LOLONG, HINDI KAYANG SAKMALIN SI TANGGOL!


Nakuuuu! Tuluyan na nga'ng pagsuko ni Lolong at nagwagi na naman si Tanggol! Ilang araw nalang ay magpapaalam na naman sa ere si Ruru Madrid via his LOLONG series handog sa atin ng GMA Chanel 7! Yes! Ptetty sure akong magdidiwang na naman si Tanggol Coco Martin via his series ANG BATANG QUIAPO handog naman sa atin ng ABS-CBN.

Talagang ayaw paawat ni Tanggol dahil muli na naman nitong pinatunayang walang makakapagpataob sa kanyang bagsik at diskarte at hindi siya tuluyang sinakmal ni Lolong again! 

Well, ayon pa sa aming source, kailangang tapusin na raw ang Lolong dahil sablay na ang tinatakbong kuwento nito at hindi raw talaga nito kinayang tapatan si Tanggol!

Kung tuloy ang ligaya para kay Tanggol, ang tanong naman daw ngayon para kay Lolong ay what's next?

Talagang ganoon! Labanan parin talaga ang salitang ratings! Kung sablay na, eh, goodbye na! Kung umaariba pa, sige lang ng sige! Divaaaaa! 
 

PAOLO GUMABAO, JHON MARK MARCIA, JUAN PAULO CALMA AT DREI ARIAS MAPAPANOOD SA KANI-KANILANG MAPANGAHAS NA PAGGANAP SA ENTABLADO NG TEATRO VIA WALONG LIBONG PISO NGAYONG AGOSTO!

Pasok na pasok sa panahong ito ang theatrical plays. Iba pa rin kasi kapag nano ood ka ng live performances just like panonood ng isang concert at heto nga, ang panonood ng stage plays.

Kamakailan lang ay ipinakilala na ng BenTria Productions ni Sir Benjie Austria sa entertainment media ang apat na lalakeng aktor na bibida at mapapanood natin sa entablado ng teatro na sina John Mark Marcia, Paolo Gumabao, Juan Paolo Calma at Drei Arias.

" Walong Libong Piso " ang titulo ng nasabing stage play na sinulat at idederehe ng dating sikat na sexy actor na si Dante Balboa.

Maganda ang istorya nitong tatakbuhin kung saan inaasahan diumano ang mga gagawing mapangahas na eksena ng apat sa play kasabay ng nga litanyang uukit daw za ating kaisipan.

Silang apat na aktor ay iisa ang gaganapang papel sa iisang script ng play. Ayon kay Direk Dante Balboa, ilalagak nila ang palabas sa iba't ibang venue sa Metro Manila at pangarap nilang maibiyahe ito sa iba't ibang lugar ng bansa.

Ayon kay Direk, hindi lang basta teatro ito kundi sa ngayon palang ay sinabi na nitong after watching the said play ay marami tayong mapupulot na aral dito.

Ngayong buwan ng Agosto ang puntiryang buwan ng pag-uumpisa nito na unang gaganapin sa CCP Complex at sa naging subestiyon ko na rin ay itatanghal din nila ito sa iba't ibang venue sa Metro Manila like sa Quezon City at Makati City.

Ang nakakatuwa pa ay ang producer nitong si Sir Benjie Austria na kilala sa walang humpay na pagpo-produce ng movies na excited na ring panoorin ang kanyang kauna-unahang produced na theatrical play!

During the question and answer portion ng media launch ay palaban naman ang apat na lalake sa kanilang mga sagot mula sa mga seksing tanong ng press! 

Ahem...mukhang masarap panoorin itong play huh! Well, kitakits sa VIP seats!  

ARCI MUNOZ MAY VICE-MAYOR NA!

Grabe! Ang bilis ng balita huh! Ngayong hapon lang sa programang ' Cristy Fer Minute ' ni Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ay sumabog ang balitang biyaheng Europe daw itong si Arci Munoz kasama ang diumano'y Vice-Mayor ng isang bayan sa Ilocos Sur! Ayon pa sa programa, may larawang ipinadala kay Nanay Cristy at larawan ng raw ito nina Arci at Vice-Mayor sa airport!

