HONEY LOVE JOHNSON LOVES MUSIC
XIA VIGOR IS VIVA'S NEXT BIG GEM
UPLOADING MOVIE NI DIREK JOVEN TAN KAABANG-ABANG
MB40 AT DIVANATION MAGSO-SHOWDOWN SA 42ND ANNIVERSARY NG MUSIC BOX
Balita ko ay dibdiban na ang paghahanda ng dalawang grupo para sa naturang showdown kung saan pahusayan ang labanan at kabogan sa bosesan!
Sila ang grupong binuo ni Jerick Dragido-ang kanilang manager at owner ngsyon ng Music Box Timog.
Mga produkto ng naglalakihang singing contest ng bansa tulad ng Tanghalan Ng Kampeon, Tawag Ng Tanghalan, The Clash at WCOPA.
Anu-anong pang-bardagulang kanta kaya ang inihahanda ng dalawang grupo? Anu-ano kaya ang piyesang inihahanda nila para sa May 14?
Ang sigurado ako, naku, papalakpakan mo nalang talaga sila dahil mahuhusay naman talaga ang MB40 at DIVANATION!
Talento at husay! Taglay nila! Promise yan!
MUSIC BOX TIMOG PATULOY ANG PAGKINANG SA MUNDO NG COMEDY BARS
MULA LUNES HANGGANG LINGO! ISANG BUONG LINGO NG SELEBRASYON PARA SA 42ND YEAR ANNIVERSARY NG THE NEW MUSIC BOX POWERED BY THE LIBRARY NGAYONG MAYO!
YES! Naglalakihang production nunber ang inihahanda ng lahat ng regular host ng Music Box. Kanya-kanyang eksena ang mangyayari simula May 11 hanggang May 15. Pasikatan ang mangyayari na pinaghahandaan talaga nila dahil naglalakihang premyo rin ang naghihintay sa kanila.
For the past 2 years, simulang naipasa na sa bagong owner ang Music Box, taon-taon ay nagkakaroon sila ng ganitong eksena sa comedy bar na patuloy namang sinusuportahan ng mga loyalistang patuloy na nagmamahal sa kauna-unahang comedy bar ng bansa.
Just imagine! Hindi biro ang 42 years sa mundo ng comedy bars. Kaya naman dahil sa patuloy na pag-ariba ng Music Box until now ay hindi nila pinapalampas ang bawat anniversary nito just to give back laughs and happiness.
This year, level-up sa production ang magaganap na ngayon palang ay marami na ang nakaabang!
Narito ang schedule ng mga kaganapan!
42 Years and just getting started! 🎤🔥
Join us for a week-long celebration at The New Music Box Powered by The Library Comedy Bar (Timog)!
From iconic tributes to powerhouse performances, our 42nd Anniversary week is going to be legendary.
THE MAIN EVENTS:
📅 May 11: SexboMB Rwnd 42
📅 May 12: The Song Book Icons
📅 May 13: Popstar Champions
📅 May 14: It is 80’s
📅 May 15: DIVANATION vs. MB40
📅 May 16: Special Artist
📅 May 17: 42nd ANNIVERSARY DAY
Sure kaming siksik-liglig ang entertainment dito!
📲 Message us to secure your spot today!
#MusicBox42 #TheLibraryTimog #AnniversaryWeek #QuezonCityNightlife
MUSIC BOX COMEDY BAR WILL CELEBRATE 42ND YEAR ANNIVERSARY THIS MAY 17
Fashion Week meets the Comedy Capital! ✨
We’re celebrating 42 legendary years of Music BoX powered by The Library Comedy Bar, and we’re doing it with total glitz, glam, and show-stopping performances.
Expect the unexpected—plus some massive surprise guests you won’t want to miss! 🎤🔥
📅 May 17, 2026 | 8:00 PM 📍 #1 Timog Ave, Quezon City
📞 RSVP: 0939-972-0622 or DM your favorite in-house artist!
Don’t just attend—Slay the night. Be the Icon. 💅✨
MARGARET DIAZ KABOGERANG NEWCOMER ACTRESS NG VIVAMAX!
Baguhan man pero palaban at walang inaatrasan!
Ganyan kung i-describe ng kanyang mga tagahanga si Margaret.
Isant palavan, walang aatrasang eksena at totoong kabogera ng kanyang henerasyon sa bakuran ng Vivamax.
