SA KABILA NG KUMPIRMASYONG MAG-ON NA RAW SINA DANIEL AT KAILA, NANATILING TAHIMIK PAREHO ANG KAMPO NG DALAWA


TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalawa o may relasyon na! Kinumpirma ito ni Ogie Diaz sa isa sa kanyang online show kamakailan.

Simulang umariba ang naturang pagkumpirma ay tila walang nakukuhang reaksiyon ang entertainment media kung sila na ba o haka-haka lang.

Bago pa man ito ay marami na ang nakapagsabing nakikitang nagde-date daw sina Daniel at Kaila at nagkikita paraw sa Rockwell area kung saan nakatira si Daniel.

Para sa akin, wala akong nakikitang problema kung may relasyon na nga sina Daniel at Kaila. 

Pareho naman silang loveless at wala akong nakikitang balakid uoang hindi nila ipadama sa isa't isa ang pagmamahalan.

Yun nga lang, maraming fans parin ng KathNiel ang nagsasabing hindi pa rin nila matanggap na mayroon ng bagong lovelife si Daniel. 

May isang fan pa nga'ng nagsabing hanggang sa huling hininga niya raw ay KathNiel parin ang inaasahan niyang magkakatuluyan sa huli! 

Yun na! 
 

YOUNG AND ENERGETIC SINGER-ACTOR DWAYNE GARCIA FINALLY LAUNCHED HIS LATEST SINGLE ' PARA NA MUNA ' UNDER STAR MUSIC PHILIPPINES

 

Energetic and young singer-actor Dwayne Garcia finally launched his latest-2nd single titled ' Para Na Muna ' last thursday sa 10 Plates Resto along Scout Tobias, Quezon City.

Isang production number ang bungad sa amin ni Dwayne habang kinakanta at sinasayaw niya ang kanyang latest single na sinulat at nilapatan ng tunog ng award-winning music composer and movie director na si Joven Tan.

Sa bagong kanta ni Dwayne ay naging deretsahan ang 15 years old newbie sa music scene sa pagsasabing para daw sa mga pagod ng umibig ang kantang ito. Sinasabi diumano ng kanta na ' Para Na Muna ' at pahinga muna o teka muna at break muna at huminga.

Beautiful ang song na halatang pang-bagets ang tema but still, tayong mga medyo hindi naman na bagets ay sigurado akong makaka-relate din!

Last year pala ay inilunsad na ni Dwayne ang kanyang 1st single na ' Taym Pers Muna ' kung saan si Joven Tan pa rin ang nag-composed nito.

Present naman si Jonathan Manalo ng Star Music kung saan inamin mismo ni Jonathan na kaya sila patuloy na sumusuporta kay Dwayne dahil mahusay diumani ito bilang isang singer lalo na diumano sa mga komposisyong gawa ni Joven Tan pa ang kinakanta nito!

Hapoy si Dwayne dahil well-attended ang kanyang single launched. Higit sa lahat ay masayang-masaya diumano siya sa todo-suportang binibigay sa kanya ng kanyang mga magulang para sa pangarao niya.

Aside from recording ay nailunsad na rin si Dwayne sa pelikulang ' Outside De Familia ' kung saan gumanap siyang anak ni Gelli De Belen sa direksiyon ni Joven Tan.

All the best Dwayne!

PUWEDE BANG IDEMANDA ANG GOBYERNO DAHIL SA HINDI NATAPOS NA DRAINAGE PROJECT?

Pwede bang idemanda ang gobyerno dahil sa hindi natapos na drainage project?

Mga butas na iniwan ng drainage project, mga batang nahuhulog, at mga opisyal na mabagal kumilos — sino ang dapat managot?

Ito ang nakakabahalang realidad na tinalakay sa Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA), kung saan tinanong ng mga residente kung maaari nga bang idemanda ang gobyerno dahil sa mga iniwang butas na patuloy na nagdudulot ng peligro.

Dumulog si Cherielyn matapos mahulog ang kanyang walong taong gulang na anak sa isang malaking butas na iniwan ng drainage project sa kanilang lugar. “Bigla po siyang tinulak. ‘Di ko naman po masisisi kasi 5 years old pa lang po ‘yon. So nahulog po ‘yung anak ko,” pagbabahagi niya.