Mukhang happy raw ang dalawa at ang agad-agad na tanong ng nga maritess ay sila na ba? Magha-honeymoon ba sila? Kelan pa naging sila?

Wow! As in! Kunsabagay, loveless naman yata si Arci, hindi ba? Kung single naman siya at single si Vice-Mayor eh laban na yun, hindi ba?

As long as walang nasasagasaang tao ang dalawa, why not coconut! Push na natin yan! 

Wait! Hay baku! Basta! Yun na! Makibalita tayo! 

OFWS ASK CIA WITH BA : IS IT OKEY TO TRANSLATE THE NATIONAL ANTHEM?

OFWs ask ‘CIA with BA’: Is It OK to translate the National Anthem?

As ‘CIA with BA’ returns to Hong Kong, several questions from Overseas Filipino Workers (OFWs) were clarified by the program, coinciding with the upcoming celebration of the Philippine Independence Day.

One of the questions came from Gemma, an OFW: “May legal po ba tayong obligasyon na kantahin ang ating National Anthem dito sa Hong Kong?”

According to Atty. Mark Demova, “'Pag sinabi kasi nating obligasyon, may kaakibat na parusa kung hindi mo gawin ‘yung obligasyon na ‘yon. May liability. In that sense, wala po.”

He further explained, “Ang jurisdiction ng Philippine government o mismong estado ng Pilipinas ay nasasaklaw sa kanyang teritoryo lang. Pero ang pagiging Pilipino naman natin ay hindi natitigil sa Pilipinas lang. Pagpunta natin sa ibang bansa, Pilipino pa rin naman tayo at bilang pagpapakita ng galang at respeto sa ating national symbols tulad ng National Anthem, National Flag… nararapat lang din naman na tumayo tayo at magbigay ng respeto whenever our National Anthem is sung or whenever the flag is being raised.”

Another question from Gemma became the focus of the discussion: “Pwede po ba naming kantahin ang Pambansang Awit sa lenggwahe ng mga taga-Hong Kong?”

Atty. Matt Cesa gave a straightforward answer: “The answer is ‘no.’ Ang National Anthem natin, even within or outside the Philippines, it should be sa language natin. Hindi pwedeng ibahin ‘yon.”

Aside from questions about singing the National Anthem, there was another inquiry from Donalyn: “Pwede bang magsuot ng damit na may design ng Philippine Flag?”

According to Atty. Demova, “Hindi pwede. Sa ilalim ng ating Flag and Heraldic Code of the Philippines, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng Philippine Flag as a costume or part of an apparel, except when inspired lang by a Philippine Flag.”

Atty. Cesa added, “Ang intention noong ginawa ‘yung law ay para maiwasan ang pag-disrespect sa flag. Pero ngayon kasi ginagamit na ‘yung flag to boost the country.”

Through ‘CIA with BA,’ continuous education is given to our fellow Filipinos abroad — not only about the law but also about the importance of recognizing and respecting our national symbols, wherever in the world we may be.

Led by Senator Alan Peter Cayetano and the King of Talk, Boy Abunda, CIA with BA continues the advocacy of the late Senator Rene Cayetano. The program airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with a replay every Saturday at 10:30 p.m. on GTV.

CIA WITH BA : PAMBANSANG AWIT BAWAL I-TRANSLATE?

CIA with BA’: Pambansang Awit, bawal i-translate?

Sa pagbabalik ng CIA with BA sa Hong Kong, ilang katanungan mula sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang binigyang-linaw ng programa, kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Isa sa mga tanong ay mula kay Gemma, isang OFW: “May legal po ba tayong obligasyon na kantahin ang ating National Anthem dito sa Hong Kong?”

Ayon kay Atty. Mark Demova, “'Pag sinabi kasi nating obligasyon, may kaakibat na parusa kung hindi mo gawin ‘yung obligasyon na ‘yon. May liability. In that sense, wala po.”