Simulang bumulagta ng kanyang alindog sa remake ng erotic film na ' Balahibong Pusa ' with Itan Rosales, bubukaka naman ngayong taon ang kanyang husay sa pag-arte sa another remake film na ' Warat ' kung saan si Itan Rosales parin ang kanyang leading man huh!
Mapapa-wow ka nalang sa naga-gandahang projects ni Margaret sa Vivamax na sigurado akong kinaiinggitan na siya ngayon ayon na rin sa pag-usbong ng balitang pavoritong-paborito siya ngayon ng mga big bosses ng naturang movie comoany!
Well, ganoon talaga! Kanya-kanyang flavors yan at flavor of the month or year! Ganyan naman talaga ang showbuz. Maaring panahon mo today and tomorrow na kapag hindi mo niyakap, naku, that will not lasts!
Basta ang alam ko, alam ko ha. Super fresh ni Margaret. Super ganda. Seksi at mahusay umarte!
Nasa pangangalaga siya ngayon ni Len Carrillo ng 316 Media Network!
KURT VENERACION ADONIS NG VMX
Kurt Veneracion Adonis ng VMX
Pang-wholesome ang hitsura ng baguhang aktor na si Kurt Veneracion. Maituturing siya guwapings o Adonis sa VMX.
Marami kasi ang nagsasabi sa kanya na puwede siyang mag-artista at ‘wag sayangin ang kabataan at kaguwapuhan.
Mina-manage siya ngayon ni Ma’am Len Carrillo , producer at talent manager ng 3:16 Media Network. Bida siya sa pelikulang ‘Sagaran’ kasama sina Ashley Lopez,Marco Gomez, Mon Mendoza at Yda Manzano.
Bakit niya pinasok ang VMX kaysa maging wholesome ang image?
“Mabilis po kasi ang oportunidad dito lalo na bilang first film at lead role po. Stepping stone po para mapansin sa industriya. Challenge ito sa sarili ko para maipakita ang acting range ko.
“Bukod pa rito, mas malaya ang platform sa mature at daring roles, kaya mas marami akong natutunan at mas na-explore ko ang craft ko kumpara sa mas safe o conservative na wholesome projects,” deklara ni Kurt.
Naniniwala siya na matindi at maraming kakumpitensya sa pagiging wholesome.Gusto niya na mabilis na ma-penetrate ang showbiz.
Kumusta ang experience niya sa paggawa ng ‘Sagaran’?
“Na-overwhelming ako sa simula kasi lead agad ang role ko at first film ko ito. Sabay-sabay na dumating ang pressure at expectation. Mabigat pero sobrang fulfilling ang experience dahil kinailangan kong mag-adjust sa workload at sa overall na takbo ng trabaho sa set.
“Maraming moments na challenging at nakakapagod, pero doon ko rin mas natutunan kung paano maging mas disiplinado, patient, at open sa learning process.
“Sa buong experience, mas naintindihan ko kung gaano kahalaga ang teamwork at respeto sa bawat tao sa production. Hindi lang ito tungkol sa performance, kundi sa commitment at consistency hanggang matapos ang proyekto, kaya thankful ako sa mga natutunan at sa pagkakataong maging bahagi ng pelikulang ito,” lahad niya.
Anong unang reaksyon niya nang sahihing maghubad siya?
“Medyo nakakahiya nga nu’ng una, pero habang tumatagal, naging comfy na kasi ginagawa naman natin ito sa personal na buhay. Natutunan kong i-focus ang isip sa role at sa eksena kaysa sa sarili ko, kaya unti-unti na rin nawala ‘yung awkwardness at na-deliver ko nang maayos ang performance,” tugon niya.
Hirit pa niya, malaki rin kasi ang tiwala niya kay Direk Sid Pascua. Palabas na ngayon sa VMX ang naturang pelikula.
Sino ang showbiz crush niya at gustong makasama sa Viva?
“ Crush ko si Ashtine Olviga. Bukod kasi sa talented siya , pangarap ko na makasama ang AshDres sa project nila. Kahit pampagulo sa kanila o third wheel. He!he!he,” bulalas pa ni Kurt na tumatawa.
Anong reaksyon niya ‘pag sinabing guwapings sa VMX?