Laking pasalamat niya na walang matutulis na bakal sa loob ng butas. “Buti na lang po ‘yung butas na ‘yon, wala po siyang bakal. Pinagpasensyahan ko po ‘yung bata pero sinabi po nung mga kapitbahay dun sa nanay,” dagdag pa niya.

Ilang araw ang lumipas, gumanti naman ang kanyang anak at itinulak ang mas batang kalaro sa parehong butas. Nag-ugat dito ang alitan sa pagitan ni Cherielyn at ng nanay ng bata, na lalong nagpatindi sa problema sa kanilang komunidad.

Hindi lang sila ang naapektuhan. “May nahulog na [ring] naka-bike. May nahulog nang bata na nagka-leptospirosis… Tapos may nahulog po na aso,” kuwento ni Cherielyn, na inaming wala pa ring aksyon kahit idinulog na nila sa barangay ang reklamo.

Ipinaliwanag ni Senador Alan Cayetano na malinaw sa batas na may pananagutan ang gobyerno sa ganitong kapabayaan. “Nasa batas ‘to mismo… pagka ganyan na may mga butas, mga manhole na naka-open, at meron naaksidente at kasalanan [ng gobyerno] kasi nga iniwan na bukas, pwede mong [idemanda] ‘yung gobyerno,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, kung proyekto ng barangay o lungsod, pananagutan ito ng LGU; kung national project naman, responsibilidad ito ng DPWH. Aniya, dapat magsilbing wake-up call ito sa mga opisyal para bigyan ng higit na pansin ang kaligtasan ng publiko.

Sa huli, nagbigay siya ng payo sa mga mamamayan: “At ang isa kong advice sa ating mga citizens, just be respectful pero i-post niyo rin [sa social media].”

Ang CIA with BA, na pinangungunahan nina Sen. Alan at Pia Cayetano kasama si Boy Abunda, ay napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV

UNFINISHED DRAINAGE : CAN YOU ACTUALLY SUE THE GOVERNMENT?

Unfinished drainage project: Can you actually sue the government?

Open pits on the road, children falling in, and officials slow to act — who should be held responsible?

This was the disturbing reality raised on ‘Cayetano in Action with Boy Abunda’ (CIA with BA), as residents asked whether they could sue the government for leaving unfinished drainage works that continue to endanger lives.

Cherielyn sought advice after her eight-year-old son fell into a large pit left uncovered in their neighborhood. “Bigla po siyang tinulak. ‘Di ko naman po masisisi kasi 5 years old pa lang po ‘yon. So nahulog po ‘yung anak ko,” she shared.

She was grateful that no sharp metal rods were inside the hole. “Buti na lang po ‘yung butas na ‘yon, wala po siyang bakal. Pinagpasensyahan ko po ‘yung bata pero sinabi po nung mga kapitbahay dun sa nanay,” she added.

Days later, however, her son retaliated, pushing the younger child into the same pit. This sparked conflict between Cherielyn and the child’s mother, turning the drainage hazard into a community dispute.

Other residents also suffered. “May nahulog na [ring] naka-bike. May nahulog nang bata na nagka-leptospirosis… Tapos may nahulog po na aso,” she revealed, frustrated that barangay complaints had yet to bring action.

Senator Alan Cayetano explained that the law clearly holds authorities accountable. “Nasa batas ‘to mismo… pagka ganyan na may mga butas, mga manhole na naka-open, at meron naaksidente at kasalanan [ng gobyerno] kasi nga iniwan na bukas, pwede mong [idemanda] ‘yung gobyerno,” he said.

He clarified that liability falls on the LGU if the road or drainage is under local jurisdiction, or the DPWH if it is part of a national project. He also called it a wake-up call for government officials to prioritize public safety.

Finally, Cayetano advised citizens to act responsibly but not stay silent. “At ang isa kong advice sa ating mga citizens, just be respectful pero i-post niyo rin [sa social media],” he reminded.