Paliwanag pa ni Demova, “Ang jurisdiction ng Philippine government o mismong estado ng Pilipinas ay nasasaklaw sa kanyang teritoryo lang. Pero ang pagiging Pilipino naman natin ay hindi natitigil sa Pilipinas lang. Pagpunta natin sa ibang bansa, Pilipino pa rin naman tayo at bilang pagpapakita ng galang at respeto sa ating national symbols tulad ng National Anthem, National Flag… nararapat lang din naman na tumayo tayo at magbigay ng respeto whenever our National Anthem is sung or whenever the flag is being raised.”

Samantala, isa pang tanong ni Gemma ang naging sentro ng usapan: “Pwede po ba naming kantahin ang Pambansang Awit sa lenggwahe ng mga taga-Hong Kong?”

Diretsong sagot ni Atty. Matt Cesa: “The answer is ‘no.’ Ang National Anthem natin, even within or outside the Philippines, it should be sa language natin. Hindi pwedeng ibahin ‘yon.”

Bukod sa mga tanong tungkol sa pag-awit ng Pambansang Awit, may isa pang katanungan mula kay Donalyn: “Pwede bang magsuot ng damit na may design ng Philippine Flag?”

Ayon kay Atty. Mark Demova, “Hindi pwede. Sa ilalim ng ating Flag and Heraldic Code of the Philippines, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng Philippine Flag as a costume or part of an apparel, except when inspired lang by a Philippine Flag.”

Dagdag pa ni Atty. Matt Cesa, “Ang intention noong ginawa ‘yung law ay para maiwasan ang pag-disrespect sa flag. Pero ngayon kasi ginagamit na ‘yung flag to boost the country.”

Sa pamamagitan ng CIA with BA, patuloy ang pagbibigay-kaalaman sa mga kababayan natin sa ibang bansa — hindi lang tungkol sa batas, kundi pati na rin sa kahalagahan ng pagkilala at paggalang sa ating pambansang simbolo, saan mang panig ng mundo.

Sa pangunguna nina Senador Alan Peter Cayetano at King of Talk na si Boy Abunda, ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ang adbokasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano. Mapapanood ang programa tuwing Linggo ng gabi, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.

MALE CELEB PLINASTIK NG PAPURI SA ISANG OBRA NIYA!

NAKUUUUUU! May nalaman din kaming tsika! Alam mo naman ang showbiz, walang lihim na maitatago at walang apoy kung walang usok eme!

Heto na nga! Super proud itong male celeb sa kanyang pelikula! Marami rin siyang mga tsurorot na siyempre, dahil boss nila, idol nila at kumikita sila sa male celeb ay binusog po ng papuri ang male celeb eme!

Na sa totoo lang, mali! Yes! Maling-mali ang tsikang maganda at mahusay ang eme niya! 

' Jusko ' ang sigaw at tili ng mga nakapanood! Isama mo na rin siguro ang tiling ' ano ba yun? '!!!!

Ha! Ha! Ha! 

Ang akala ko naman ay super bongga ang eme niyang ginawa! Yun pala, kemerot lang! Kakaloka! 

Isang waley at wala, wala, wala!

Yun lang! 

SEAN DE GUZMAN MAY BABALIKAN PA BA?


Nagkatuluyan sa totoong buhay ang parehong Vivamax stars na sina Sean De Guzman at Hershie De Leon. Nagkaroon ng first baby at kasalukuyang parehong walang proyekto sa bakuran ng Viva. Maybe dahil pareho nilang ginustong manahimik at tutukan ang kanilang anak. 

Nakita ko ang larawan ng anak nila ni Hershie na aba-aba ng isang baklita, beautiful huh! Kunsabagay, guwapo at maganda naman sina Sean at Hershie!

But many of us particularly ako ay nanghinayang lalo na kay Sean De Guzman dahil sa totoo lang, Sa dami ng kanyang ginawang pelikula sa Vivamax kung saan binansagan pa nga siyang Vivamax King at ginawang pelikula sa mainstream ay ipinakita naman nito ang kanyang husay sa bawat pagganap na kanyang ginagawa.