“’Pag sinabing gwapo ako sa VMX, natural lang na maramdaman mo ‘yung compliment, pero sa totoo lang, wala akong gaanong iniisip. Hindi sa pagmamayabang, sanay naman akong sabihan ng ganun. Sinasabi ko lang madalas, “Wala pa ‘yan,” kasi alam kong marami pa akong pwedeng i-improve sa mukha o sa katawan. Gusto ko mas ma-develop pa ang sarili ko at ang pag-arte kaysa tumutok sa nakikita nilang hitsura ko sa labas,” sey pa niya.
Sa ngayon , gustong mahasa sa pag-arte ni Kurt. Balak niyang pumasok sa summer acting workshop para mas ma-improve ang akting niya. Gusto rin kasi niyang makatawid sa pagpapaseksi na maging wholesome ang proyekto sa tamang panahon.
KING OF THE WORLD SCREENING DATE NGAYONG FEBRUARY 8 NA!
DREAMERS THIS IS YOUR CHANCE !
MARK THE DATE | FEBRUARY 8,2026
King of the World Philippines 2026
SCREENING
VENUE : CORTE IBIZA SUPER CLUB
Tomas Morato , Quezon City
Screening Time : 2 pm
Come in Black Shirt , Denim Jeans , White Snickers ( Rubber Shoes ) bring white trunks or White Briefs and personal hygiene Kit.
See YOU , Good luck and be part of the KING OF THE WORLD PHILIPPINES 2026 !
APPLICANTS must at least 17 years old and must not exceed 35 years of age , with at least 5'7"in height , single or married , and should possess the qualities of a true Filipino King; Arrestingly GOOD LOOKING , Good Physique , has a commanding presence , with KINGLY personality and possesses ROYAL WISDOM and a sense of LEADERSHIP ;
MEG PEREZ
CEO | President
KING OF THE WORLD &
KING OF THE WORLD PHILIPPINES
Credits |
Over All In Charge | Head | Meg Perez
Photographer | Ahleks Fusilero
Designer | Albert Andrada
Creatives | Raymund Ramirez Seranillo
Grooming |
Richard Villafuerte Lupanggo
Nickzen Abrigo Habig
Marian Diaz Fernandez
Supervision | C-Jay Aquino & Shaq Onnel
Layout | Meeko Villa, SCIPH
#Kingoftheworldphilippines2026
#WeareKingoftheWorld
#Screening
#Kingwithamission
#KingOfAllKings
#KOTWPH3rdEdition
#RegallyRavishing
#KingwithIntegrity
#CorteIbizaSuperClub
#MarkthedateFEB8
HON. MARCOS MAMAY NAGSILBING INDUCTING OFFICER SA OATHTAKING NG 2026 PMPC OFFICERS
Hon. Marcos Mamay nagsilbing inducting officer sa oathtaking ng 2026 PMPC officers
- Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa na sa tungkulin
NANUMPA na sa tungkulin ang 2026 newly-elected officers and board members ng PMPC Star Awards, Inc. nitong Biyernes, Enero 30, 2026, sa Japer's Restaurant sa NBS Mall sa Scout Borromeo, Quezon City.
Nagsilbing inducting officer sa PMPC oathtaking ang Vice Mayor ng Nunungan, Lanao del Norte at movie producer na si Hon. Marcos Mamay.
Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Fernan de Guzman, na nagbabalik sa kanyang pang-apat na beses na pamumuno sa grupo.
Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa sa tungkulin ay sina Rodel Fernando, vice president; Eric Borromeo, secretary; Mildred Bacud, assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala, assistant treasurer; Joey Austria, auditor; Evelyn Diao, PRO - English; at Glen Sibonga, PRO - Filipino.
Nanumpa rin ang bagong Board of Directors na sina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.
Proud si Hon. Marcos Mamay na siya ang napili ng PMPC na maging inducting officer ng mga bagong opisyales ng grupo.
Ayon nga kay Mamay, "Malaking karangalan po na maimbita po tayo para mag-administer ng oath sa new officers ng PMPC. So, maraming salamat sa PMPC at sa bagong President na si Fernan de Guzman.
"Sana tuloy-tuloy na ito. Sana maganda ang maging pamamalakad para sa kabutihan ng buong PMPC, ng ating media friends and press. At sana magtagumpay lahat ng mga adhikain natin."
Gayundin, inihayag ni Mamay ang hangarin niyang masuportahan at matulungan ang PMPC lalo na sa pagsasagawa at pag-oorganisa nito ng taunang Star Awards for Movies, Music at Television.
