ARNELL IGNACIO PATAS AT LUMABAN PARA SA OFW'S SIMULANG MAUPO SA OWWA

Loss of trust ang lumabas na dahilan kung bakit daw sinibak sa kanyang puwesto bilang OWWA Chief ang kilalang komedyante at aktor na si Arnell Ignacio pagkatapos ng halos ilang taon nitong pamumuno sa naturang departamento ng ating gobyerno.

Ito patungkol diumano sa isang lupang binili ng OWWA sa pamumuno ni Arnell na sa pagkakaalam namin ay gagamitin diumano ito para sa isang akomodasyon para sa mga OFW's kasi nga naman ay malapit na ito sa mga paliparan.

Hindi lingid sa atin ang magagandang naging adhikain ni Arnell para sa mga OFW's na kung tutuusin ay ginagawa naman ni Arnell lahat ng kanyang makakaya mailagay lang sa magandang sitwasyon ang ating mga OFW's simulang maupo siya sa OWWA!

Sa pagkakasibak niya, marami tuloy ang nagsabing hindi fair ang gobyerno kundi unfair sa desisyong ito na biglaan nalang daw ipinataw kay Arnell.

Huwag nating kalimutan ang mga ginawa ni Arnell para sa OWWA sa ilalim ng kanyang pamumuno na pinakikinabangan ngayon ng halos lahat ng OFW's noh! 

Wala kaming maipintas sa kanyang ginawang trabaho at patas na pamamalakad! Sa totoo lang, simulang si Arnell ang naupo sa naturang posisyon, halos lahat ng OFW's ay nagsasabing mahusay ang kanyang pamamalakad at napakabilis niyang umaksyon sa lahat ng pagkakataon at madaling lapitan!

Well! It's okey Arnell! Ang mahalaga, naupo kang may pagmamahal at malasakit at walang makakatapak sa nai-ambag mong matinong pamumuno sa OWWA ng ilang taon! 

Salamat Arnell Ignacio! Mahal ka ng OFW's! 

KIMPAU LOVE EME, KEMEROT LANG?


Ano nga ba ang totoong estado ng diumano ay pagmamahalan nina Kim Chu at Paulo Avelino? Marami kasi ang nagtatanong kung trulalang mag-on na ang dalawa o mag-jowa na? Marami rin ang nagsasabing wala namang ganoong estado ang dalawa kundi magkaibigan lang sila at close lang sa isa't isa! May nakapagsabi rin na promo o for publicity keme lang daw ang lahat dala ng kanilang pino-promote noong serye ba yun o pelikula! 

Wala rin namang inaamin ang dalawa huh! Ano ba talaga ang real score? Ang totoo sa likod ng mga katanungang ito KimPau? 

Naku! Ganyan naman sa showbiz! Eme emeng keneme! Hay! Buhay showbiz nga naman! 

Wait huh! What about sa career ng dalawa? May nakapagsabi rin na nalipasan na ng panahon ang bawat karera nina Paulo at Kim? Meaning laos na? Hindi naman siguro! Kasi marami pa naman silang projects sa nagsarang network noh! 

Baka naman namimili nalang din sila ngayon ng kanya-kanyang proyektong gagawin! Baka nga! Ewan! 
 

GIGI DE LANA NAWAWALA SA EKSENA?

Ang tanong kasi ng marami, nawawala yata si Gigi De Lana? Kasi nitong nakalipas na kampanyahan all over the country, tila hindi raw visible ang sikat na singer na dati raw ay in-demand siya? 

Last year ay kitang-kita natin kung paano umariba si Gigi sa mga concert shows dito sa bansa and abroad. Pero pagdating yata ng January of this year ay tila nanahimik siya?

Ayon pa sa bakira huh! After lumabas ang isyung scam daw last year, mga October or November of 2024 ay humina raw ang bookings niya.

Tapos nitong January lang yata ay may nabalitaan naman kaming iniwan na rin siya o pinaalis niya daw ang kanyang tumatayong manager who manages her bookings simulang nagkaroon din daw siya ng isyu noon sa unang management niya sa ABS yata?

