetano expressed hope that they continue to inspire others and see Hong Kong as a home away from home.

“I’m so proud of you. I hope your families recognize the sacrifices and success you made,” Ate Pia told them.

Another story featured Noelyn, an OFW in Hong Kong for 11 years who was diagnosed with breast cancer. She received legal advice from Kuya Alan regarding her rights, particularly her access to health benefits. The senator and host also pledged to explore more ways to assist her.

“’Pag nasa Senado ka at ikaw ay national official, you try to solve the problems in a macro way. But when you’re here, listening to the individual problems, hindi mo pwedeng sabihin, ‘O, sino-solve namin ‘to lahat.’ It’s just so much a blessing to be here—to listen to the heartaches but also to the heartwarming stories ng ating mga kababayang Pilipino dito,” said Kuya Alan.

For his part, Tito Boy shared how special Hong Kong and its Filipino community are to him.

“Sa akin po, ang Hong Kong ay napaka-espesyal dahil nung buhay pa po ang aking ina, at tuwing kami’y dumadalaw dito, ang nanay ko sobrang tuwang-tuwa dahil nakikita niya at nakakasalamuha ang kanyang mga pamangkin—ang aking mga pinsan—na hanggang ngayon po ay domestic helpers dito. Kaya hindi po iba sa akin ang mga OFW dito sa Hong Kong,” he said.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m