Napili ng PMPC si Mamay na maging inducting officer dahil sa magandang imahe at kredibilidad niya bilang isang public servant pati na rin ang naibibigay niyang ambag sa showbiz industry bilang isang movie producer.
Matapos ang kanyang tatlong termino bilang Mayor ng Nunungan, Lanao del Norte, si Mamay ang kasalukuyang Vice Mayor ng naturang lugar.
Si Mamay ay na-elect na Vice President for Operations ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) noong 29th National Convention sa Manila Hotel. Nagsisilbi rin siyang National Vice President of the League of Municipalities of the Philippines (LMP).
Matagumpay din ang pagpasok ni Mamay sa showbiz bilang movie producer. Ang kanyang inspirational biopic na 'MAMAY: A Journey to Greatness," na kanyang prinodyus ay dinomina ang 73rd FAMAS Awards matapos magwagi ng limang major honors: Best Supporting Actor (Jeric Raval), Best Production Design, Best Musical Score, Best Original Song, at Best Cinematography. Nakatanggap pa si Mamay ng dalawang espesyal na parangal: Film Producer of the Year para sa kanyang Mamay Productions at Presidential Award.
Nagtuloy-tuloy ang pagkamit ng parangal ng pelikula nang ang theme song nitong “Hamon,” composed by Vehnee Saturno, produced by Mamay, and performed by Gerald Santos, ay nanalong Indie Movie Theme Song of the Year sa 41st PMPC Star Awards for Movies. Kinilala rin si Mamay bilang Outstanding Producer at Media Advocate of the Year sa naturang awards night.
Tumatayo rin si Mamay bilang adviser ng Actor's Guild of the Philippines.
Samantala, labis naman ang pasasalamat kay Mamay ng buong PMPC sa pangunguna ni Pangulong Fernan de Guzman.
Hangad din ni De Guzman ang patuloy na pagtatagumpay ng PMPC.
Aniya, "Sana tuloy-tuloy pa rin ang magandang adhikain ng PMPC, ng mga member at officer nito. Bilang nagbabalik na Presidente nito hinahangad ko na maging masagana ang industriya ng pelikulang Pilipino at ng buong showbiz industry.
"Sana rin ay patuloy na mamayani ang pagmamahalan, suportahan, at respetuhan ng lahat ng mga member at officer ng PMPC."
Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnista, bloggers, TV and radio hosts), mula nang itinatag ang organisasyon noong 1960’s. Ang inoorganisa nitong Star Awards for Movies, Television, at Music ay kabilang sa mga inaabangang showbiz events at awards night taun-taon.
DANIEL AT KAILA IWAS POST SA SOCMED NG KANILANG TOGETHERNESS EME! BAKIT KAYA?
OKEY! Wala naman talagang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada na mag-jowa na sila o kung anuman! Ang nangyari kasi, sa dinami-rami ng ebidensiyang naglalabasang mag-jowa na nga sila ay what you see is what yiu get!
Parang hinayaan na nilang ang mata na ng publiko ang magsasabi sa nakikita nito!
Well, as we see, sila na nga at kung anu-ano na nga ang nababalita sa kanila na para bang publiko na rin ang nagkumpirmang sila na at nanghuhusga naman ngayon sa isyung nag-ugat sa isang blind item!
Sabihin na nating sila na nga, marami naman ang nakapansin sa instagram accounts ng dalawa. Sa totoo lang, parehong walang pinopost ang dalawa ng kanilang togetherness huh!
Simulang naging sila, tila walang post si Daniel ng pic nila ni Kaila sa instagram niya ganoon din si Kaila!
Hindi pa ba sila sure sa kabilang pagiging lovers kung bakit iwas post sila ng kanilang togetherness?
Hindi pa ba sila handa o sadyang nag-usap silang huwag na magpost sa kani-kanilang accounts at sasabihin nilang for privacy eme na naman ang lahat?
Tapos pansin din na si Daniel ay hindi tinatanggal ang mga post nito with Kathryn Bernardo huh! I smell something lang! Tapos wala siyang post with Kaila?
Hay naku! When you love, it's love! Then why? Wow! Intrigera lang diba?
Hula-hola-hoop! Respect ika nga nila!