Hay! May nakapagsabi pa na mukhang in-love ang singer sa kanyang lover na siya na rin daw ang nagma-manage sa kanya?

Ito ay mga kuwento lang na dapat lumantad lang si Gigi De Lana at magkakaroon ito ng kasagutan! Kung totoo ba ang tsismis o hindi! 

Ano ba ang totoo?


CIA WITH BA : ANAK PINALAYAS NG STEPDAD, INA NAIIPIT SA ALITAN

CIA with BA’: Anak, pinalayas ng stepdad; ina, naiipit sa alitan!

Sa Mother’s Day episode ng ‘CIA with BA,’ tampok ang kwento ng mag-ina na sina John Paul at Nanay Aileen.

Nagreklamo si John Paul tungkol sa umano’y pagpapalayas sa kanya ng kanyang stepdad at ang pakiramdam niyang hindi siya kinampihan ng kanyang ina.

Kwento ni John Paul, tila palaging panig si Nanay Aileen sa kanyang asawa at mga kapatid sa ina.

Nag-umpisa siya sa isang relasyon kasama ang kanyang partner, ngunit nang mawalan siya ng trabaho, nagdesisyon siyang bumalik sa bahay ng kanyang ina. Pero hindi nagtagal, nagkaroon sila ng matinding tensyon na nauwi sa sagutan.

Paliwanag ni Nanay Aileen, nais na niyang bumukod si John Paul dahil nasa hustong edad na siya. Ayon sa kanya, nahirapan siyang mamagitan sa alitan sa pagitan ng kanyang anak na lalake, mga anak na babae, at ang asawa niya. Dumating pa nga sa puntong pinapapili siya ng kanyang asawa kung sino ang mas mahalaga sa kanya.

Sa kanilang paghaharap sa programa, na-realize ni John Paul na may pagkukulang din siya at humingi ng tawad kay Nanay Aileen.

Nagbigay din ng legal na paliwanag si Senador Alan Peter Cayetano tungkol sa obligasyon ng magulang sa kanilang mga anak, at nilinaw na may hangganan ito sa edad 18.

“Obligasyon ng parents—ng nanay at tatay—suportahan ang kanilang mga anak: edukasyon, pagkain, kalusugan… In fact, makakasuhan ng child abuse [ang magulang] kapag may winithold ka, halimbawa hindi mo pinabakunahan o kaya pinalo mo nang masyadong masakit na na-injure,” aniya.

“Having said that, hindi walang hangganan ‘yon. ‘Pag 18 ka na, pwedeng ituloy ‘pag nag-aaral ka pa pero technically kasi, ‘pag 18 ka na, tao ka na,” dagdag ni Kuya Alan.

Bilang bahagi ng tulong ng CIA with BA, nangako ang programa na susuportahan ang kanilang kabuhayan, pero nais nila munang makita na magkaayos ang mag-ina upang magpatuloy ang tulong.

Kasama ng King of Talk na si Boy Abunda, ipinagpapatuloy ni Kuya Alan sa ‘CIA with BA’ ang adbokasiya ng yumaong ama, Senador Rene Cayetano. Napapanood ito tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.

CIA WITH BA ADDRESSES MOTHER AND SON'S CONFLICT ON MOTHER'S DAY EPISODE

CIA with BA’ addresses mother and son’s conflict on Mother’s Day episode

In the Mother’s Day episode of ‘CIA with BA,’ the story of John Paul and his mother, Nanay Aileen, was featured.

John Paul complained about being kicked out by his stepfather and his feeling that his mother didn’t take his side.

According to John Paul, it always seemed like Nanay Aileen sided with his stepfather and siblings. He started a relationship with his partner, but when he lost his job, he decided to move back in with his mother. However, tensions soon escalated, leading to heated arguments.

Nanay Aileen explained that she wanted John Paul to stand on his own because he was already of age. She shared that it was difficult for her to mediate the conflict between her son, her daughters, and her husband. There even came a point where her husband asked her to choose between him and her children.

During their confrontation on the program, John Paul realized his own shortcomings and apologized to his mother. His mother showed an open heart to reconcile with her son.