CIA with BA, hosted by siblings Sen. Alan and Pia Cayetano with Boy Abunda, airs Sundays at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV every Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA : TATAY POSIBLENG MANAGOT SA PAG-UDYOK NG SUNTUKAN NG ANAK AT MGA KA-KLASE

CIA with BA’: Tatay, posibleng managot sa pag-udyok ng suntukan ng anak at mga kaklase

Isang viral video kung saan makikitang inudyukan ng isang tatay ang mga kaklase ng kanyang anak na makipag-suntukan sa anak niya ang naging sentro ng mainit na talakayan sa programang Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA). Tinalakay ito sa segment na Tanong ng Pilipino, kung saan ipinaliwanag ng mga legal experts ang posibleng pananagutan ng naturang magulang.

“Ano ang pananagutan ng isang magulang kung siya mismo ang nag-udyok o pumayag sa makipag-away ang kanyang anak sa ibang bata?” tanong ng isang viewer na nagsilbing panimula ng diskusyon.

Ayon kay Atty. Marian Cayetano, maaaring makasuhan ang mga magulang na nag-uudyok ng suntukan sa pagitan ng kanilang anak at mga kaklase. “‘Pag inudyukan mo kasi ang anak mo na makipag-away sa iba, pwede kasing makasuhan siya criminally and civilly,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, “Isa sa mga pwedeng maikaso sa kanya is child abuse. Bakit? Kasi inilagay niya ‘yung anak niya sa isang sitwasyon na may karahasan.”

Ipinunto rin ni Atty. Matt Cesa na kahit hindi direktang sangkot ang magulang sa pisikal na aksyon, maaari pa rin itong managot sa ilalim ng batas. “Meron kasi tayong concept sa criminal [case] na principal inducement. So hindi ikaw mismo ‘yung gumawa ng krimen pero ikaw ‘yung nag-udyok e. If ever natuloy ‘yung away, nagkaroon ng sakitan, nagkademandahan.. pwedeng ma-involve ‘yung tatay as a principal do’n sa criminal case,” paliwanag niya.

Dagdag pa rito, maaari ring maghain ng reklamo ang mga magulang ng ibang bata kung natuloy ang suntukan. Ayon kay Atty. Bernadette Maybituin, “Meron din concept kasi under the new Civil Code na parental authority. So may vicarious liability ang mga magulang. Kung mag-fa-file man sila ng kaso, pwede nilang sampahan ng damages kasi [‘yung tatay] ang may parental authority over minors.”

Sa pagtatapos ng usapan, nagpaalala si Boy Abunda: “Ang ating natutunan dyan: hindi solusyon na ‘pag may problema ang mga menor de edad na bata ay, ‘O sige, magsabunutan kayo diyan!’ O kaya, ‘Magsuntukan kayo!’ Because you’re putting the children or the kids in danger.”

Muling binigyang-diin ng CIA with BA na ang responsibilidad ng mga magulang ay ang paggabay sa kanilang mga anak tungo sa ligtas at maayos na pagresolba ng alitan—hindi ang pag-udyok ng karahasan.

Ang CIA with BA—na pinangungunahan ng magkapatid na sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, kasama si Boy Abunda—ay nagpapatuloy sa adbokasiya ng yumaong Sen. Rene Cayetano. Mapapanood ito tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.

CIA WITH BA : DAD FACES LIABILITY FOR URGING SON'S FISTFIGHT

CIA with BA’: Dad faces liability for urging son’s fistfight

A viral video showing a father urging his son’s classmates to engage in a fistfight with his son has raised serious legal questions on the program Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA). The incident was discussed in the show’s Tanong ng Pilipino segment, where experts shed light on the possible consequences of such actions.

“Ano ang pananagutan ng isang magulang kung siya mismo ang nag-udyok o pumayag sa makipag-away ang kanyang anak sa ibang bata?” a viewer asked, setting the tone for the discussion.

According to Atty. Marian Cayetano, parents who encourage their children to engage in a fistfight with classmates may face both criminal and civil charges. “‘Pag inudyukan mo kasi ang anak mo na makipag-away sa iba, pwede kasing makasuhan siya criminally and civilly,” she explained. She added, “Isa sa mga pwedeng maikaso sa kanya is child abuse. Bakit? Kasi inilagay niya ‘yung anak niya sa isang sitwasyon na may karahasan.”

