DANIEL AT KAILA IWAS POST SA SOCMED NG KANILANG TOGETHERNESS EME! BAKIT KAYA?



OKEY! Wala naman talagang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada na mag-jowa na sila o kung anuman! Ang nangyari kasi, sa dinami-rami ng ebidensiyang naglalabasang mag-jowa na nga sila ay what you see is what yiu get!

Parang hinayaan na nilang ang mata na ng publiko ang magsasabi sa nakikita nito!

Well, as we see, sila na nga at kung anu-ano na nga ang nababalita sa kanila na para bang publiko na rin ang nagkumpirmang sila na at nanghuhusga naman ngayon sa isyung nag-ugat sa isang blind item!

Sabihin na nating sila na nga, marami naman ang nakapansin sa instagram accounts ng dalawa. Sa totoo lang, parehong walang pinopost ang dalawa ng kanilang togetherness huh!

Simulang naging sila, tila walang post si Daniel ng pic nila ni Kaila sa instagram niya ganoon din si Kaila!

Hindi pa ba sila sure sa kabilang pagiging lovers kung bakit iwas post sila ng kanilang togetherness?

Hindi pa ba sila handa o sadyang nag-usap silang huwag na magpost sa kani-kanilang accounts at sasabihin nilang for privacy eme na naman ang lahat?

Tapos pansin din na si Daniel ay hindi tinatanggal ang mga post nito with Kathryn Bernardo huh! I smell something lang! Tapos wala siyang post with Kaila? 

Hay naku! When you love, it's love! Then why? Wow! Intrigera lang diba? 

Hula-hola-hoop! Respect ika nga nila! 

KARLA ESTRADA, DEADMA SA BLIND ITEM ISSUE NG KAINIEL! DEADMA RIN SA ISYU NG MGA ROMUALDEZ! DEADMA NALANG!

TIKOM ANG BIBIG ni Karla Estrada sa isang pinagpipiyestahang blind item ngayon na diumano ay patungkol ito kena Daniel Padilla at Kaila Estrada! 

Ayon pa sa nasabing blind item na inilabas ng PEP kamakailan lang ay mukhang si Kaila daw ang babaeng tinutukoy at si Daniel naman ang lalakeng sinasabi!

Tinanong ko kasi si Karla sa pamamagitan ng viber kyng trulala na sina Kaila at Daniel nga ba ang nasa blind item ay magpahanggang ngayo'y deadma ang ina bi Daniel Padilla.

Mukhang walang time sagutin ni Karla ang aking tanong kaya naman dalawa lang ang pakiramdam ko'y sagot diyan.

It's either totoo ang tsimis or deadma nalang dahil wala namang katotohanan ang lahat!

Well, lalabas naman sa bandang huli kung ano ang totoo sa hindi! 

Baka naman kasi tsika lang! Hay baku! Wait nalang natin ang katotohanan kung sila nga ba ang laman ng tsismis noh! 

Plus. Deadma rin si Karla at tahimik din sa isyu ng mga Ronualdez simulat mula huh! Well, again, walang masama sa pande-deadma! 

CIA WITH BA: PALAY SA KALSADA, PINARKINGAN! SINONG MAY KASALANAN?

CIA with BA’: Palay sa kalsada, pinarkingan! Sinong may kasalanan?

Umani ng matinding reaksyon online ang viral video kung saan makikitang pinarkingan ng isang kotse ang mga palay na pinapatuyo sa kalsada, na nauwi sa mainit na pagtatalo ng mga sakay ng sasakyan at ng magsasaka.

Ang insidente ay tinalakay sa segment na ‘Tanong ng Pilipino’ ng CIA with BA.

Giit ng magsasaka, kabuhayan niya ang palay at wala siyang ibang mapagpatuyuan.

Ngunit ayon kay Atty. Marian Cayetano, malinaw ang batas.