Senator Alan Peter Cayetano also provided a legal explanation about the parents' obligation to support their children, clarifying that this responsibility ends at 18.

“Obligasyon ng parents—ng nanay at tatay—suportahan ang kanilang mga anak: edukasyon, pagkain, kalusugan… In fact, makakasuhan ng child abuse [ang magulang] kapag may winithold ka, halimbawa hindi mo pinabakunahan o kaya pinalo mo nang masyadong masakit na na-injure,” he said.

“Having said that, it’s not indefinite. Once you turn 18, support can continue if you’re still studying, but technically, at 18, you’re considered an adult,” added Kuya Alan.

As part of the support offered by CIA with BA, the program promised to assist with their livelihood, but they emphasized that they would first like to see the mother and son reconcile before extending further help.

Along with the King of Talk, Boy Abunda, Kuya Alan continues the advocacy of his late father, Senator Rene Cayetano, on ‘CIA with BA.’ It airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with a replay every Saturday at 10:30 p.m. on GTV.

REGULAR NA DAPAT AKO! MANGGAGAWANG TATLONG TAON NANG WALANG KONTRATA PINAYUHAN NG CIA WITH BA

Regular Na Dapat Ako!’: Manggagawang tatlong taon nang walang kontrata, pinayuhan ng ‘CIA with BA’

Kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day noong nakaraang linggo, tinalakay ng ‘CIA with BA’ ang mahahalagang isyu ng mga manggagawa sa segment nitong “Tanong ng Pilipino” sa episode noong Mayo 4.

Isang manonood mula Quezon City ang nagtanong tungkol sa kanyang employer na walang ibinigay na pormal na kontrata.

Aniya, “Saan pwedeng lumapit na Labor [office], sa main branch po ba?”

Sumagot ang legal expert na si Atty. Matt Cesa at ipinaliwanag na ang mga reklamo ukol sa labor ay maaaring idulog sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office na pinakamalapit sa lugar ng trabaho.

“Hindi naman necessarily sa main [office] kayo pumunta, unless nandon [sa area na ‘yon] ‘yung trabaho niyo,” paliwanag niya.

Ibinahagi rin ng manonood na siya ay tatlong taon nang nagtatrabaho sa parehong kumpanya nang walang kontrata, at naniniwala siyang dapat ay regular na siya matapos ang 180 araw ng pagtatrabaho.

Kinumpirma ito ni Atty. Cesa, “Tama [‘yon] na after six months or 180 days, regular na dapat ‘yung employee, pero lagi nating tatandaan na ‘yung probationary employment, dapat sinasabi ‘yan at the time na pumasok ka sa trabaho mo.”

Binigyang-diin niya na dapat malinaw na sinasabi ng employer kung ang isang manggagawa ay nasa probation period, at dapat ipaalam din ang mga pamantayang kailangang matugunan ng empleyado.

“After six months, magiging regular employee ka na dapat or kung hindi ka pumasa, either pwedeng i-extend ‘yung probationary employment mo. Ang mahirap dyan, lagpas three years ka na,” saad ni Atty. Cesa.

Payo ni Atty. Cesa sa manonood ay alamin muna kung siya ba ay nasabihan ukol sa pagiging probationary at kung may itinakdang pamantayan noong una siyang pumasok.

“Kung wala, on your first day, regular employee ka na agad,” aniya.

Dagdag pa niya, bagama’t karaniwang anim na buwan ang probationary period, maaari itong mapahaba depende sa napagkasunduan ng employer at empleyado.

Pinangungunahan nina Senator Alan Peter Cayetano at King of Talk Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa adbokasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano. Napapanood ito tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.

WORKERS CONCERNS TACKLED ON CIA WITH BA LABOR DAY EPISODE

Workers’ concerns tackled on ‘CIA with BA’ Labor Day episode

In line with the Labor Day celebration last week, the May 4 episode of ‘CIA with BA’ took the opportunity to shed light on pressing labor-related issues through its segment “Tanong ng Pilipino.”

One of the featured questions came from a viewer in Quezon City who raised concerns about working for an employer without a formal contract.

He asked, “Saan pwedeng lumapit na Labor [office], sa main branch po ba?”