KARLA ESTRADA, DEADMA SA BLIND ITEM ISSUE NG KAINIEL! DEADMA RIN SA ISYU NG MGA ROMUALDEZ! DEADMA NALANG!
Ayon pa sa nasabing blind item na inilabas ng PEP kamakailan lang ay mukhang si Kaila daw ang babaeng tinutukoy at si Daniel naman ang lalakeng sinasabi!
Tinanong ko kasi si Karla sa pamamagitan ng viber kyng trulala na sina Kaila at Daniel nga ba ang nasa blind item ay magpahanggang ngayo'y deadma ang ina bi Daniel Padilla.
Mukhang walang time sagutin ni Karla ang aking tanong kaya naman dalawa lang ang pakiramdam ko'y sagot diyan.
It's either totoo ang tsimis or deadma nalang dahil wala namang katotohanan ang lahat!
Well, lalabas naman sa bandang huli kung ano ang totoo sa hindi!
Baka naman kasi tsika lang! Hay baku! Wait nalang natin ang katotohanan kung sila nga ba ang laman ng tsismis noh!
Plus. Deadma rin si Karla at tahimik din sa isyu ng mga Ronualdez simulat mula huh! Well, again, walang masama sa pande-deadma!
CIA WITH BA: PALAY SA KALSADA, PINARKINGAN! SINONG MAY KASALANAN?
CIA with BA’: Palay sa kalsada, pinarkingan! Sinong may kasalanan?
Umani ng matinding reaksyon online ang viral video kung saan makikitang pinarkingan ng isang kotse ang mga palay na pinapatuyo sa kalsada, na nauwi sa mainit na pagtatalo ng mga sakay ng sasakyan at ng magsasaka.
Ang insidente ay tinalakay sa segment na ‘Tanong ng Pilipino’ ng CIA with BA.
Giit ng magsasaka, kabuhayan niya ang palay at wala siyang ibang mapagpatuyuan.
Ngunit ayon kay Atty. Marian Cayetano, malinaw ang batas.
“Meron talaga tayong batas na nagbabawal sa pagpapatuyo ng kahit anong ani or crops, so kasama na po ‘yung palay,” aniya, kaugnay ng DPWH Department Order No. 73 Series of 2014.
Dagdag pa niya, delikado at sagabal sa daloy ng trapiko ang ganitong gawain.
“Kasi makaka-obstruct po ng daanan. Ang kalsada natin, para talaga ‘yan sa motorista,” babala ni Atty. Marian, na nagsabing maaari rin itong humantong sa aksidente at paglabag sa batas-trapiko.
Gayunman, iginiit niya na hindi dapat mawala ang malasakit.
“Legally, may right ‘yung motorista, pero hindi naman masama na maging compassionate,” ani niya, sabay paalala na iwasan ang pagparada sa mga lugar kung saan may nagpapatuyong palay.
Para kay Boy Abunda, mas malalim ang problema at kailangang tugunan ng pamahalaan.
“Wala ho kasing space na pwedeng gamitin ng mga magsasaka,” aniya, na nanawagang tingnan ito ng mga lokal na pamahalaan mula sa pananaw ng mga magsasaka.
Sa huli, binigyang-diin ng CIA with BA na bagama’t malinaw ang batas, mas maiiwasan ang sigalot kung sasabayan ito ng pag-unawa at konkretong solusyon mula sa pamahalaan.
Ang CIA with BA ay napapanood tuwing Linggo, alas-11 ng gabi sa GMA7.
CIA WITH BA : RICE ON THE ROAD, CAR ON TOP, WHO'S REALLY AT FAULT?
CIA with BA’: Rice on the road, car on top—who’s really at fault?
A viral video of a car parked over rice grains drying on the road has sparked public outrage and debate, after a heated argument erupted between the vehicle’s passengers and a farmer.
The incident took center stage in the ‘Tanong ng Pilipino’ segment of CIA with BA, raising questions about rights, responsibility, and respect on public roads.
While the farmer argued that the rice was his livelihood and that he had no other place to dry it, legal expert Atty. Marian Cayetano clarified that the law is clear.
“Meron talaga tayong batas na nagbabawal sa pagpapatuyo ng kahit anong ani or crops, so kasama na po ‘yung palay,” she said, citing DPWH Department Order No. 73 Series of 2014.
She explained that drying rice on roads can obstruct traffic and endanger motorists.
“Kasi makaka-obstruct po ng daanan. Ang kalsada natin, para talaga ‘yan sa motorista,” she noted, warning that it could lead to accidents and possible violations of the Land Transportation and Traffic Code.
However, Atty. Marian stressed that legal rights should be balanced with empathy.
“Legally, may right ‘yung motorista, pero hindi naman masama na maging compassionate,” she said, urging motorists to avoid parking over areas where farmers are drying their harvest.
For Boy Abunda, the controversy reflects a larger gap in government support.
“Wala ho kasing space na pwedeng gamitin ng mga magsasaka,” he said, calling on local governments to view the issue from the farmers’ perspective and provide proper drying facilities.
In the end, CIA with BA highlighted that while the law favors road safety, lasting solutions require compassion—and concrete action from authorities.
CIA with BA airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7.
PMPC STAR AWARDS ANNOUNCES 2026 OFFICERS AND BOARD OF DIRECTORS
PMPC STAR AWARDS ANNOUNCES 2026 OFFICERS AND BOARD OF DIRECTORS
PMPC Star Awards, Inc. formally announces the election of its new set of officers and members of the Board of Directors for 2026. The election was held on January 9 at the organization’s office on Roces Avenue, Quezon City.
Elected as President is Fernan de Guzman, who returns to the post after previously serving multiple terms. His re-election underscores the continued trust and confidence of the organization in his leadership and dedication to the PMPC.
Joining him as newly elected officers are Rodel Fernando (Vice President), Eric Borromeo (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Jimi Escala (Assistant Treasurer), Joey Austria (Auditor), Evelyn Diao (Public Relations Officer – English), and Glen Sibonga (Public Relations Officer – Filipino).
The newly constituted Board of Directors is composed of John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, and Francis Simeon.
Established in the 1960s, PMPC Star Awards, Inc. is recognized as the longest-running organization of entertainment media professionals in the Philippines, composed of editors, columnists, bloggers, and television and radio hosts. The organization is responsible for producing the annual Star Awards for Movies, Television, and Music, which honor excellence in the Philippine entertainment industry.
During President Fernan de Guzman’s term, the PMPC leadership, together with its members, aims to further elevate the standards of local entertainment journalism. These efforts are geared toward strengthening professional unity, upholding ethical reporting, and promoting the collective welfare of the organization and the industry it serves.
INNERVOICES WILL GO PLACES
Hindi lang yan, guwapo rin ang bokalista nila at hindi isnabero at feelingero noh!
Take note ha! Sa nakaraang Aliw Awards lang ay kinilala na rin ang husay nila bilang ' Best Group Performer In Hotels, Bars and Music Lounges ' ! Meaning, certified performer na sila at may K na!
Malayo pa ang mararating ng banda dahil they're not pocho-pocho band kundi mamahalin ang dating nila at pakahusay naman talaga sa kantahan.
Naku, abangan sila this 2026 sa pamumuno ni Atty. Rey Bergado na siya ring nasa keyboard ng InnerVoices dahil naglalakihang proyekto sa music scene ang susuungin nila!
Goodluck InnerVoices!
VIVA FILMS " KUKUBRA NALANG " AYON KAY VICE GANDA
‼️ " KUKUBRA NA LANG " --VICE GANDA ‼️
Dinaan man sa medyo joke pero alam naming sapul sa mukha ang bakuran ng Viva Films-ang talent management agency ni Vice Ganda nang magpasaring ito kamakailan sa It's Showtime pagkatapos niyang manalo bilang Best Actor sa MMFF 2025 awards night para sa pelikulang #CallMeMother
Well, tama lang namang supalpalin o paringgan minsan ang mga taong hindi man lang nagparamdam ng pagpapahalaga at suporta lalo na at talento pa nila si Vice. Wala naman kaming narinig na may hindi pagkakaunawaan si Vice at ang kanyang management kaya nabigla rin kami sa kanyang sinabi that day.
Sa success kahit papano ng nasabing movie ay milyon din ang kukubrahin ng Viva huh! Percentage tawag dun, diba?
Tsika pa ng isang tsismosang palaka na bumubula na ang bibig sa katsitsismis ay kung hindi naraw masaya si Vice sa kanyang management ay puwede naman daw siyang magpa-release at i-manage na ang kanyang sarili.
Ang tanong, ilang taong kontrata ba meron siya sa Viva? O may mga sosyo rin sila ng Viva kaya palagay ko ay mahihirapan siyang kumawala sa bakuran nito kung ganoon, hindi ba?
Ganyan talaga sa showbizlandia! There's no business like SHOWBUSINESS ika nga nila kaya kanya-kanyang laban yan! Jusmio!
Basta kami, ako peraonally ay HAPPY sa success ni Vice Ganda sa mundo ng showbizlabdia! Yun na!
VIRAL SUV CHASE : KAILAN PINAPAYAGAN ANG PULIS NA GUMAMIT NG FORCE?
Viral SUV Chase: Kailan pinapayagan ang pulis na gumamit ng force?
Sa unang episode ng taon ng CIA with BA, tinalakay sa segment na “Tanong ng Pilipino” ang isang viral video kung saan makikitang hinaharang ng mga pulis ang isang SUV na umano’y tumatakas. Sa nasabing video, makikita rin ang pagbabasag ng windshield ng sasakyan, na agad nagbunsod ng diskusyon tungkol sa paggamit ng puwersa ng kapulisan.
Dahil dito, isang manonood ang nagtanong: “Kailan pinapayagan ang pulis na gumamit ng ganitong klaseng pwersa?” Umani ang video ng iba’t ibang reaksyon online, partikular kung lehitimo ba ang naging aksyon ng mga pulis.
Ayon kay Atty. Matt Cesa, nakadepende sa sitwasyon ang paggamit ng puwersa at dapat itong angkop sa banta.
“Kailangan mong gumamit ng force depende sa situation. Kung may danger sa ibang tao, may harm sa sarili mo, ‘di mo magawa ‘yung duty mo, kailangan mong mag-inflict ng commensurate force,” paliwanag niya.
Iginiit naman ni Atty. Rafael Rivera ang prinsipyo ng necessity.
“You may use force as it is necessary,” aniya, sabay sabing ang kilos ng driver sa video ay maaaring ituring na banta na nangangailangan ng agarang aksyon ng kapulisan.
Dagdag pa ni Rivera, base sa nakikitang sitwasyon, makatwiran ang pagpigil sa sasakyan.
“Nakikita natin do’n sa sitwasyon, necessary gumamit ng force… dahil nagpo-pose na ng threat ‘yung pagmaneho niya ng sasakyan,” aniya.
Tinalakay rin ng panel ang posibleng kaso kung mapatutunayang ilegal ang pagkakuha ng sasakyan. Ayon kay Atty. Marian Cayetano, maaaring kasuhan ang driver ng carnapping.
“And then kung meron pong force and intimidation, higher po ang penalty,” paliwanag niya.
Kung may taong nabangga o ari-ariang nasira habang tumatakas ang driver, sinabi ni Atty. Bernadette Maybituin na mahalaga ang intensyon.
“Kung may deliberate intent… pwedeng malicious mischief,” aniya, at idinagdag na kung ito ay dahil sa reckless negligence, maaaring pumasok ang kasong reckless imprudence na may kaakibat na pinsala o kamatayan.
Sa pagtatapos ng talakayan, nagpaalala si Boy Abunda laban sa mabilis na paghuhusga batay lamang sa viral videos.
“We’re so quick to judge base sa ating napapanood sa social media… may tendency tayong gumawa ng sarili nating assumptions,” aniya, na hinikayat ang publiko na unawain muna ang buong konteksto ng bawat insidente.
Ang CIA with BA na pinangungunahan nina Senador Alan at Pia Cayetano at ni Tito Boy ay napapanood tuwing Linggo, alas-11 ng gabi sa GMA7.
CIA WITH BA : VIRAL SUV ARREST RAISES QUESTIONS ON POLICE USE OF FORCE
‘CIA with BA’: Viral SUV arrest raises questions on police use of force
In the first episode of the year, CIA with BA discussed a viral video in its “Tanong ng Pilipino” segment showing police officers blocking an SUV that appeared to be fleeing. The clip, which includes officers breaking the vehicle’s windshield, sparked online debate over police use of force.
A viewer raised the key question: “Kailan pinapayagan ang pulis na gumamit ng ganitong klaseng pwersa?” The video prompted concerns about whether the officers’ actions were legally justified.
Atty. Matt Cesa said the use of force depends on the situation and must be proportionate.