Atty. Matt Cesa echoed this, noting that even if the parent did not personally commit the act, the law recognizes “principal inducement.” He explained, “Meron kasi tayong concept sa criminal [case] na principal inducement. So hindi ikaw mismo ‘yung gumawa ng krimen pero ikaw ‘yung nag-udyok e. If ever natuloy ‘yung away, nagkaroon ng sakitan, nagkademandahan.. pwedeng ma-involve ‘yung tatay as a principal do’n sa criminal case.”

The issue also extends to possible complaints from the parents of the other children involved. If the fistfight between the children had taken place, they would have grounds to file cases against the father. As Atty. Bernadette Maybituin clarified, “Meron din concept kasi under the new Civil Code na parental authority. So may vicarious liability ang mga magulang. Kung mag-fa-file man sila ng kaso, pwede nilang sampahan ng damages kasi [‘yung tatay] ang may parental authority over minors.”

Wrapping up the discussion, Boy Abunda reminded viewers of the greater lesson: “Ang ating natutunan dyan: hindi solusyon na ‘pag may problema ang mga menor de edad na bata ay, ‘O sige, magsabunutan kayo diyan!’ O kaya, ‘Magsuntukan kayo!’ Because you’re putting the children or the kids in danger.”

Through this conversation, CIA with BA emphasized once again that parental responsibility includes guiding children toward safe and constructive conflict resolution—never toward violence.

‘CIA with BA’--led by sibling senators Alan and Pia Cayetano, together with Abunda–continues the advocacy of the late Sen. Rene Cayetano. The program airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays every Saturday at 10:30 p.m. on G

CIA WITH BA : LEGAL BA ANG PAGBEBENTA O PAGPAPA-AMPON NG ANAK SA SOCIAL MEDIA?

CIA with BA’: Legal ba ang pagbebenta o pagpapampon ng anak sa social media?

Sa panahon ngayon na halos lahat ay naibebenta online, isang viral na video ang umani ng batikos matapos ipakita ang isang magulang na ibinebenta umano ang kanyang anak sa social media. Ang nakakagulat na insidenteng ito ang naging paksa sa segment na Tanong ng Pilipino ng Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA), kung saan tinalakay nina Boy Abunda at ng mga legal experts ng programa ang tanong: legal ba na ipaampon o ibenta ang isang bata gamit ang social media?

Unang sinagot ang isyu kung maituturing bang valid ang adoption kung ito ay ginagawa o inaanunsyo lang sa pamamagitan ng isang online post.

Ayon kay Atty. Marian Cayetano, nagiging legal lamang ang adoption kapag dumaan ito sa tamang proseso at ahensya ng gobyerno. “Nagiging legal ang adoption kapag ito ay dumaan sa proseso—sa DSWD. Hindi po basta-basta pino-post lang sa social media,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, mas mabigat na kaso ang pagbebenta ng bata. “At ‘yun namang pagbebenta, papasok na siya sa trafficking. ‘Pag ang adoption ay may kapalit na pera, trafficking na ang tawag don,” diin ni Atty. Marian.

Isa ring tanong ng mga nakapanood ng video ay kung maaari ba itong maituring na child abuse o abandonment.

“It can be considered, kasi ‘yung child abuse includes exploitation,” sabi ni Atty. Matt Cesa. “The fact na parang pinapamigay mo na ‘yung anak mo—parang ginawa mong commodity ‘yung bata—ine-exploit mo siya.”

Ngunit magkaiba ito sa depinisyon ng abandonment“For abandonment, ibang usapan kasi siya. Dapat clear na iniwan mo na ‘yung bata, sinever mo na ‘yung ties, wala ka nang intensyon na balikan siya o alagaan. Kumbaga, iniwan mo siya ng walang alternative na mag-aalaga,” paliwanag niya.

Malinaw ang naging diskusyon: nagiging legal lamang ang adoption kung dumaan ito sa tamang proseso sa DSWD, samantalang ang pagbebenta ng bata ay pasok sa trafficking. Gaya ng binigyang-diin ni Atty. Matt Cesa, ang pagtrato sa isang bata na “parang ginawa mong commodity” ay malinaw na isang uri ng exploitation at maaaring maituring na child abuse. Sa huli, ipinapaalala ng episode na ang mga bata ay hindi pag-aari na maaaring ipamigay o ibenta online, kundi mga indibidwal na may karapatang dapat laging unahin at pangalagaan.