Legal expert Atty. Matt Cesa advised that complaints regarding labor concerns should be brought to the Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office nearest to the place of work.

“Hindi naman necessarily sa main [office] kayo pumunta, unless nandon [sa area na ‘yon] ‘yung trabaho niyo,” he explained.

The viewer also shared that he has been employed by the same company for over three years without a contract and believed he should have been granted regular status after 180 days.

Atty. Cesa clarified, “Tama [‘yon] na after six months or 180 days, regular na dapat ‘yung employee, pero lagi nating tatandaan na ‘yung probationary employment, dapat sinasabi ‘yan at the time na pumasok ka sa trabaho mo.”

He further emphasized that employers must clearly communicate if a worker is on probation, including the standards expected of the employee.

“After six months, magiging regular employee ka na dapat or kung hindi ka pumasa, either pwedeng i-extend ‘yung probationary employment mo. Ang mahirap dyan, lagpas three years ka na,” he noted.

Atty. Cesa advised the viewer to first confirm whether probationary status and company standards were explicitly stated at the start of employment.

“Kung wala, on your first day, regular employee ka na agad,” he added.

He also noted that while the standard probationary period is six months, it may be extended depending on a valid agreement between the employer and the employee.

Hosted by Senator Alan Peter Cayetano and the King of Talk Boy Abunda, ‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano in ‘CIA with BA.’ It airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA METRO NG TUBIG KAILAN MAKAKABIT?

‘CIA with BA’: Metro ng tubig, kailan makakabit?

Dumulog si Snooky sa programang ‘CIA with BA’ para ibahagi ang kanyang problema tungkol sa matagal nang pagkakabit ng metro ng tubig mula sa Maynilad. Sa segment na “Alan Aksyon Agad”  ikinuwento niya ang naging karanasan.

“Nag-apply po kami [para makabitan ng metro ng tubig] noong November. Tapos December po, binigyan kami ng resibo para makapagbayad na po. Nabayaran naman po namin, kaso hanggang ngayon, wala pa po kasing tubig,” pahayag ni Snooky.

Mula Disyembre hanggang Marso, sa kapitbahay muna sila kumukuha ng tubig upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Agad na kumilos ang team ng host na si Sen. Alan Cayetano, sa pangunguna ni Larry, upang makipag-ugnayan sa Maynilad at alamin ang dahilan ng pagkaantala.

“Kinausap kami ni Sir Joey at ng OIC nila. Inexplain nila kung bakit natagalan. Sabi nila, do’n sa area nila [Snooky], mahina ‘yung pressure ng tubig,” kwento ni Larry. Aniya pa, may account na si Snooky at nakasigurado na silang makakabitan, ngunit kailangan munang palitan ang mga lumang metro sa kanilang lugar.

Sa muling pag-iimbestiga ng Maynilad, napag-alaman na maaari na pala itong ikabit mismo sa tapat ng bahay ni Snooky. Kaya naman, sa wakas, natupad na ang matagal nilang inaasam — nakakabit na ang kanilang metro ng tubig.

Bukod dito, nang matuklasan ni Kuya Alan na dati silang may maliit na tindahan, nangako ang programa na tutulong din upang muling buhayin ang kanilang kabuhayan.

“Kung may problema sa inyong lugar, ito ang deal natin, ‘wag kayong mahihiyang magsabi na may problema, hindi kami mahihiyang magsabi kung kaya namin o hindi, pero sa abot ng aming makakaya, bibigyan namin ng aksyon at solusyon kaagad,” mensahe ni Kuya Alan sa mga manonood.

Kasama ng King of Talk na si Boy Abunda, ipinagpapatuloy ni Kuya Alan ang legacy ng yumaong ama na si Senator Rene Cayetano sa ‘CIA with BA.’ Umeere ito tuwing Linggo ng alas-11:00 ng gabi sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi.

CIA WITH BA RESOLVES WATER PROBLEM VIA ALAN AKSYON AGAD

CIA with BA’ resolves water problem via ‘Alan Aksyon Agad’

Snooky sought help from the program CIA with BA to share her struggle regarding the long-delayed installation of their water meter from Maynilad. In the Alan Aksyon Agad segment, she recounted her experience.