Nasabi pa nga namin noon na kayang-kaya niya ng tawirin sana ang mainstream sa pelikula at telebisyon. Pero bigo ang lahat nang sa isang pitik at maling desisyon para sa amin na hindi namin alam sa kanya na nawala ang lahat ng magaganda sanang oportunidad para sa kanya.

Naglaho ang lahat at nabalitaan nalang naming nga nga na si bagets! 

Nabalitaan nalang din naming wala na siya sa poder ng kanyang dating manager na sa latest tsika ay mukhang magbabalik daw ulit si Sean sa poder ng kanyang dating manager na si Len Carrillo.

Saganang akin lang, ano na nangyari sa usapan mo pala sa ipinalit mong manager kay Len? Hindi mo ba naisip na may kontrata kapa sa dati mong manager bago ka lumangoy sa pangako siguro ng bago mong manager?

Pinaasa ka ba ng bagong manager? Alam.mo ba na sa maling desisyon mo at diskarte ay bigla kang naglaho at biglang nailibing ang career mo?

O baka naman okey lang dahil sinusuportahan ka ng iyong bagong manager? 

Sa bawat pangyayari kasi ay may kuwento at dahilan kung bakit! Ang nangyari din kasi simulang umalis ka sa poder ng iyong dating manager na balita namin ngayon ay iyong babalikan ay never kang nagbahagi ng iyong kuwento sa isyu! 

Dahil ano? Sinabihan ka ba? Pinagbawalan ka ba? 

Sayang ka Sean! Kung babalik ka man, huli ka na siguro sa biyahe! Dami mo ng sinayang! Sayang! 

Lahat ng naging hakbang mo ay desisyon mo! Kaya deserve mo kung ano ang kinahinatnan mo! 

Ang tanong ay kung may babalikan kapa ba? 

 

 

ABS AT GMA MAY WAR DAW ULI?


Nakuuuu! May nabalitaan lang ako! May war daw ulit ang Kapamilya at Kapuso? As in? Anong war ito? Patungkol ba sa ratings? Patungkol ba sa kung sino ang kumikita ngayon o patungkol sa mga talents ng bawat network at shows?

Nakuuuu! May mga pagbabawal eme na naman daw ang bawat network eme? Pagbabawal sa mga artista? Bawal ang ganito at ganoon kay eme! 

Hindi puwedeng ipalabas yang eme ni eme sa network at yang eme ni eme ay di puwedeng ipalabas o ipakita sa kanila at sa atin eme

Akala ko ba bukas na ang pintuan ng bawat emeng ito simulang nagsara nga isang eme? Nakakaloka huh!

May mga ganyang eksena raw ngayon between GMA at ABS huh! 

Hindi naman kaya pagsimulan na naman ito ng hindi pagkakagustuhan ng dalawang eme? 

Mismong mga tumatao daw sa both eme ay naguluhan na rin sa bagong tsismax na ito! 

Hay! Ano ba ang totoo? Totoo ba ito o pawang tsismax lamang?

Hindi ba't ratsada na ang collabs nila sa ilang shows dati ng ABS? So what's wrong? Gone wrong ba ito?
 

CIA WITH BA : DAPAT BANG BRANDED NA GAMOT LANG ANG IRESETA NG MGA DOKTOR?

CIA with BA’: Dapat bang branded na gamot lang ang ireseta ng mga doktor?

Nag-alala ang isang viewer nang umuwi ang kanyang ina mula sa check-up na may reseta ng mamahaling branded na gamot. Alam niyang hirap silang bumili kaya sinabihan niyang itanong sa doktor kung puwedeng generic na lang ang ilagay sa reseta — pero ang sagot na natanggap nila ay ikinagulat niya.

Sa segment na “Tanong ng Pilipino” ng ‘CIA with BA’, ibinahagi ni Bianca ang kanyang concern tungkol sa reseta ng branded medicines para sa kanyang nanay.