“Meron talaga tayong batas na nagbabawal sa pagpapatuyo ng kahit anong ani or crops, so kasama na po ‘yung palay,” aniya, kaugnay ng DPWH Department Order No. 73 Series of 2014.

Dagdag pa niya, delikado at sagabal sa daloy ng trapiko ang ganitong gawain.

“Kasi makaka-obstruct po ng daanan. Ang kalsada natin, para talaga ‘yan sa motorista,” babala ni Atty. Marian, na nagsabing maaari rin itong humantong sa aksidente at paglabag sa batas-trapiko.

Gayunman, iginiit niya na hindi dapat mawala ang malasakit.

“Legally, may right ‘yung motorista, pero hindi naman masama na maging compassionate,” ani niya, sabay paalala na iwasan ang pagparada sa mga lugar kung saan may nagpapatuyong palay.

Para kay Boy Abunda, mas malalim ang problema at kailangang tugunan ng pamahalaan.

“Wala ho kasing space na pwedeng gamitin ng mga magsasaka,” aniya, na nanawagang tingnan ito ng mga lokal na pamahalaan mula sa pananaw ng mga magsasaka.

Sa huli, binigyang-diin ng CIA with BA na bagama’t malinaw ang batas, mas maiiwasan ang sigalot kung sasabayan ito ng pag-unawa at konkretong solusyon mula sa pamahalaan.

Ang CIA with BA ay napapanood tuwing Linggo, alas-11 ng gabi sa GMA7.

CIA WITH BA : RICE ON THE ROAD, CAR ON TOP, WHO'S REALLY AT FAULT?

CIA with BA’: Rice on the road, car on top—who’s really at fault?

A viral video of a car parked over rice grains drying on the road has sparked public outrage and debate, after a heated argument erupted between the vehicle’s passengers and a farmer.

The incident took center stage in the ‘Tanong ng Pilipino’ segment of CIA with BA, raising questions about rights, responsibility, and respect on public roads.

While the farmer argued that the rice was his livelihood and that he had no other place to dry it, legal expert Atty. Marian Cayetano clarified that the law is clear.

“Meron talaga tayong batas na nagbabawal sa pagpapatuyo ng kahit anong ani or crops, so kasama na po ‘yung palay,” she said, citing DPWH Department Order No. 73 Series of 2014.

She explained that drying rice on roads can obstruct traffic and endanger motorists.

“Kasi makaka-obstruct po ng daanan. Ang kalsada natin, para talaga ‘yan sa motorista,” she noted, warning that it could lead to accidents and possible violations of the Land Transportation and Traffic Code.

However, Atty. Marian stressed that legal rights should be balanced with empathy.

“Legally, may right ‘yung motorista, pero hindi naman masama na maging compassionate,” she said, urging motorists to avoid parking over areas where farmers are drying their harvest.

For Boy Abunda, the controversy reflects a larger gap in government support.

“Wala ho kasing space na pwedeng gamitin ng mga magsasaka,” he said, calling on local governments to view the issue from the farmers’ perspective and provide proper drying facilities.

In the end, CIA with BA highlighted that while the law favors road safety, lasting solutions require compassion—and concrete action from authorities.

CIA with BA airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7.

PMPC STAR AWARDS ANNOUNCES 2026 OFFICERS AND BOARD OF DIRECTORS

PMPC STAR AWARDS ANNOUNCES 2026 OFFICERS AND BOARD OF DIRECTORS


PMPC Star Awards, Inc. formally announces the election of its new set of officers and members of the Board of Directors for 2026. The election was held on January 9 at the organization’s office on Roces Avenue, Quezon City.


Elected as President is Fernan de Guzman, who returns to the post after previously serving multiple terms. His re-election underscores the continued trust and confidence of the organization in his leadership and dedication to the PMPC.


Joining him as newly elected officers are Rodel Fernando (Vice President), Eric Borromeo (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Jimi Escala (Assistant Treasurer), Joey Austria (Auditor), Evelyn Diao (Public Relations Officer – English), and Glen Sibonga (Public Relations Officer – Filipino).