“Nag-apply po kami [para makabitan ng metro ng tubig] noong November. Tapos December po, binigyan kami ng resibo para makapagbayad na po. Nabayaran naman po namin, kaso hanggang ngayon, wala pa po kasing tubig,” Snooky said.

From December to March, they had to rely on their neighbors for water to meet their daily needs.

Kuya Alan’s team immediately took action. Led by Larry, they coordinated with Maynilad to find out the cause of the delay.

“Kinausap kami ni Sir Joey at ng OIC nila. Inexplain nila kung bakit natagalan. Sabi nila, do’n sa area nila [Snooky], mahina ‘yung pressure ng tubig,” Larry explained. He added that Snooky’s account was already in the system, but Maynilad needed to replace the old meters in their area first before proceeding with new installations.

Upon reinvestigation, Maynilad found that it was possible to install the new meter directly in front of Snooky's house. Finally, after months of waiting, their water meter was successfully installed.

The assistance from ‘CIA with BA’ didn’t end there. Upon learning that Snooky’s family once operated a small store, Kuya Alan promised that the program would also help them revive their source of livelihood.

“Kung may problema sa inyong lugar, ito ang deal natin, ‘wag kayong mahihiyang magsabi na may problema, hindi kami mahihiyang magsabi kung kaya namin o hindi, pero sa abot ng aming makakaya, bibigyan namin ng aksyon at solusyon kaagad,” Kuya Alan told viewers.

Kuya Alan, together with the King of Talk Boy Abunda, continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano in ‘CIA with BA.’ It airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA SA EASTER SUNDAY : MAARI BANG MAGSIMULA MULI ANG MGA DATING NAGKASALA?

'CIA with BA' sa Easter Sunday: Maaari bang magsimula muli ang mga dating nagkasala?

Ang Easter ay panahon ng pag-asa at bagong simula, at bilang pagdiriwang, tinalakay ng ‘CIA with BA’ ang mga tanong ng mga manonood tungkol sa mga pangalawang pagkakataon sa “Tanong ng Pilipino” na segment.

Isang manonood mula sa Bagac, Bataan ang nagtanong: “Nakulong po ako dati pero gusto ko nang magbagong-buhay. Pwede po ba akong makahanap ng trabaho?”

Sa sagot nii Atty. Mike Cesa, binigyang linaw niya na ang batas ay sumusuporta sa pantay-pantay na oportunidad sa trabaho para sa lahat.

“Yes, pwede ka namang makahanap ng trabaho. Actually, ‘yung Constitution natin and ‘yung Labor Code, they both promote full employment and equal opportunities for all,” aniya.

“As long as qualified ka sa trabaho na ina-applyan mo... As long as na-serve mo na ‘yung sentence mo, ibig sabihin ready ka nang bumalik,” dagdag niya.

Isang manonood mula sa Carcar, Cebu naman ang nagtanong: “May record po ako ng pagnanakaw noong menor de edad ako pero na-acquit naman. Lalabas pa po ba ito sa NBI clearance ko?”

Ipinaliwanag ni Atty. Cesa na kung ang isang tao ay na-acquit, ibig sabihin nito ay napatunayan na siya ay walang sala.

“Considering na acquitted ka, ibig sabihin kasi no’n wala kang sala... na it’s as if wala ka talagang kaso,” paliwanag ng legal expert.

Dagdag pa niya na hindi na dapat lumabas ang kaso sa NBI clearance. Pero kung sakaling lumabas pa rin, “pwede mong dalhin sa NBI ‘yung certificate of finality... saka ‘yung copy ng decision na ina-acquit ka na.”

Sa pamamagitan ng mga real-life questions na ito, binigyang-diin ng CIA with BA na posible ang legal na pagbabalik-loob at bagong simula — na kumakatawan sa tunay na kahulugan ng Easter.

Sa pangunguna nina Senator Alan Peter Cayetano at ng King of Talk na si Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy ng legacy ng yumaong Senator Rene Cayetano at umaere tuwing Linggo ng alas-11:00 ng gabi sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi.