CIA WITH BA METRO NG TUBIG KAILAN MAKAKABIT?

‘CIA with BA’: Metro ng tubig, kailan makakabit?

Dumulog si Snooky sa programang ‘CIA with BA’ para ibahagi ang kanyang problema tungkol sa matagal nang pagkakabit ng metro ng tubig mula sa Maynilad. Sa segment na “Alan Aksyon Agad”  ikinuwento niya ang naging karanasan.

“Nag-apply po kami [para makabitan ng metro ng tubig] noong November. Tapos December po, binigyan kami ng resibo para makapagbayad na po. Nabayaran naman po namin, kaso hanggang ngayon, wala pa po kasing tubig,” pahayag ni Snooky.

Mula Disyembre hanggang Marso, sa kapitbahay muna sila kumukuha ng tubig upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Agad na kumilos ang team ng host na si Sen. Alan Cayetano, sa pangunguna ni Larry, upang makipag-ugnayan sa Maynilad at alamin ang dahilan ng pagkaantala.

“Kinausap kami ni Sir Joey at ng OIC nila. Inexplain nila kung bakit natagalan. Sabi nila, do’n sa area nila [Snooky], mahina ‘yung pressure ng tubig,” kwento ni Larry. Aniya pa, may account na si Snooky at nakasigurado na silang makakabitan, ngunit kailangan munang palitan ang mga lumang metro sa kanilang lugar.

Sa muling pag-iimbestiga ng Maynilad, napag-alaman na maaari na pala itong ikabit mismo sa tapat ng bahay ni Snooky. Kaya naman, sa wakas, natupad na ang matagal nilang inaasam — nakakabit na ang kanilang metro ng tubig.

Bukod dito, nang matuklasan ni Kuya Alan na dati silang may maliit na tindahan, nangako ang programa na tutulong din upang muling buhayin ang kanilang kabuhayan.

“Kung may problema sa inyong lugar, ito ang deal natin, ‘wag kayong mahihiyang magsabi na may problema, hindi kami mahihiyang magsabi kung kaya namin o hindi, pero sa abot ng aming makakaya, bibigyan namin ng aksyon at solusyon kaagad,” mensahe ni Kuya Alan sa mga manonood.

Kasama ng King of Talk na si Boy Abunda, ipinagpapatuloy ni Kuya Alan ang legacy ng yumaong ama na si Senator Rene Cayetano sa ‘CIA with BA.’ Umeere ito tuwing Linggo ng alas-11:00 ng gabi sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi.

CIA WITH BA RESOLVES WATER PROBLEM VIA ALAN AKSYON AGAD

CIA with BA’ resolves water problem via ‘Alan Aksyon Agad’

Snooky sought help from the program CIA with BA to share her struggle regarding the long-delayed installation of their water meter from Maynilad. In the Alan Aksyon Agad segment, she recounted her experience.

“Nag-apply po kami [para makabitan ng metro ng tubig] noong November. Tapos December po, binigyan kami ng resibo para makapagbayad na po. Nabayaran naman po namin, kaso hanggang ngayon, wala pa po kasing tubig,” Snooky said.

From December to March, they had to rely on their neighbors for water to meet their daily needs.

Kuya Alan’s team immediately took action. Led by Larry, they coordinated with Maynilad to find out the cause of the delay.

“Kinausap kami ni Sir Joey at ng OIC nila. Inexplain nila kung bakit natagalan. Sabi nila, do’n sa area nila [Snooky], mahina ‘yung pressure ng tubig,” Larry explained. He added that Snooky’s account was already in the system, but Maynilad needed to replace the old meters in their area first before proceeding with new installations.

Upon reinvestigation, Maynilad found that it was possible to install the new meter directly in front of Snooky's house. Finally, after months of waiting, their water meter was successfully installed.

The assistance from ‘CIA with BA’ didn’t end there. Upon learning that Snooky’s family once operated a small store, Kuya Alan promised that the program would also help them revive their source of livelihood.

“Kung may problema sa inyong lugar, ito ang deal natin, ‘wag kayong mahihiyang magsabi na may problema, hindi kami mahihiyang magsabi kung kaya namin o hindi, pero sa abot ng aming makakaya, bibigyan namin ng aksyon at solusyon kaagad,” Kuya Alan told viewers.

Kuya Alan, together with the King of Talk Boy Abunda, continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano in ‘CIA with BA.’ It airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA SA EASTER SUNDAY : MAARI BANG MAGSIMULA MULI ANG MGA DATING NAGKASALA?

'CIA with BA' sa Easter Sunday: Maaari bang magsimula muli ang mga dating nagkasala?

Ang Easter ay panahon ng pag-asa at bagong simula, at bilang pagdiriwang, tinalakay ng ‘CIA with BA’ ang mga tanong ng mga manonood tungkol sa mga pangalawang pagkakataon sa “Tanong ng Pilipino” na segment.

Isang manonood mula sa Bagac, Bataan ang nagtanong: “Nakulong po ako dati pero gusto ko nang magbagong-buhay. Pwede po ba akong makahanap ng trabaho?”

Sa sagot nii Atty. Mike Cesa, binigyang linaw niya na ang batas ay sumusuporta sa pantay-pantay na oportunidad sa trabaho para sa lahat.

“Yes, pwede ka namang makahanap ng trabaho. Actually, ‘yung Constitution natin and ‘yung Labor Code, they both promote full employment and equal opportunities for all,” aniya.

“As long as qualified ka sa trabaho na ina-applyan mo... As long as na-serve mo na ‘yung sentence mo, ibig sabihin ready ka nang bumalik,” dagdag niya.

Isang manonood mula sa Carcar, Cebu naman ang nagtanong: “May record po ako ng pagnanakaw noong menor de edad ako pero na-acquit naman. Lalabas pa po ba ito sa NBI clearance ko?”

Ipinaliwanag ni Atty. Cesa na kung ang isang tao ay na-acquit, ibig sabihin nito ay napatunayan na siya ay walang sala.

“Considering na acquitted ka, ibig sabihin kasi no’n wala kang sala... na it’s as if wala ka talagang kaso,” paliwanag ng legal expert.

Dagdag pa niya na hindi na dapat lumabas ang kaso sa NBI clearance. Pero kung sakaling lumabas pa rin, “pwede mong dalhin sa NBI ‘yung certificate of finality... saka ‘yung copy ng decision na ina-acquit ka na.”

Sa pamamagitan ng mga real-life questions na ito, binigyang-diin ng CIA with BA na posible ang legal na pagbabalik-loob at bagong simula — na kumakatawan sa tunay na kahulugan ng Easter.

Sa pangunguna nina Senator Alan Peter Cayetano at ng King of Talk na si Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy ng legacy ng yumaong Senator Rene Cayetano at umaere tuwing Linggo ng alas-11:00 ng gabi sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi.

CIA WITH BA ON EASTER SUNDAY : CAN FORMER OFFENDERS STILL START OVER?

CIA with BA' on Easter Sunday: Can former offenders still start over?

Easter is a time for hope and new beginnings, and in celebration, ’CIA with BA’ featured questions from viewers about second chances during its “Tanong ng Pilipino” segment.

A viewer from Bagac, Bataan asked: “Nakulong po ako dati pero gusto ko nang magbagong-buhay. Pwede po ba akong makahanap ng trabaho?”

Atty. Mike Cesa said yes, explaining that the law supports equal job opportunities for everyone.

“Yes, pwede ka namang makahanap ng trabaho. Actually, ‘yung Constitution natin and ‘yung Labor Code, they both promote full employment and equal opportunities for all,” he said.

“As long as qualified ka sa trabaho na ina-applyan mo... As long as na-serve mo na ‘yung sentence mo, ibig sabihin ready ka nang bumalik,” he added.

A viewer from Carcar, Cebu asked: “May record po ako ng pagnanakaw noong menor de edad ako pero na-acquit naman. Lalabas pa po ba ito sa NBI clearance ko?”

Atty. Cesa clarified that if someone is acquitted, it means they were found innocent.

“Considering na acquitted ka, ibig sabihin kasi no’n wala kang sala... na it’s as if wala ka talagang kaso,” said the legal expert.

He noted that the case shouldn’t appear on the NBI clearance. But if it does, “pwede mong dalhin sa NBI ‘yung certificate of finality... saka ‘yung copy ng decision na ina-acquit ka na.”

Through these real-life questions, ‘CIA with BA’ highlighted that legal redemption and fresh starts are possible — echoing the true meaning of Easter.

Led by Senator Alan Peter Cayetano and King of Talk Boy Abunda, ‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

BEAUTYCONTIS PASOK NA PASOK ANG TANDEM SA KANILANG LATEST FILM NA ' RUNAWAY ' SHOT ENTIRELY SA VIETNAM

Masayang nagso-shooting ngayon ng pelikulang RUNAWAY ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa iba't ibang tourist spots sa Hanoi, Vietnam ang tandem ng ' BeautyContis ' na sina Beauty Gonzales at Paolo Contis.

Kitang-kita ko ang pagiging professional ng dalawang aktor kahit medyo mainit na sa mga pinupuntahan nilang location to shoot.

Si Beauty na chill lang ganoon din si Paolo na masaya pang nakikipagkuwentuhan sa amin at nangungulit sa mga taong kabilang sa production.

Maganda ang story ng pelikulang ito na sinulat ni Corrine Cornejo sa direksiyon ni Sid Pascua.

Kuwento ng isang lalakeng nagtatrabaho sa Vietnam bilang tour guide o tourist guide. Pero ibang diskarte ang kanyang ginagawa para mabuhay. Ang mang-scam o manloko ng sinu-sino.

Hanggang sa matagpuan niya si Beauty na ang plano niya nung una ay biktimahin ito. Hanggang diyan lang ang puwede kong maikuwento.

Basta! You'll love the film! Beautiful talaga ang story plus the beautiful spots sa Vietnam kung saan kinukunan ngayon ang kabuuan nito.

Congrats sa buong productuon staff, cast and crew ng RUNAWAY. 

Lalo na ang 316 Media Network na patuloy sa pagpo-produce ng naga-gandahang istorya at gawing pelikula.

PAOLO CONTIS MASAYA SA TREATMENT NG 316 MEDIA NETWORK WHILE SHOOTING SA VIETNAM

🎬 Isang happy lang na Paolo Contis ang aming nakatsikahan dito mismo sa Ninh Binh, Vietnam while shooting some scenes sa Tam Coc Boat Station para sa pelikulang #RunAway ng #316MediaNetwork ni Len Carriilo

🎬 Obcourse, happy rin nitong ibinalita sa amin ang kanyang lubos na pasasalamat sa buong 316MN production dahil sa magandang pagtrato sa kanya simulang itinuring na rin siyang Kapamilya.

🎬 Pangalawang movie project na ito ni Paolo sa 316MN after doing a film last January sa New Zealand then ngayon naman ay Vietnam.

🎬 Ang sekreto raw upang mamahalin ka ng mga nakakatrabaho mo ay yung professionalism sa trabaho at pakikisama sa lahat. Inamin din nitong gustong-gusto niya talagang nagso-shoot abroad pero aminadong medyo mahirap dahil dayohan at mabilisan ang kilos unlike kapag gumagawa siya ng movie sa sariling bansa.

🎬 Pero mas sumasaludo si Paolo sa mga taong nasa likod ng camera o production dahil mas mahirap daw ang ginagawa nila para lang magawa ang isang pelikula.

🎬 Minarapat naming huwag ng tanungin o banggitin man lang kay Paolo ang ilang personal naming tanong sa kanya dahil alam naman naming respeto parin ang nangingibabaw sa isa't isa lalo na't personal na ang usapin!

🎬 Isa lamang si Paolo Contis sa pinaka-mahuhusay nating aktor sa industriyang ito. For almost 3 decades niya sa showbiz industry, Paolo Contis proved himself a lot already! 

🎬 Kasama ni Paolo Contis sina Beauty Gonzales at Kelly Day sa movie.

🎬 Abangan ang pelikulang ito na sinulat ni Corine Cornejo. Line produced by Dennis C. Evangelista

🎬 Sa direksiyon ni Sidney Zaid

LEGAL TIPS PARA SA MGA MAGBABAKASYON NGAYONG SEMANA SANTA AT SUMMER IBINIGAY NG CIA WITH BA

Legal tips para sa mga magbabakasyon ngayong Semana Santa at summer, ibinigay ng ‘CIA with BA’

Habang papalapit ang Semana Santa at summer break, marami na ang nagpaplano ng kanilang bakasyon. Sa isang episode ng ‘CIA with BA’, sinagot ng mga legal expert ang ilang tanong ng mga manonood tungkol sa kanilang karapatan at obligasyon sa panahon ng bakasyon.

Isa sa mga nagtanong ay si Ross mula sa Maynila: “Pupunta po kami sa beach ng mga kaibigan ko. Since lahat kami ay mga estudyante at may student ID naman, pwede po ba naming gamitin ang student fare discount ngayong summer sa pagbili ng bus tickets?”

Ayon kay Atty. Matt Cesa, valid pa rin ang discount: “Under sa memorandum ng LTFRB, pati na rin ‘yung recent law natin on student discount, ang nakalagay kasi, entitled ka dito sa discount na ‘to mula Monday to Sunday, kahit holiday, sembreak, o summer break.”

Dagdag pa niya, ang mga post-graduate students tulad ng mga nag-aaral ng medisina, batas, o kumukuha ng master’s o doctorate degree ay hindi sakop ng diskwento.

Nagpadala rin ng tanong si Daniel mula sa Quezon City tungkol sa pag-extend ng family vacation niya: “Pwede ko po bang gamitin ang service incentive leave para tuluy-tuloy at hindi mabitin ang aking bakasyon?”

Sagot ni Atty. Rafael Rivera: “Pwede, basta nabigyan ka na ng employer mo ng service incentive leave. Ang batas, hindi nagsasaad ng partikular na dahilan para gamitin ito. As long as paalam ka sa employer, puwede mo siyang gamitin.”

Samantala, si Edgar mula sa Baler, Aurora, na unang beses pa lang magta-travel abroad, nagtanong: “Ano po ang aking gagawin sakaling mawala ang aking passport?”

Payo ni Atty. Bernadette Maybituin, huwag mag-panic at sundin ang tamang proseso:

  1. Mag-report agad sa pinakamalapit na police station.
  2. Gumawa ng affidavit of loss.
  3. Tumungo sa pinakamalapit na embahada o konsulado ng Pilipinas para mag-apply ng bagong passport, emergency passport, o travel certificate depende sa sitwasyon.

Sa segment na “Tanong ng Pilipino,” patuloy ang ‘CIA with BA’ sa pagbibigay kaalaman sa mga manonood tungkol sa kanilang karapatan sa panahon ng bakasyon. Maging handa at may alam—mapa-travel man o staycation.

Ang ‘CIA with BA’ ay ipinagpapatuloy ang legasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

CIA WITH BA GIVES LEGAL TIPS FOR HOLY WEEK SUMMER TRAVEL

CIA with BA’ gives legal tips for Holy Week, summer travel

As Holy Week and the summer break approach, many Filipinos are planning vacations. In the recent episode of ‘CIA with BA,’ viewers sent in questions about their rights and responsibilities during this time of rest and travel.

The first question came from Ross of Manila: “Pupunta po kami sa beach ng mga kaibigan ko. Since lahat kami ay mga estudyante at may student ID naman, pwede po ba naming gamitin ang student fare discount ngayong summer sa pagbili ng bus tickets?”

According to Atty. Matt Cesa, the discount is still valid: “Under sa memorandum ng LTFRB, pati na rin ‘yung recent law natin on student discount, ang nakalagay kasi, entitled ka dito sa discount na ‘to mula Monday to Sunday, kahit holiday, sembreak, o summer break.”

He added that post-graduate students such as those taking up law, medicine, or master’s and doctoral degrees are not covered by the discount.

Next, Daniel from Quezon City asked whether he could use his service incentive leave (SIL) to extend his family vacation, as his regular vacation leave wasn’t enough. “Pwede ko po bang gamitin ang service incentive leave para tuluy-tuloy at hindi mabitin ang aking bakasyon?”

Atty. Rafael Rivera responded, “Pwede, basta nabigyan ka na ng employer mo ng service incentive leave. Ang batas, hindi nagsasaad ng partikular na dahilan para gamitin ito. As long as paalam ka sa employer, puwede mo siyang gamitin.”

Meanwhile, Edgar from Baler, Aurora, a first-time traveler abroad, had a concern: “Ano po ang aking gagawin sakaling mawala ang aking passport?”

Atty. Bernadette Maybituin advised not to panic and follow the proper legal steps:

  1. Report the loss to the nearest police station.
  2. Prepare an affidavit of loss.
  3. Proceed to the nearest Philippine embassy or consulate to apply for a new passport, an emergency passport, or a travel certificate.

Through the segment “Tanong ng Pilipino,” ‘CIA with BA’ continues to educate viewers on their legal rights during vacation periods. Whether traveling or resting, it’s important to be informed and prepared.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA : MAY PROGRAMA PARA KILALANIN ANG SKILLS NG MGA OFW'S ABROAD

CIA with BA’: TESDA, may programa para kilalanin ang skills ng mga OFWs abroad

Sa patuloy na pag-angat ng antas ng kaalaman at kakayahan ng mga overseas Filipino workers (OFWs), isang tanong ang umalingawngaw sa episode ng ‘CIA with BA’ — maaari bang pormal na kilalanin dito sa Pilipinas ang mga natutunan nila sa ibang bansa? Ito ang tanong ni Annie, isang OFW sa Hong Kong, na nagsusumikap mag-aral tuwing day-off upang mapaunlad ang sarili at makapaghanda sa muling pagbabalik sa piling ng pamilya at bayan.

“Sa kasalukuyan po, kami po ay nag-aaral dito tuwing day-off po namin. Gusto na rin po naming makasama ang aming mga pamilya, mga mahal sa buhay at makatulong na rin sa ating bansa,” wika ni Annie, na sampung taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong.

Sa kanyang pagtatanong, inilahad niya ang pagnanais ng maraming OFW na magkaroon ng pagkilala sa kanilang mga natutunan sa labas ng bansa.

“Mayroon po bang equivalent program or ma-credit po ba ng TESDA ang mga pinag-aaralan po namin dito tulad po ng fire safety, food safety and food hygiene, computer literacy, basic first aid and child development and care?” tanong niya.

Sa tulong ng legal team ng programa, ipinaliwanag ni Atty. Bernadette Maybituin na mayroong programa ang TESDA para sa mga OFW na tulad ni Annie.

“Tama po na may programa ang TESDA para sa OFWs na katulad ninyo. Ito po ang recognition of prior learning or RPL, alinsunod sa TESDA Circular 09 Series of 2021,” ani Atty. Maybituin.

“Ayon sa circular na ito, maaari ninyong ipa-certify ang inyong mga training o kakayanan, kahit ito pa ay natutunan niyo sa ibang bansa,” dagdag niya.

Ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ay isang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng technical-vocational education and training (TVET) sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng Recognition of Prior Learning (RPL), binibigyang daan nito ang mga skilled workers, kabilang ang mga OFW, na makakuha ng National Certificate (NC) batay sa kanilang kaalaman at karanasan — pormal man o impormal — na nakuha sa trabaho o mga training, kahit sa ibang bansa.

Ang episode ay patunay sa layunin ng ‘CIA with BA’ — na suportahan ang mga kababayan nating nasa ibang panig ng mundo, at bigyang-linaw ang mga isyung legal at praktikal na may kinalaman sa kanilang kinabukasan.

Ang ‘CIA with BA’ ay napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, hosted nina Senators Alan at Pia Cayetano, at King of Talk Boy Abunda.

CIA WITH BA : TESDA OFFERS PROGRAM TO RECOGNIZE OFW'S OVERSEAS-LEARNED SKILLS

CIA with BA’: TESDA offers program to recognize OFWs’ overseas-learned skills

As overseas Filipino workers (OFWs) continue to upgrade their knowledge and skills abroad, one important question stood out in the recent episode of ‘CIA with BA’: Can the skills they acquire outside the country be officially recognized in the Philippines?

This was the concern raised by Annie, an OFW who has been working in Hong Kong for ten years. Despite her demanding job, she spends her rest days attending classes and learning new skills in preparation for her eventual return home.

“Sa kasalukuyan po, kami po ay nag-aaral dito tuwing day-off po namin. Gusto na rin po naming makasama ang aming mga pamilya, mga mahal sa buhay at makatulong na rin sa ating bansa,” Annie shared.

She then asked: “Mayroon po bang equivalent program or ma-credit po ba ng TESDA ang mga pinag-aaralan po namin dito tulad po ng fire safety, food safety and food hygiene, computer literacy, basic first aid and child development and care?”

With help from the show’s legal team, Atty. Bernadette Maybituin responded and confirmed that the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) has a program specifically for OFWs like Annie.

“Tama po na may programa ang TESDA para sa OFWs na katulad ninyo. Ito po ang recognition of prior learning or RPL, alinsunod sa TESDA Circular 09 Series of 2021,” Atty. Maybituin explained.

“Ayon sa circular na ito, maaari ninyong ipa-certify ang inyong mga training o kakayanan, kahit ito pa ay natutunan niyo sa ibang bansa,” she added.

TESDA is the government agency that provides technical-vocational education and training (TVET) in the Philippines. Through its Recognition of Prior Learning (RPL) program, skilled workers — including OFWs — can be assessed and certified based on the knowledge and competencies they’ve gained, whether through formal or informal means, even if learned abroad. This certification comes in the form of a National Certificate (NC), which is often required in local employment or business opportunities.

This episode of ‘CIA with BA’ highlights the program’s commitment to informing and empowering Filipinos overseas by tackling practical legal and livelihood concerns that impact their future.

‘CIA with BA’ airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, hosted by Senator Alan Cayetano and the King of Talk, Boy Abunda

TANONG NG PILIPINO : PWEDE BANG TANGGALIN ANG ASAWA BILANG BENEFICIARY?

Tanong ng Pilipino’: Pwede bang tanggalin ang asawa bilang beneficiary?

Kapag usapang proteksyon sa pinansyal, mahalagang maunawaan ang iyong mga karapatan bilang beneficiary.

Sa nakaraang episode ng 'CIA with BA,' nagtanong si Monina, isang overseas Filipino worker (OFW) mula Hong Kong, ukol sa isang mahalagang isyu sa batas: Pwede ba niyang tanggalin ang kanyang asawa bilang beneficiary?

Ang kanyang tanong sa segment na "Tanong ng Pilipino" ay nagbukas ng isang mahalagang diskusyon ukol sa mga regulasyon tungkol sa beneficiaries sa Social Security System (SSS) at PAG-IBIG Fund.

Direktang tinanong ni Monina, "Pwede po bang tanggalin as beneficiary ang asawa?"

Bilang sagot, ipinaliwanag ni Senator Alan Peter Cayetano ang mga legal na aspeto ng pagiging beneficiary sa dalawang institusyon.

"Dun sa SSS at PAG-IBIG, nasa batas mismo ng SSS na ang beneficiary ay ‘yung asawa. Wala man ‘yan sa batas ng PAG-IBIG, pero both [of them], meron silang rules and regulations,” sabi niya.

Dagdag pa niya, hindi madaling palitan ang asawa bilang beneficiary.

"Nakalagay doon na kung papalitan mo na ang spouse mo as beneficiary, kailangan may proof ka na na-dissolve ang inyong marriage o kaya na-annul, o kaya kayo ay nagkaroon ng legal separation, or kung yumao na ‘yung asawa," aniya.

Binigyang diin ni Kuya Alan ang dahilan ng mga regulasyong ito, na nagsisilbing proteksyon para sa mga mag-asawa.

"‘Di mo basta-basta mapapalitan ‘yan [dahil] proteksyon din ‘yan ng mag-asawa," diin niya.

Muling ipinakita ng episode kung paano nagbibigay ang 'CIA with BA' ng mga praktikal na legal na kaalaman, lalo na sa mga Pilipinong nahaharap sa mga komplikadong personal at legal na usapin.

Ang ‘CIA with BA’ ay napapanood tuwing Linggo ng alas 11:00 ng gabi sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing Sabado ng alas 10:30 ng gabi. Ipinagpapatuloy ng programa ang legacy ng yumaong Senator Rene Cayetano sa pagbibigay ng legal na payo at tulong sa mga nangangailangan

TANONG NG PILIPINO : CAN A SPOUSE BE REMOVED AS BENEFICIARY?

Tanong ng Pilipino’: Can a spouse be removed as beneficiary?

When it comes to financial protection, understanding your rights as a beneficiary is crucial.

In a recent episode of 'CIA with BA,' Monina, an overseas Filipino worker (OFW) in Hong Kong, raised a pressing legal question: Can she remove her spouse as a beneficiary?

Her inquiry during the segment "Tanong ng Pilipino” opened up a vital discussion about the legal framework governing beneficiaries in the Social Security System (SSS) and PAG-IBIG Fund.

Monina directly asked, "Pwede po bang tanggalin as beneficiary ang asawa?"

Responding to her query, Senator Alan Peter Cayetano explained the legalities surrounding beneficiaries in both institutions.

"Dun sa SSS at PAG-IBIG, nasa batas mismo ng SSS na ang beneficiary ay ‘yung asawa. Wala man ‘yan sa batas ng PAG-IBIG, pero both [of them], meron silang rules and regulations."

He clarified that removing a spouse as a beneficiary is not a straightforward process.

"Nakalagay doon na kung papalitan mo na ang spouse mo as beneficiary, kailangan may proof ka na na-dissolve ang inyong marriage o kaya na-annul, o kaya kayo ay nagkaroon ng legal separation, or kung yumao na ‘yung asawa,” he said.

Kuya Alan emphasized the rationale behind these regulations, emphasizing that they serve as a form of protection for spouses.

"‘Di mo basta-basta mapapalitan ‘yan [dahil] proteksyon din ‘yan ng mag-asawa,” he noted.

The episode once again showcased how 'CIA with BA' provides practical legal insights, especially for Filipinos facing complex personal and legal dilemmas.

‘CIA with BA’ airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m. The show continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano by providing legal advice and assistance to those in need

KUMPIRMADO! PAUL SALAS AT MIKEE QUINTOS HIWALAY NA!


February 14, 2025 ay sinorpresa pa ni Paul Salas ang girlfriend nitong si Mikee Quintis for 3 years para sa araw ng mga puso. Ipinost pa ni Paul sa kanyang instagram account ang screenshot kong ito. Sa araw ng February 16, 2025 ay ito na ang huling nakita kong post ni Paul na nagsasayaw sila sa kanyang instagram account. Hanggang sa magkita kami mismo ni Paul nitong March 16, 2025 dahil kinuha ko nga siyang celebrity guest sa katatapos lang na LagaFestival sa Lagayan, Abra. Sinalubong ko si Paul sa Oval Era Hotel sa kanyang pagdatong at habang nag-uusap kami ay hinila niya ako sa isang gilid at kanyang sinabing may pinagdadaanan sila ni Mikee Quintos sa kanilang reslasyon bilang mag-jowa! Baka raw kasi mag-expect akong super okey sila together sa show nila that evening of March 16 sa Lagayan. Kaya sabi ko nalang ay wala ng duet na mangyayari kundi solo-solo na sila at sinagot niya ako ng ' Opo Nay '. So March 16 palang ay alam ko ng hiwalay na sila. Pero sa totoo lang, napaka-professional bilang dalawa ni Mikee dahil nung nasa backstage na kami that night sa Mayor's office habang naghihintay sila ng kani-kanilang number ay nagawa nilang maging civil sa harap ng maraming matang nakatingin sa kanila that night. Parang walang wall between them and i salute them both sa kanilang ipinakitang gesture sa lahat. Na-appreciate ko rin ang pag-amin mismo sa akin ni Paul about their real score at tumaas pa lalo ang pagrespeto at pagmamahal ko kay Paul! Napalaking maayos si Paul at alam niya ang tama sa mali at respeto't pagmamahal sa mga taong nakakasalamuha niya. I promised not to write about it at pinanindigan ko yun dahil marespetong tao si Paul. Hanggang sa nitong araw ng tuesday, April 1, 2025 ay inamin na mismo ni Mikee Quintos sa interview sa kanya ni Tito Boy Abunda for FastTalk na hiwalay na sila ni Paul. Sa interview, perfect ang mga naging pahayag ni Mikee about sa hiwalayan nila ni Paul at ramdam kong minahal niya si Paul dahil ramdam ko ang protection and respect ni Mikee sa kanyang dating boyfriend. Tama yun, desisyon nilang dalawa ang maghiwalay na dahil gusto na rin nila! Sa totoo lang, after ng kanilang show sa Lagayan, inabutan ko pa sa isang area ng Oval Era Hotel ang dalawa mga 3am na yun na nag-uusap sila ng maayos! Appreciated much ang kanilang civil gestures at tama lang na pag-usapan nila ang lahat at maghiwalay ng maayos at nandoon parin ang RESPECT! I LOVE YOU BOTH! YOU'RE STILL YOUNG AND MANY THINGS WILL STILL COME SA INYONG BUHAY-BUHAY! MAYBE ITO YUNG TIME NA HANAPIN NIYO MUNA ANG INYONG MGA SARILI AT HARAPIN ANG KANYA-KANYANG LABAN SA BUHAY!