Dahil alam niyang mahal ang branded na gamot, pinayuhan niya ang nanay na itanong kung puwedeng generic na lamang ang isulat.

“Alam kong mahal ‘yung branded na gamot kaya sinabihan ko siyang itanong kung pwede bang generic na lamang ang ilagay sa reseta,” dagdag pa niya.

Pero ayon kay Bianca, iginiit ng doktor na branded lamang ang nirereseta nila. Kaya naitanong niya, “Tama po ba ito? Paano naman po ‘yung mga walang pambili tulad ng nanay ko?”

Ipinaliwanag ni Atty. Matt Cesa, isa sa mga legal experts ng programa, na hindi dapat limitado lang sa branded ang prescription ng mga doktor.

“To answer your question, no. Hindi naman [dapat] na wala silang choice,” ani Cesa.

“Actually, under the Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act, required ‘yung mga doctor na kapag nagpre-prescribe [ng mga gamot] na isulat ‘yung generic na pangalan ng gamot,” paliwanag ni Cesa.

Pinaliwanag din niya na parehong epektibo ang branded at generic medicines dahil dumadaan sila sa parehong pagsusuri para matiyak ang kalidad at bisa.

“Ang pinagmulan naman kasi nito, whether generic ka or branded, same lang naman na epektibo ‘yung gamot dahil dumadaan naman ito sa tests na nag-eensure na quality siya at pasok siya,” dagdag niya.

“Hindi dapat na branded lang. Dapat ilagay ‘yung generic name. Optional lang kung gusto ng doktor ‘yung brand na gusto niya,” giit ni Cesa.

Pinangungunahan nina Senator Alan Peter Cayetano at Boy Abunda, ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ang adbokasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano. Mapapanood ang programa tuwing Linggo ng gabi, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.

ARE DOCTORS ALLOWED TO PRESCRIBE BRANDED MEDICINES ONLY? CIA WITH BA CLARIFIES!

Are doctors allowed to prescribe branded medicines only? ‘CIA with BA’ clarifies!

A viewer couldn’t help but worry when her mother came home from a check-up with a prescription for expensive branded medicine. Knowing they could barely afford it, she suggested asking the doctor for a generic alternative — but the response they got left her shocked and confused.

In the “Tanong ng Pilipino” segment of ‘CIA with BA’, Bianca from Antipolo, Rizal shared a concern about her mother being prescribed branded medicines after a medical check-up.

“Alam kong mahal ‘yung branded na gamot kaya sinabihan ko siyang itanong kung pwede bang generic na lamang ang ilagay sa reseta,” she added.

However, according to Bianca, the doctor insisted that they only prescribe branded medicines. This prompted her to ask: “Tama po ba ito? Paano naman po ‘yung mga walang pambili tulad ng nanay ko?”

Atty. Matt Cesa, one of the program’s legal experts, explained that doctors are not supposed to limit prescriptions to branded medicines alone.

“To answer your question, no. Hindi naman [dapat] na wala silang choice,” he said.

“Actually, under the Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act, required ‘yung mga doctor na kapag nagpre-prescribe [ng mga gamot] na isulat ‘yung generic na pangalan ng gamot,” Cesa explained.

He further emphasized that branded and generic medicines are equally effective as they go through the same testing processes to ensure quality and safety.

“Ang pinagmulan naman kasi nito, whether generic ka or branded, same lang naman na epektibo ‘yung gamot dahil dumadaan naman ito sa tests na nag-eensure na quality siya at pasok siya,” he added.

“Hindi dapat na branded lang. Dapat ilagay ‘yung generic name. Optional lang kung gusto ng doktor ‘yung brand na gusto niya,” Cesa reiterated.

Led by Senator Alan Peter Cayetano and the King of Talk Boy Abunda, ‘CIA with BA’ continues the advocacy of the late Senator Rene Cayetano. The program airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with a replay every Saturday at 10:30 p.m. on GTV.