“Kailangan mong gumamit ng force depende sa situation. Kung may danger sa ibang tao, may harm sa sarili mo, ‘di mo magawa ‘yung duty mo, kailangan mong mag-inflict ng commensurate force,” he explained.
Atty. Rafael Rivera stressed the principle of necessity.
“You may use force as it is necessary,” he said, adding that the driver’s actions in the video could already pose a threat requiring police intervention.
Rivera further noted that based on what was shown, stopping the vehicle was warranted.
“Nakikita natin do’n sa sitwasyon, necessary gumamit ng force… dahil nagpo-pose na ng threat ‘yung pagmaneho niya ng sasakyan,” he said.
The panel also discussed possible charges if the vehicle was illegally obtained. Atty. Marian Cayetano said the driver may be charged with carnapping.
“And then kung meron pong force and intimidation, higher po ang penalty,” she added.
If a person or property was hit during the chase, liability would depend on intent, according to Atty. Bernadette Maybituin.
“Kung may deliberate intent… pwedeng malicious mischief,” she said, noting that reckless negligence could lead to charges of reckless imprudence resulting in damage, injury, or death.
Concluding the discussion, Boy Abunda cautioned against quick judgments based on viral clips.
“We’re so quick to judge base sa ating napapanood sa social media… may tendency tayong gumawa ng sarili nating assumptions,” he said.
CIA with BA, led by Senators Alan and Pia Cayetano, and Abunda, airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.
CIA WITH BA : SIKRETONG CCTV SA OPISINA LEGAL BA?
CIA with BA’: Sikretong CCTV sa opisina, legal ba?
Ang workplace surveillance ay maaaring magmukhang simpleng hakbang para sa seguridad, ngunit ang paglalagay ng CCTV nang walang tamang abiso ay maaaring magdulot ng seryosong legal na pananagutan sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Naging usapin ito matapos ikuwento ni Aya ng MariTeam ang tungkol sa isang kaibigan na nagbukas ng negosyo at naglagay ng CCTV upang maiwasan ang posibleng pagnanakaw ng mga empleyado.
Dito na itinapat ni Aya ang mahalagang tanong: “Legal po ba na maglagay ng CCTV sa opisina na hindi ipinapaalam sa mga empleyado?”
Ayon kay Atty. Marian Cayetano, ang ganitong gawain ay maaaring lumabag sa Data Privacy Act.
“Actually, pwede talaga siyang maging violation ng Data Privacy Act,” aniya.
Ipinaliwanag niya na obligasyon ng employer na ipaalam sa mga manggagawa ang paglalagay ng CCTV at maaari ring maglagay ng malinaw na abiso.
“Kailangang ipaalam ng employer na may ikakabit siyang CCTV do’n sa kanyang business at pwede ring maglagay ng notification [na nagsasabing] ‘This establishment is equipped by CCTV,’” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Atty. Cayetano na mahalaga ang transparency dahil ang CCTV ay kumokolekta ng personal na datos.
“Importante talaga na nano-notify ‘yung mga tao kasi ang CCTV, nag-ga-gather ‘to ng personal data so importanteng alam at hindi nakaka-violate ng privacy,” paliwanag niya.
Samantala, binanggit ni Atty. Rafael Rivera ang pinakabagong circular ng National Privacy Commission na nagsasaad na kinakailangang may signage na nag-aabiso sa lahat at hindi maaaring itago o i-store nang matagal ang CCTV footage.
“Kung sakaling kailangan ‘to gamitin, dapat hingin ito sa may-ari at hindi basta-basta ipo-post [sa social media],” aniya.
Paglilinaw ni Atty. Rivera, bagama’t may karapatan ang mga negosyante na protektahan ang kanilang negosyo, dapat ay may makatwirang layunin ang paggamit ng CCTV.
“May management prerogative din kasi so karapatan ng nagnenegosyo na protektahan ang negosyo niya,” aniya—paalala na ang seguridad ay hindi dapat isinasakripisyo ang karapatan sa privacy.
Ang ‘CIA with BA’ na pinangungunahan nina Senador Alan at Pia Cayetano at ni Boy Abunda ay napapanood tuwing Linggo, alas-11 ng gabi sa GMA7.
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...
-
OKEY! Wala naman talagang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada na mag-jowa na sila o kung anuman! Ang nangyari kasi, s...





