Pinangungunahan ng magkapatid na sina Senador Alan at Pia Cayetano, kasama si Tito Boy, ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa adbokasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano. Mapapanood ito tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.


CIA WITH BA : IS IT LEGAL TO SELL OR GIVE-UP CHILD ON SOCIAL MEDIA?

CIA with BA’: Is it legal to sell or give up a child on social media?

In the age of social media where almost anything can be bought and sold online, a viral video shocked netizens after a parent appeared to sell their own child through a post. This disturbing case became the subject of discussion in the Tanong ng Pilipino segment of Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA), where Boy Abunda and the program’s legal experts weighed in on the question: is it legal to give up or even sell a child on social media?

The first issue raised was whether adoption becomes valid if announced or facilitated through a social media post.

According to Atty. Marian Cayetano, adoption only becomes legal once it goes through the proper process with government agencies. “Nagiging legal ang adoption kapag ito ay dumaan sa proseso—sa DSWD. Hindi po basta-basta pino-post lang sa social media,” she clarified.

She further explained that selling a child falls into an even more serious offense. “At ‘yun namang pagbebenta, papasok na siya sa trafficking. ‘Pag ang adoption ay may kapalit na pera, trafficking na ang tawag don,” Atty. Marian stressed.

Another concern raised by viewers was whether such a post could be considered child abuse or abandonment.

“It can be considered, kasi ‘yung child abuse includes exploitation,” said Atty. Matt Cesa. “The fact na parang pinapamigay mo na ‘yung anak mo—parang ginawa mong commodity ‘yung bata—ine-exploit mo siya.”

However, abandonment has a distinct legal definition. “For abandonment, ibang usapan kasi siya. Dapat clear na iniwan mo na ‘yung bata, sinever mo na ‘yung ties, wala ka nang intensyon na balikan siya o alagaan. Kumbaga, iniwan mo siya ng walang alternative na mag-aalaga,” he explained.

The discussion made it clear: adoption is only legal when processed through proper government channels like the DSWD, while selling a child falls under trafficking. As Atty. Matt Cesa emphasized, treating a child “parang ginawa mong commodity” is already exploitation and can be considered child abuse.

In the end, the episode served as a strong reminder that children are not possessions to be given away online but individuals whose rights and welfare must always come first.

‘CIA with BA’--led by sibling senators Alan and Pia Cayetano, together with Tito Boy–continues the advocacy of the late Sen. Rene Cayetano. The program airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays every Saturday at 10:30 p.m. on GTV

TINAWAG KANG BOBO SA GC, PWEDENG KASUHAN?

TINAWAG KANG ‘BOBO’ SA GC, PWEDENG KASUHAN?

Hindi lahat ng alitan sa trabaho ay natatapos lang sa loob ng opisina — madalas, umaabot din ito online, lalo na sa mga group chat. Pero paano kung ang isyu ay nagiging personal at nakaka-offend? Pwede ka bang magsampa ng kaso kung ikaw ay ininsulto ng iyong katrabaho?

Ito ang concern ni Emilio mula Marikina na nagtanong sa segment na Tanong ng Pilipino ng Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA): “Nabasa ko po sa GC (group chat) na tinawag akong ‘bobo’ ng isa kong officemate dahil daw hindi ako magaling mag-English, kaya hindi ako mapromote-promote. Pwede ko po ba silang kasuhan?”

Ipinaliwanag ng legal expert na si Atty. Sari Reyes na may ilang kaso na maaaring isampa sa ganitong sitwasyon, ngunit isang partikular na remedyo ang tumutugma dito: libel, lalo na ang cyberlibel.

“Yes. Marami po tayong pwedeng ikaso pero in this case, ang gusto ko pong i-discuss ay libel, particularly cyberlibel, dahil nagawa po ito online,” ani Reyes.