The newly constituted Board of Directors is composed of John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, and Francis Simeon.


Established in the 1960s, PMPC Star Awards, Inc. is recognized as the longest-running organization of entertainment media professionals in the Philippines, composed of editors, columnists, bloggers, and television and radio hosts. The organization is responsible for producing the annual Star Awards for Movies, Television, and Music, which honor excellence in the Philippine entertainment industry.




During President Fernan de Guzman’s term, the PMPC leadership, together with its members, aims to further elevate the standards of local entertainment journalism. These efforts are geared toward strengthening professional unity, upholding ethical reporting, and promoting the collective welfare of the organization and the industry it serves.

INNERVOICES WILL GO PLACES

Bago mag-pasko ay nakasalamuha ko ang bandang InnerVoices sa Noctos Bar, Quezon City. First time ko rin silang napanood at napakinggan. Mahusay ang grupo. Bubusugin nila ang iyong tenga sa husay ng bandang 80's at 90's ang banat sa mga kinakanta nila na kung feel mo at panahon mo, naku, tiyak magi-enjoy ka!

Hindi lang yan, guwapo rin ang bokalista nila at hindi isnabero at feelingero noh!

Take note ha! Sa nakaraang Aliw Awards lang ay kinilala na rin ang husay nila bilang ' Best Group Performer In Hotels, Bars and Music Lounges ' ! Meaning, certified performer na sila at may K na!

Malayo pa ang mararating ng banda dahil they're not pocho-pocho band kundi mamahalin ang dating nila at pakahusay naman talaga sa kantahan.

Naku, abangan sila this 2026 sa pamumuno ni Atty. Rey Bergado na siya ring nasa keyboard ng InnerVoices dahil naglalakihang proyekto sa music scene ang susuungin nila! 

Goodluck InnerVoices!


VIVA FILMS " KUKUBRA NALANG " AYON KAY VICE GANDA

‼️ " KUKUBRA NA LANG " --VICE GANDA ‼️


Dinaan man sa medyo joke pero alam naming sapul sa mukha ang bakuran ng Viva Films-ang talent management agency ni Vice Ganda nang magpasaring ito kamakailan sa It's Showtime pagkatapos niyang manalo bilang Best Actor sa MMFF 2025 awards night para sa pelikulang #CallMeMother 


Well, tama lang namang supalpalin o paringgan minsan ang mga taong hindi man lang nagparamdam ng pagpapahalaga at suporta lalo na at talento pa nila si Vice. Wala naman kaming narinig na may hindi pagkakaunawaan si Vice at ang kanyang management kaya nabigla rin kami sa kanyang sinabi that day.


Sa success kahit papano ng nasabing movie ay milyon din ang kukubrahin ng Viva huh! Percentage tawag dun, diba? 


Tsika pa ng isang tsismosang palaka na bumubula na ang bibig sa katsitsismis ay kung hindi naraw masaya si Vice sa kanyang management ay puwede naman daw siyang magpa-release at i-manage na ang kanyang sarili.


Ang tanong, ilang taong kontrata ba meron siya sa Viva? O may mga sosyo rin sila ng Viva kaya palagay ko ay mahihirapan siyang kumawala sa bakuran nito kung ganoon, hindi ba?


Ganyan talaga sa showbizlandia! There's no business like SHOWBUSINESS ika nga nila kaya kanya-kanyang laban yan! Jusmio! 


Basta kami, ako peraonally ay HAPPY sa success ni Vice Ganda sa mundo ng showbizlabdia! Yun na!

VIRAL SUV CHASE : KAILAN PINAPAYAGAN ANG PULIS NA GUMAMIT NG FORCE?

Viral SUV Chase: Kailan pinapayagan ang pulis na gumamit ng force?

Sa unang episode ng taon ng CIA with BA, tinalakay sa segment na “Tanong ng Pilipino” ang isang viral video kung saan makikitang hinaharang ng mga pulis ang isang SUV na umano’y tumatakas. Sa nasabing video, makikita rin ang pagbabasag ng windshield ng sasakyan, na agad nagbunsod ng diskusyon tungkol sa paggamit ng puwersa ng kapulisan.

Dahil dito, isang manonood ang nagtanong: “Kailan pinapayagan ang pulis na gumamit ng ganitong klaseng pwersa?” Umani ang video ng iba’t ibang reaksyon online, partikular kung lehitimo ba ang naging aksyon ng mga pulis.

Ayon kay Atty. Matt Cesa, nakadepende sa sitwasyon ang paggamit ng puwersa at dapat itong angkop sa banta.

“Kailangan mong gumamit ng force depende sa situation. Kung may danger sa ibang tao, may harm sa sarili mo, ‘di mo magawa ‘yung duty mo, kailangan mong mag-inflict ng commensurate force,” paliwanag niya.

Iginiit naman ni Atty. Rafael Rivera ang prinsipyo ng necessity.

“You may use force as it is necessary,” aniya, sabay sabing ang kilos ng driver sa video ay maaaring ituring na banta na nangangailangan ng agarang aksyon ng kapulisan.

Dagdag pa ni Rivera, base sa nakikitang sitwasyon, makatwiran ang pagpigil sa sasakyan.

“Nakikita natin do’n sa sitwasyon, necessary gumamit ng force… dahil nagpo-pose na ng threat ‘yung pagmaneho niya ng sasakyan,” aniya.

Tinalakay rin ng panel ang posibleng kaso kung mapatutunayang ilegal ang pagkakuha ng sasakyan. Ayon kay Atty. Marian Cayetano, maaaring kasuhan ang driver ng carnapping.

“And then kung meron pong force and intimidation, higher po ang penalty,” paliwanag niya.

Kung may taong nabangga o ari-ariang nasira habang tumatakas ang driver, sinabi ni Atty. Bernadette Maybituin na mahalaga ang intensyon.

“Kung may deliberate intent… pwedeng malicious mischief,” aniya, at idinagdag na kung ito ay dahil sa reckless negligence, maaaring pumasok ang kasong reckless imprudence na may kaakibat na pinsala o kamatayan.

Sa pagtatapos ng talakayan, nagpaalala si Boy Abunda laban sa mabilis na paghuhusga batay lamang sa viral videos.

“We’re so quick to judge base sa ating napapanood sa social media… may tendency tayong gumawa ng sarili nating assumptions,” aniya, na hinikayat ang publiko na unawain muna ang buong konteksto ng bawat insidente.

Ang CIA with BA na pinangungunahan nina Senador Alan at Pia Cayetano at ni Tito Boy ay napapanood tuwing Linggo, alas-11 ng gabi sa GMA7.

CIA WITH BA : VIRAL SUV ARREST RAISES QUESTIONS ON POLICE USE OF FORCE

‘CIA with BA’: Viral SUV arrest raises questions on police use of force

In the first episode of the year, CIA with BA discussed a viral video in its “Tanong ng Pilipino” segment showing police officers blocking an SUV that appeared to be fleeing. The clip, which includes officers breaking the vehicle’s windshield, sparked online debate over police use of force.

A viewer raised the key question: “Kailan pinapayagan ang pulis na gumamit ng ganitong klaseng pwersa?” The video prompted concerns about whether the officers’ actions were legally justified.

Atty. Matt Cesa said the use of force depends on the situation and must be proportionate.

“Kailangan mong gumamit ng force depende sa situation. Kung may danger sa ibang tao, may harm sa sarili mo, ‘di mo magawa ‘yung duty mo, kailangan mong mag-inflict ng commensurate force,” he explained.

Atty. Rafael Rivera stressed the principle of necessity.