Dagdag pa niya, kahit na sa group chat lang nasabi ang insulto, pasok pa rin ito sa requirement ng batas na tinatawag na publicity. “Although sa group chat po ito nasabi, meron pa rin pong publicity requirement na na-satisfy sa ating batas kasi meron po tayong Supreme Court case na sinasabi na basta merong ibang tao na makakita – na hindi siya ‘yung dapat makakita o ‘yung pinagsasabihan – already qualifies us for a public act.”

Ipinaliwanag pa ni Reyes ang iba pang elemento ng libel: dapat ito ay nakakasira ng reputasyon, malinaw na matukoy kung sino ang pinapatungkulan, at may paratang na krimen, bisyo, o kapintasan. Sa kaso ni Emilio, aniya, malinaw na present ang lahat ng elementong ito.

Nagbigay naman ng mas malawak na pananaw si Boy Abunda hinggil sa isyu.

Aniya, “Hindi po nangangahulugan na [dahil] marunong kang mag-Ingles, matalino ka, or hindi ka marunong mag-Ingles, hindi ka matalino. It doesn’t follow. Mahabang paliwanag po ito dahil may pagka-cultural. Kaya ‘wag nating isipin na ang kaisa-isang basehan ng pagiging matalino ay pagsasalita ng Ingles.”

Sa talakayang ito, muling ipinakita ng CIA with BA hindi lang ang mga legal na hakbang na maaari mong gawin sa panahon ng digital age, kundi pati na rin ang kahalagahan ng pagbuwag sa stereotype na ang talino ay nasusukat lang sa kahusayan sa pagsasalita ng Ingles.

Pinangungunahan ng magkapatid na sina Senador Alan at Pia Cayetano, kasama si Tito Boy, ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa adbokasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano. Mapapanood ito tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV

CIA WITH BA : CAN YOU SUE AN OFFICEMATE WHO CALLS YOU BOBO?

CIA with BA’: Can you sue an officemate who calls you ‘bobo’?

Conflicts at work don’t always stay inside the office — they can also erupt online, especially in group chats. But what if the issue becomes personal and offensive? Can you actually take legal action if you’re insulted by a colleague?

This was the concern of Emilio from Marikina, who asked in the Tanong ng Pilipino segment of Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA): “Nabasa ko po sa GC (group chat) na tinawag akong ‘bobo’ ng isa kong officemate dahil daw hindi ako magaling mag-English, kaya hindi ako mapromote-promote. Pwede ko po ba silang kasuhan?”

Legal expert Atty. Sari Reyes explained that there are possible cases that may be filed in such situations, but one specific legal remedy stands out: libel, particularly cyberlibel.

“Yes. Marami po tayong pwedeng ikaso pero in this case, ang gusto ko pong i-discuss ay libel, particularly cyberlibel, dahil nagawa po ito online,” she said.

Reyes pointed out that even though the insult was made within a group chat, the law’s requirement of publicity is still satisfied. “Although sa group chat po ito nasabi, meron pa rin pong publicity requirement na na-satisfy sa ating batas kasi meron po tayong Supreme Court case na sinasabi na basta merong ibang tao na makakita – na hindi siya ‘yung dapat makakita o ‘yung pinagsasabihan – already qualifies us for a public act.”

She further explained the other elements of libel: the statement must be defamatory or damaging to a person’s reputation, the subject must be identifiable, and the remark must impute a crime, defect, or vice. In Emilio’s case, these elements were clearly met.

For his part, Boy Abunda offered a broader cultural reflection on the issue.

“Hindi po nangangahulugan na [dahil] marunong kang mag-Ingles, matalino ka, or hindi ka marunong mag-Ingles, hindi ka matalino. It doesn’t follow. Mahabang paliwanag po ito dahil may pagka-cultural. Kaya ‘wag nating isipin na ang kaisa-isang basehan ng pagiging matalino ay pagsasalita ng Ingles,” said the award-winning TV host.

Through this discussion, CIA with BA highlighted not only the legal remedies available in the digital age but also the importance of dismantling stereotypes that equate intelligence solely with fluency in English.

‘CIA with BA’--led by sibling senators Alan and Pia Cayetano, together with Tito Boy–continues the advocacy of the late Sen. Rene Cayetano. The program airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays every Saturday at 10:30 p.m. on GTV.