“You may use force as it is necessary,” he said, adding that the driver’s actions in the video could already pose a threat requiring police intervention.

Rivera further noted that based on what was shown, stopping the vehicle was warranted.

“Nakikita natin do’n sa sitwasyon, necessary gumamit ng force… dahil nagpo-pose na ng threat ‘yung pagmaneho niya ng sasakyan,” he said.

The panel also discussed possible charges if the vehicle was illegally obtained. Atty. Marian Cayetano said the driver may be charged with carnapping.

“And then kung meron pong force and intimidation, higher po ang penalty,” she added.

If a person or property was hit during the chase, liability would depend on intent, according to Atty. Bernadette Maybituin.

“Kung may deliberate intent… pwedeng malicious mischief,” she said, noting that reckless negligence could lead to charges of reckless imprudence resulting in damage, injury, or death.

Concluding the discussion, Boy Abunda cautioned against quick judgments based on viral clips.

“We’re so quick to judge base sa ating napapanood sa social media… may tendency tayong gumawa ng sarili nating assumptions,” he said.

CIA with BA, led by Senators Alan and Pia Cayetano, and Abunda, airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.


CIA WITH BA : SIKRETONG CCTV SA OPISINA LEGAL BA?

CIA with BA’: Sikretong CCTV sa opisina, legal ba?

Ang workplace surveillance ay maaaring magmukhang simpleng hakbang para sa seguridad, ngunit ang paglalagay ng CCTV nang walang tamang abiso ay maaaring magdulot ng seryosong legal na pananagutan sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Naging usapin ito matapos ikuwento ni Aya ng MariTeam ang tungkol sa isang kaibigan na nagbukas ng negosyo at naglagay ng CCTV upang maiwasan ang posibleng pagnanakaw ng mga empleyado.

Dito na itinapat ni Aya ang mahalagang tanong: “Legal po ba na maglagay ng CCTV sa opisina na hindi ipinapaalam sa mga empleyado?”

Ayon kay Atty. Marian Cayetano, ang ganitong gawain ay maaaring lumabag sa Data Privacy Act.

“Actually, pwede talaga siyang maging violation ng Data Privacy Act,” aniya.

Ipinaliwanag niya na obligasyon ng employer na ipaalam sa mga manggagawa ang paglalagay ng CCTV at maaari ring maglagay ng malinaw na abiso.

“Kailangang ipaalam ng employer na may ikakabit siyang CCTV do’n sa kanyang business at pwede ring maglagay ng notification [na nagsasabing] ‘This establishment is equipped by CCTV,’” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Atty. Cayetano na mahalaga ang transparency dahil ang CCTV ay kumokolekta ng personal na datos.

“Importante talaga na nano-notify ‘yung mga tao kasi ang CCTV, nag-ga-gather ‘to ng personal data so importanteng alam at hindi nakaka-violate ng privacy,” paliwanag niya.

Samantala, binanggit ni Atty. Rafael Rivera ang pinakabagong circular ng National Privacy Commission na nagsasaad na kinakailangang may signage na nag-aabiso sa lahat at hindi maaaring itago o i-store nang matagal ang CCTV footage.

“Kung sakaling kailangan ‘to gamitin, dapat hingin ito sa may-ari at hindi basta-basta ipo-post [sa social media],” aniya.

Paglilinaw ni Atty. Rivera, bagama’t may karapatan ang mga negosyante na protektahan ang kanilang negosyo, dapat ay may makatwirang layunin ang paggamit ng CCTV.

“May management prerogative din kasi so karapatan ng nagnenegosyo na protektahan ang negosyo niya,” aniya—paalala na ang seguridad ay hindi dapat isinasakripisyo ang karapatan sa privacy.

Ang ‘CIA with BA’ na pinangungunahan nina Senador Alan at Pia Cayetano at ni Boy Abunda ay napapanood tuwing Linggo, alas-11 ng gabi sa GMA7.